Chapter 25 - someone's POV

2.4K 70 0
                                    

SOMEONES'S POV

"Shit Shiera!! How many times do I have to tell you na hindi na tayo babalik doon! Nandito ang career mo! Ganun-ganun mo nalang ba yon itatapon?" I said with irritation on my voice.

" so what Sean? I want to go back there. I want to see him again!" Sagot niya na pasigaw. Shit! Sumasakit na ang ulo ko sa pagiging spoiled ng babaeng to.

"Who!? That guy!? Your so called superman!? Stupid! Kahit sinong makakakita sayo ng panahong iyon ay tutulungan ka! For God's sake Siera! That was long time ago! Baka hindi kana maalala non!" Giit ko parin sakanya.

"Bakit hindi mo nalang sabihin Sean na ayaw mo akong umuwi sa Pilipinas dahil baka nga mahanap ko siya at ma-recognized pa niya ako at ligawan ako? Natatakot ka bang mapunta ako sakanya? Dahil mahal mo na ako? Just- just tell me Sean. Hindi ako uuwi." She's really impossible! Nasisiraan na ba siya ng ulo? Pagmamahal bilang kapatid lang ang kaya kong ibigay sakanya. Masyado akong nagfofocus sa kompanya na ipinamana sakin ng parents ko. And I don't have time for love life!

Long time ago sa Pilipinas ay nagbakasyon kami. Me with my family and Shiera with her family also. Matalik na magkaibigan ang mga magulang namin. Kaya ganun din kami ni Shiera since elementary. Nagbago lang yon ng tumuntong na kami sa highschool dahil panay padama na siya sakin na gusto niya ako.

Shiera is a nice girl but...ayoko lang talaga sa mga spoiled na kagaya niya. They treated her like a baby. Yun bang sobrang alagang-alaga kaya lagi lang siyang nakadepende sa mga magulang niya. Which is not my type on a woman.

We stayed on a resort owned by her family. Hindi naman yon private kaya madaming turista at mga nagbabakasyon ding tulad namin.

May nangyari kasing accident that time. Nagtampo sakin si Shiera at tumakbo palapit sa dagat. Hindi ko naman siya sinundan dahil din sa asar ko sakanya.

Hanggang sa bigla nalang akong kinabahan ng magkagulo ang mga tao at palapit silang lahat sa dagat. Mukhang may nalulunod.Dahil na din sa kaba at curious ako ay pumunta din ako. At nagulat at nagsisi nalang ako sa aking nakita.

It's Siera. Karga siya ng sa tingin ko ay kaedad lang din namin. Ng ibaba niya si Siera ay wala itong malay. Dahil siguro ito sa dami ng nainom na niyang tubig. Tinabig ko agad ang lalaki at ako na ang nag-asikaso kay Siera. Hindi din naman nagtagal narevived ko din siya.

Ng makita kong papalayo na ang lalaki ay hinabol ko siya.

"Tha-thanks for saving her. What's your name?" Tanong ko noon habang habol ang hininga ko.

"Lachlan Chua. No problem. Sige." Sagot niya at basta nalang akong iniwan.

Oo, kilala ko siya pero never kong sinabi kay Siera ang pangalan niya. Wala akong balak sabihin iyon sakanya. Hanggang sa pinilit niya ako ng pinilit para lang sabihin ang pangalan niya. Dahil karapatan daw niyang malaman kung sino ang nagligtas sa buhay niya. She even told me na buti pa daw yong lalaking yon ay concern sakanya at iniligtas siya. Hindi daw katulad ko na walang pakialam sakanya. I don't know but...nasaktan ako noong marinig ko ang mga salitang yon sakanya. Kaya kahit labag man sa kalooban ko ay nasabi ko sakanya ang pangalan ng taong nagligtas sakanya.Pero ng gabing ding yon ay ipinangako ko sa sarili ko na poprotektahan ko siya at ipapakita kong may pakialam ako sakanya. At mahalaga siya sakin.

"Okay, if that's what you want. Magpapaalam lang ako kay Dad at siya na muna ang bahala sa company. I will go with you." Pinal na sagot ko. And I saw her sweet smile. Shit.! Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?

Yun lang at umalis na siya agad sa harapan ko. Naging ganon na siya simula ng pinrangka ko siyang hanggang kapatid lang ang turing ko sakanya.


Ulila na siya 3 months ago. Namatay ang both parents niya sa isang car accident at dahil close ang family namin ay napag-desisyonan nila Mom and Dad na sa bahay nalang namin siya tumira. Kaya simula noon ay naging responsibilidad ko na siya.

____________
"Are you sure?" Si Daddy.

"Yes Dad. Hindi ko naman siya pwedeng papuntahin doon ng mag-isa baka kung ano pa ang gawin niya sa buhay niya." Sagot ko. Nagpapaalam kasi ako sakanya tungkol doon sa pag-uwi namin ni Shiera sa Pilipinas this week.

"The way you care for her, hindi maikakailang mahal mo siya. Why not to try to confess to her your feelings? Bakit ba palagi mong pinapamukha sakanyang hanggang magkapatid lang kayo pero ang totoo naman ay higit pa don ang nararamdaman mo para sakanya." Tsk! My Father really knows me well. Wala akong naitatago sakanya. Lahat yata ay nahahalata at nababasa niya.


"I will tell her soon...kapag nakalimutan na niya ang lalaking yon." Yuko ko.

Nagseselos ako sa hindi ko kilalang lalaki. Magmula ng malaman niya ang pangalan ng lalaking yon ay nag-hire pa siya mismo ng investigator para lang pasubaybayan siya. Nagpapakuha ito ng mga pictures at pagpasok ko sa kanyang kwarta ay panay pictures nung lalake ang nakikita ko sa wall niya. And it hurts like hell! Dati ay gustung-gusto niya ako. Pero ngayon, nahuhumaling na siya sa iba.

Ang syota kong abnormal [completed]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant