Chapter 8 - patay!

3.1K 103 2
                                    

JANJIE KANE SOCRATES POV

haist! Nakakabagot na araw. Walang magawa. Si Ulo hindi na talaga nagpapakita simula nung nagaumbong siya sa bahay.

I know my actions are kinda weird but....well? What can I do? This is me and I like the real me. Hindi ko kailangang magpa-impress sa mga tao para lang kaibiganin ako. Ano naman kung ayaw nila sa pag-uugali ko dahil daw balahura akong babae? Kuntento ako sa mga abnormal na mga kaibigan ko. Kahit sila lang mga kasama ko araw-araw kumpleto na ko.





"Hoy Jake! Totoo ba yung tsismis dito sa campus?" Si Buda.






"Ano nanamang tsismis? Wag ngang kung anu-ano binabalita mo. Dahil di ako tsismosa at wala akong pake sa mga tsinitsismis nila." Sabi ko dahil hindi talaga ako pinalaking tsismosa ng mga magulang ko.






"Ah ganon? E paano naman daw kung tungkol sayo ang tsismis?? Aba ateng!? Dahil dyan sa ugali mong walang pakialam sa iba...wala kang kamalay-malay na sikat na sikat kana ngayon dito sa campus! Kaloka ka girl!!?"

Si bakla.



Oo parang wala lang akong pakialam but they don't know I'm also aware sa mga nangyayari sa paligid ko. At alam ko din na nagkalat na ang tsismis na kami na nga ni Chua. Sa mga makakating dila nila. Hindi malayong alam na ngayon sa buong campus.








I'm just ignoring them. Dahil kung papatulan ko ang mga pinagsasabi nila ay dagdag problema at mabu-bwisit lang ako.







Hay! Tumayo na ako at iniwan na sila. Aksaya sa oras ang makinig sa tsismis.





"Hoy bruha! At saan ka naman pupunta?? Basta basta ka nanamang nagwo-walk out jan." Habol ni bakla pero hindi ko na pinansin.










Magliliwaliw nalang ako sa mall. Buti pa doon kahit madaming tao. Walang mantsitsismis  sakin at walang mga matang nakatingin sa na para ba akong nakapatay ng tao.





MALL...

Pagkapasok ko palang sa mall ay may nakita na akong mukhang pamilyar sa akin. Haha! Kung hindi ako nagkakamali ay mag-isa lang ata siya.




Mabait naman ata pala si sungit na boss nila dahil pinapayagan niya ang mga bodyguard niyang gumala gala lang sa mall.





Hindi ako nagdalawang isip at nilapitan ko nga siya.






"Woi! Ikaw si Red diba?? Boss mo yung masungit na si Chua? Yung laging parang may mens?? Hahaha! May kasama ka ba?" Masayang bati ko sakanya.





Alanganing ngiti ang iginanti niya sakin. Ano naman kayang problema nito? Weirdo.




"Anong sabi mo?" 0________0 isang tinig ang gumulat sa likuran ko. At kahit ilang araw palang ako nadikit sakanya ay kabisado ko na ata ang boses niya.






Patay!

Ang syota kong abnormal [completed]Where stories live. Discover now