Chapter 46-Intramurals

1.8K 59 0
                                    

JANJIE KANE SOCRATES POV

"Anak, may problema ba? Pansin ko lately ay parang wala ka sa sarili mo at wala kang ganang kumain." Si Tita ng paalis na ako ng bahay at katatapos ko lang magpaalam kay Lola.

Medyo nagmamadali din kasi ako ngayon dahil ngayon ang araw ng intramurals namin.

"Ah-wa-wala naman po Tita. Mauuna na po ako Tita. Commute nalang po ako. Isinali po kasi ako sa softball team." Paalam ko at humalik ako sa pisngi niya.

"Oh siya sige. Galingan mo at mag-iingat ka. Pupunta daw ang mga pinsan mo para mapanuod ang laro mo. Sayang nga lang at madami kaming ginagawa ngayon sa office kaya hindi ka man lang namin mapapanuod." Tumango lang naman ako sa sinabi niya at binigyan siya ng sapilitang ngiti.

Akala ko ang swerte ko na dahil mga kamag-anak ko sila. Pero yung katotohanang ampon ako at hindi ko sila kaano-ano ay sobrang sakit. Mas ginusto ko pa sanang hindi nalang sila nakilala para hindi ko nararamdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Si Chua ay talagang pinanindigan na niya ang hindi pagpaparamdam sa akin. Pati din sila Kuya wala akong natatanggap na ano mang mensahe at tawag galing sakanila.

Dagdag hinanakit ang nararamdaman ko ngayon. Ampon at niloko ako ng lalaking kauna-unahan kong pinagkatiwalaan at minahal.

Para sa akin, naging mabuti naman ako. Bakit ganito ang ganti ng tadhana sa akin? Wala akong matandaan na maling nagawa ko para danasin ang lahat ng mga ito ngayon.

Dahil sa dami ng iniisip ko,Hindi ko namalayan na nandito na pala sa harap ng school ang sinakyan kong tricy kanina.

Agad akong nagbayad at dumiretso na sa gate para pumunta sa field dahil ilang minuto nalang at maglalaro na kami.

Wala akong ka-balak-balak sumali sa larong to ngunit sadyang mapilit ang coach namin. Ife-fail daw niya ako sa P.E kapag hindi ako sasali kaya no choice ako kundi umo-o nalang.

"Coach! Nandito na si Jake! Buo na po ang team!" Sigaw ni Richelle, isa siya sa mga kasali sa larong ito.

"Late kana naman Socrates! Go get your things now! At pumwesto na kayo sa kanya-kanya ninyong bases!" Sigaw ni coach sabay palakpak simbolo na minamadali niya kami dahil naka-pwesto na ang mga kalaban namin. Kami kasi ang unang taya. "Socrates! Palit kayo ni Abad ng pwesto! Ikaw sa third base!" Dagdag na sigaw niya at agad naman kaming nagpalit ng base ni Abad.

Pagtingin ko sa bleachers ay kinakawayan ako ng mga pinsan ko. At ang daming tao para manuod sa amin.

Ng igala ko pa ang paningin ko ay ewan ko kung namamalik-mata lang ako pero nakita ko si Chua.

Ng ibalik ko ulit ang paningin ko kung saan ko siya nakita kanina ay wala na siya. Siguro nga ay namamalikmata lang ako.

Nagsimula na ang laro.

"STRIKE ONE!" sigaw ng ampire. Lahat kami ay napangisi.

Magaling ang pitcher namin. Mahirap talagang tamaan ang ibinabato niyang bola.

Ng pangalawang bato niya ng bola ay tsamba niya itong natamaan.

Agad siyang tumakbo para pumunta sa base ngunit sumigaw ulit ang ampire dahil nasalo ng kasama naming nasa second base ang bola.

Agad na nagsigawan ang mga nasa bleachers na kami sa amin.

Sunud-sunod ang naging foul nila kaya naman kami naman ang magba-bat ng bola.

Ako ang pangatlo sa pila. Una si Abad pangalawa si Tuazon at ako nga ang pangatlo.

Sinadya ni coach na sa pangatlo ako dahil isa ako sa may pinaka-malakas na mag-bat ng bola. At bihira lang din akong nagkakamali sa pag-bat ng bola.

Ang syota kong abnormal [completed]Where stories live. Discover now