" Eto. Ok lang. Dating gawi. " normal niyang sagot.

" Ka...kamusta lovelife? " napalunok na lang ako. Kanina nasa isip ko lang 'yun ah? Kanina pinipigilan ko pa 'yung bibig ko para itanong 'yun. Next thing I knew, natanong ko na pala. Kailangan ko na talagang magpacheck-up.

Tumingin siya sa akin ng makahulugan at saka ngumiti. Anong mayroon? Pagkatapos nun, muli niyang ibinalik ang tingin niya sa kawalan.

" Wala pa eh. Wala pang nagkakamali. " bumigat 'yung paghinga ko nung narinig ko 'yun.

" Si Jia... diba gustong gusto mo dati di Jia? "

" Oo. Gusto ko pa rin naman siya ngayon... " parang tinusok ng aspile 'yung puso ko nung marinig ko 'yun. Dapat pala hindi ko na lang itinanong. " ... kaso bilang kaibigan na lang. Wala na eh. Lumipas na. Hindi ko na siya mahal. Iba na kasi 'yung mahal ko. "

Hindi naman ako bobo para hindi marealize na ako 'yung pinatutungkulan niyang 'yun. Hindi ko lang alam kung ano 'yung irereact ko. Siyempre, may boyfriend akong tao. Hindi pwedeng basta basta akong gagalaw kasi ngayon, hindi na lang ako ang maapektuhan sa mga ikikilos ko, dalawa na kami.

Ano bang gagawin ko? Matutuwa ba ako kasi in a way, parang nakakapghiganti na rin ako sa kanya o malulungkot ako kasi naranasan ko din 'yung pinagdadaanan niya or worst... wala lang talaga sa timing? Hindi tama 'yung oras. Huli na 'yung lahat. Hindi na pwede? Ano ba talaga.

" Sorry. Hindi mo yata nagustuhan 'yung sinabi ko. Sinabi ko lang naman 'yung totoo... na ikaw pa rin 'yung mahal ko. Pero 'wag kang mag-alala, nakikita ko naman na ok ka na kay Nixon. Alam kong aalagaan ka niya't hindi papabayaan. Alam kong hindi niya ako gagayahin kaya ok na rin ako. "

Tiningnan ko na lang siya. Hindi ko alam kung maawa ba ako sa kanya. Parang gusto ko siyang yakapin at icomfort. Gusto kong pawiin 'yung bigat ng nararamdaman niya pero sabi ko nga, hindi pwede. Hindi na pwede.

" Ano? Ba't ka nakatingin ng ganyan? Ok lang ako, ano ba. Ganito lang talaga siguro kahirap mag-move on. Hahaha. " tumatawa siya pero alam mo 'yung pilit? 'Yung hindi kasama 'yung mata sa pagtawa niya? Hay.

***

" Bh3... anong gagawin ko? " sabay hawak sa kamay ni Jam.

Lumapit ako sa kanya. Alam kong siya lang 'yung makakaintindi sa akin kasi babae siya. Hindi naman sa sinasabi kong babae din ako kaso siya, bilang babae, hindi kaagad siya magjujump into conclusion. Maiintindihan niya ako. Hindi rin sa sinasabi kong makitid ang utak ng iba kong kaibigan para hindi ko sila lapitan. Mas kumportable lang talaga akong sa babae ako nag-oopen. All this time, wala naman akong gaanong kaibigang lalaki na tunay.

" Alam mo friend, ikaw lang ang makakasagot niyan. Ikaw lang ang may alam ng solusyon. " sabi niya.

" Huh? Eh di sana hindi na ako lumapit sa'yo kung alam ko. Ok ka lang? " pangbabara ko naman dito.

Tinitigan niya lang ako ng masama.

" Maniwala ka sa'kin friend! Alam mong ikaw lang ang may alam ng sagot. Actually, feeling ko, at this point, alam mo naman ang sagot eh. Kaso alam mo kung anong kailangan mo, hindi advice... kakampi bes. Kakampi. Pumunta ka dito para itanong na kung ako 'yung nasa posisyon mo, anong gagawin ko, and then kapag parehas tayo ng gagawin, mapapanatag ka kasi may kakampi ka, kasi feeling mo nasa tama ka. Diba? "

Napasimangot na lang ako. Oo nga pala, Bachelor of Arts in Psychology nga pala itong kinakausap at hinhingan ko ng advice. Malamang alam nito kung ano talaga 'yung ginagawa ko.

