Chapter 63

1.7K 52 1
                                    

Lachlan Chua POV

As my daily routine noong hindi ko pa siya nakilala. Inom maghapon magdamag.

Masakit pero kung hindi ko ito gagawin ay patuloy lang na siya lagi ang masusunod.

My biggest mistake was to leave her at that place na madilim at wala siyang kasama. I felt guilty. Binalikan ko siya pero huli na dahil wala na siya doon at sigurado akong naipasundo na siya ng Tatay niya.

"Pare, try to fix it." Si Relk.

"Oo nga naman pare. Kung kelan ayos na ang lahat ay saka pa kayo magkakaganito." Sulsol naman ni Davon.

" tama na din siguro pare. Break na kung break. Nawala ang pagkalalake ko nung naging kami. Hinayaan ko lang siya na laging nasusunod. Hindi naman siguro masama na ngayon ang sumuko." Sagot ko sabay tungga ulit sa iniinom ko.

"E kung matagal na palang ganyan, bakit ngayon mo lang naisipang makipaghiwalay kung kelan matagal na kayo?" Usisa ni Syke. Kaya naman napatingin ako sakanya. Hindi yata niya ako naiintindihan.

"Hinayaan kong tumagal dahil baka kako makaramdam siya at kusang ibahin ang mga nonsense na ugali niya. Pero wala e! Para akong nag-hahandle ng bata! Tsk!"

"Ulol ka pala e! Akala ko ba doon ka nawi-wili sa pagka-abnormal niya? Sa pagiging kakaiba niya sa mga nakilala mong babae. Ang tagal na ngayon mo lang naisipang sumuko? Ayusin mo sarili mo pare! Hindi mo yata alam ginagawa mo! Sige out na muna ako. May lakad pa ako." Saad niya at basta nalang nag-walk out. Hahabulin ko sana para naman kahit makaisang suntok lang ako pero pinigilan ako ni Davon.

"Fuck! Ano bang problema ng gagong yon!?" Bulyaw ko.

"Tch! Tama nga naman kasi siya pare. Bakit naman kasi pabigla-bigla ka?" Si Relk.

Hindi ako makapaniwalang tumingin sakanilang dalawa. Seriously? Akala ko kaya sila nandito ay para damayan ako hindi para barahin at kontrahin!

"Iwan nyo na muna ako. Gusto kong mapag-isa." Pakiusap ko sakanilang dalawa. At hindi na nga sila naghintay pa ng isang salita at basta nalang akong iniwan.

Pagka-alis nila ay inihagis ko sa kung saan ang hawak kong baso na may laman pang alak.

Shit!

"Kuya!" Sigaw ni Jayle.

"What!? Umalis ka dito! Gusto kong mapag-isa!" Sigaw ko din sakanya.

"You know what!? Ikaw ang problema eh! It's your nonsense pride! It's not ate Jake's lost, it's yours! Psh! Asshole! " yun lang at tinalikuran na din ako.

Okay ! Maybe it's my fault. Pero hindi ko na din alam at hindi ko na din maipaliwanag ang nararamdaman ko. Hindi ko na din alam kung bakit ako nagkakaganito.

Parang hindi ko na siya mahal...

Janjie Kane Terorra POV

Pinayagan ako ni Daddy na lumakad mag-isa. Pinaubaya din niya sa akin ang isa sa aming mga sasakyan.

Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang hindi siya maisip.

Bakit ganon nalang kadali sakanya ang sukuan ako? Bakut ganon nalang kadali para sakanya ang balewalain at iwan ako?

Pinunas ko agad ang nagbabadyang luha na naman na lalabas sa mata ko.

Itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa daan at pilit siyang inaalis sa aking isipan.

Kaya ko to...

Kaya ko to...

Pagkadating ko sa bahay nila Papa ay sobrang abala sila sa pag-aayos at paglilinis sa loob at labas ng bahay.

Nawala sa isipan ko, may ipapakilala pala sila sa akin.

Must be a very important person dahil kung hindi ay hindi sila maghahanda ng ganito.

"Anak! Buti naman at maaga kang pumunta. Halika dito." Si Mama at hinila ako papuntang kusina.

"Oh? Anong nangyari sa buhok mo? Kelan ka nagpagupit? Tara! Patayin natin gumupit sayo. Hahaha!" Si kuya Oliver agad ang nakapansin sa buhok ko.


"Ako gumupit. Astig no? Ganito talaga kapag nagmo-move on ang isang babae. Kailangan ng new look. Haha!" Ganting sagot ko sakanya.

"Anong ibig mong sabihin?"tanong naman ni Kuya Jeff.

"Napaka-low gets mo naman kuys! Malamang wala na kami kaya nga magmo-move on na diba? Tsk! Tsk! Ma! Ano na ba gagawin natin? At sino nga pala ang bisita? Tyaka...ops?! Wag ng magtatanong ng kung ano pa para hindi masira araw ko."dire-diretsong saad ko sakanila.

"Yung salad nalang muna siguro ang gagawin natin." Si Mama at nauna na sa mesa.

Ang dalawa naman ay naiwang nakatingin lang sa akin.

Tsss! Tapos na akong umiyak at mukha lang akong tanga dahil wala akong napala.

Ang syota kong abnormal [completed]Where stories live. Discover now