“ENOUGH!” muli kong saway sa kanila ng pasigaw. Para silang mga bata. Nakakairita na.


“Kailan huling may nanakawan? Sinong huling nanakawan?” mahinahon kong tanong sa kanila.


“Nung isang araw. Trina Natividad from 4B.” Si Yuri pa rin ang sumagot. “Laptop ang nanakaw sa kanya. At pinaamin ko sya kung may importante ba sya doong files. She said yes, some private photos of her and her boyfriend. It seems na ganun ang target nya para sirain lalo ang mga edtudyante ng HFA. Is it too obvious? Simula ng dumating sya dito sa HFA, ang dami ng nangyare. Yung ginawa nya sa kotse natin Blaze? Nakita mo rin di’ba? Sya yung nasa CCTV. And who knows?  Baka nga hindi talagang nagpakamatay si Jewel at sinadya nya itong itulak para mas lalong lumaki ang issue ng HFA.” giit pang lalo ni Yuri.


“So, sinasabi mong mamamatay tao si C.A?” iritadong singhal ni Axle kay Yuri.

Napansin ko rin ang inis sa mga mata ni Dwayne ng tignan nya si Yuri. Mukhang pati sya eh hindi nagustuhan ang sinabi ni Yuri.

Kahit naman ako, medyo hindi maganda sa pandinig ko ang sinasabi nya. Sana kahit papaano nagpapadalos dalos sya sa mga sinasabi nya lalo tungkol sa ganoong pangyayare. Mabigat na paratang ang pagpatay. Hindi yun biro.

“Magdahan dahan ka sa mga bintang mo Yuri. Paano kung may ibang makarinig? Paano kung makalabas ito at kumalat? Anong gagawin mo kung hindi naman pala totoo?” muling komento ni Sham habang madiing tinitignan si Yuri.


Aminado akong medyo may pagkamaldita rin naman talaga ‘tong si Sham, pero mas deserve nya ang position bilang isa sa mga councils ko kaysa sa iniliminate ko na si Janna na sagana lang naman sa paganda kagaya ni Yuri. Kung hindi nga lang anak ng mayari ng HFA si Yuri, malamang matagal ko na rin itong pinatanggal bilang student council. 

Bakit ba pinagtatanggol nyo yung Candid na yun ha? Eh bago lang naman yun dito. Magmula ng magtransfer sya rito, saka lang nangyare yung mga ganitong gulo. Doon pa lang ba hindi na kayo napapaisip?” masyado ng naiirita si Yuri habang pinaglalaban nya ang opinyon nya.


“Hindi ka ba nagtataka Yuri? Masyado naman yatang hindi nagiisip si Candid kung gagawin nya yun. Tadtad ng CCTV ang buong HFA. At tatlong beses na syang nagpakita sa CCTV habang gumagawa ng hindi maganda? Ano yun, intensyon nya talagang ipakita ang sarili sa CCTV para malaman natin sya ang gumagawa?” this time, nagsalita na si Trust na ikinatahimik muli ng lahat.


“Tama si Trust. Huwag tayong padalos dalos. And besides, hindi ba noong isang araw may huling nanakawan? Tatlong araw ng hindi pumapasok si Candid sa pagkakaalam ko.” ako naman ang nagsalita tungkol sa opinyon ko.


Hindi sa kinakampihan ko ang scholar na yun. Gusto ko lang maging fair at sabihin ang kung ano mang naiisip kong mga butas sa paratang.


Oo, aminado akong noong una, sya ang matindi kong pinagbintangan dahil kitang kita naman talagang naka-suot ng head scarf ang babaeng gumawa nun kay Lacey; sa kotse ko. Pero makaraan lang ang dalawang linggo kong pagmamanman, napatunayang kong hindi sya ang gumawa nun dahil sa naulit na insidente sa nangyari kay Yuri.

ELITESWhere stories live. Discover now