" Alam mo friend, napakadali lang kasi ng rule jan. " tumabi siya sa'kin at saka ako inakbayan. " Kung sinong tinitibok ng puso mo, dun ka. 'Wag kang matakot. 'Yun lang naman 'yun eh. Ang hirap sa'yo, masyado kang nagpapapaniwala jan sa mga binabasa mo na kailangan pang gumawa ng mga milagro para lang masabing siya talaga 'yung para sa'yo. Well in fact, papakinggan mo lang naman 'yung tinitibok ng puso mo. Ganoon lang kasimple. "

* Gray

" Dude, dalas mong magspace-out ngayon ha. " sabi sa'kin ng pinsan ko.

Ang tagal naman ng araw. Gusto ko na ulit magkapasok. Namimiss ko na sila eh. Namimiss ko na 'yung dalawang kumag. Namimiss ko na sina Jam at Jed. Namimiss ko na si Reggo. Parang tanga lang diba? Parang kausap ko lang siya kanina tapos miss ko na agad? Anong magagawa ko? Eh 'yun 'yung nararamdaman ko.

" Babae 'yan ano? " tanong niya sa'kin.

Umiling lang ako.

" Lalaki dude. "

" Baka! 'Wag ako pinsan. 'Wag ako. " nag-aalangan niyang sagot.

Hindi niya kasi alam 'yung nangyari sa amin ni Reggo. Ewan ko kung bakit hindi niya alam samantalang hindi naman namin itinatago ni Daddy kung sino talaga ako. Wala din naman akong balak magdeny kung sakaling may magtanong. Sasabihin ko naman 'yung totoo.

" Dude, I'm serious here. I'm inlove with a guy. I'm inlove with... Reggo. "

Nag-close open close open 'yung bunganga niya at halos parang napako siya sa kinauupuan niya noong marining niya 'yun. Alam kong marami siyang gustong itanong pero sadyang puro mga ungol lang 'yung lumalabas sa bunganga niya. Naiintindihan ko naman.

" Y...you m...mean...Re...Reggo? 'Yung dati mong s...step bro...brother? " tumango lang ako. " Sh*t. Bakit bro? "

" Anong bakit? " natatawa kong sagot.

" I mean... pa'nong... pa'nong nainlove ka sa isang... isang lalaki? Are you... are you gay? " nag-aalangan niyang tanong.

" Kung bakla ang tawag nila sa isang lalaking nagmahal ng kapwa niyang lalaki, oo bakla ko. But I don't feel like I'm one. Lalaki pa rin ako, 'yun nga lang, sa lalaki rin tumibok 'yung puso ko. "

" Is that even possible? Goddamn dude. I thought you were straight. Master chicser ka diba? What happened? "

" Akala ko din. Pero akala ko lang pala. Believe me dude, posible 'yun. Ang hirap sa ibang tao mas naniniwala pa sila sa fairytales kaysa sa fact na pwedeng mainlove ang isang lalaki sa kapwa niya lalaki. Pa'no nangyari? I don't know. Basta isang araw pagkagising ko, ganito na ako... mahal ko na si Reggo. Alam kong weird pakinggan pero ngayon ko lang naramdaman 'yung ganitong feeling... 'yung love in its truest form. Ngayon lang dude. Ngayon lang. "

" O...ok. Pero bakit ka nagspace-out? May kinalaman ba 'yan kay Reggo? "

" Yes. Actually, naging kami na. But I messed up. I cheated on him... with another man. With his cousin. Then everything went upside down. Next thing I knew? He was already inlove with somebody. Actually, sila na nga ngayon eh and they look so inlove... and perfect. " biglang tumulo 'yung luha ko.

" Dude... are you crying? Hahaha. Ikaw? Umiiyak? Sh*t dude! Iba ka na. " natatawa niyang sabi saka ginulo 'yung buhok ko.

Binigyan ko lang siya ng isang dirty finger sign.

" Iba na nga ako. Iba na din 'yung mahal ng taong mahal ko. " bulong ko.

***

Sorry na. Hanggang dito lang kinaya ko :) Comments?

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Where stories live. Discover now