Epilogue

2.4K 74 52
                                    

Agui's POV

I went back to Hawaii. I tried so hard to start my life again. I tried to live without her. But without her, I just realised, it is not living.

She made me feel everything again. But then, all at once, it was taken away from me. No, I gave it all away for her.

It was for the best, or so I thought. Because it did the worst to me.

Every day, I die. It stings. It kills me. Every day, I think of it. Kung tama ba o mali ang ginawa ko. Kung tama ba na pinili kong piliin niya ang sarili niya, kung tama bang lumayo ako para makapagsimula ulit siya, at kung tama bang hindi namin pinaglaban para lang maligtas ako.

Ang lungkot. Sobrang lungkot.

Gaya ng sabi niya, hindi na ako umuwi ulit ng Pilipinas. Gaya ng hiniling niya, hindi na ulit ako nagpakita ulit sa kanya.

But when Nay Lareng died, I decided to go home. Pagkatapos ng anim na taon, umuwi ulit ako. At masakit na makita ko siyang ganito na. She was like a mother to me. She took care of me, she never left my side.

Pagkatapos niyang mailibing, nanatili pa ako ng ilang araw sa bahay niya.

Pumasok ako sa kwarto ko dito. At pagpasok ko, bigla na lang akong natigilan.

It feels really nostalgic. Naalala ko si Khale, ang mga alaala namin dito.

Lalo kong nararamdaman ang lungkot.

Pagsapit ng gabi, pinuntahan ako ni Iton. Simula noong umuwi ako dito, hindi pa kami ganoon nakakapag-usap.

"Kamusta ka na?" Tanong ko sa kanya habang nagtitimpla ako ng kape para sa aming dalawa.

"Ayos lang, Kuya..." aniya.

Pinanood ko siyang tignan ang bahay.

"Ang lungkot na wala si Nay Lareng." Sabi niya.

"Hmm..." sagot ko lang.

"Noong bigla ka na lang umalis, sobra siyang nag-alala." Pagkukwento niya. "Hinihintay ka niya gabi-gabi." 

Napatulala na lang ako, iniisip ko kung ano ang mga pinagdaanan namin bawat isa dahil lang sa nangyaring iyon.

"Malaki ang utang na loob namin sa'yo, Kuya Agui, kaya hindi namin sinabi ni Ican." Sabi niya.

Napatingin ako sa kanya.

"At alam namin na hindi ka masamang tao..."

"Salamat, Iton." Sagot ko sa kanya.

Pagkatapos ay natahimik kaming dalawa.

"Si Khale." Sambit niya.

Kumirot ang puso ko, pagkadinig pa lang sa pangalan niya.

"Kamusta na siya?" Tanong niya. "May balita ka ba sa kanya?"

Umiling ako.

"Alam niya bang umuwi ka?" Tanong niya.

Umiling ulit ako.

"Hindi na niya kailangang malaman..." sagot ko naman.

"Baka hinihintay ka lang din niya." Sagot ni Iton sa akin.

Maybe. I don't know.

Huminga ako ng malalim, at ininom ang kape ko.

As I lay on my bed, I think of her again. Hanggang sa tawagin ko sa Liz para kunin ang address ni Khale.

Liz is married now and she's going to be a mom real soon.

"She's not living with her parents anymore. Wala na akong contact sa kanya." Sagot ni Liz sa akin.

That NightWhere stories live. Discover now