29

1.3K 71 5
                                    

Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw. Kumalabog ang dibdib ko kasabay ng pagputok nito. Napadilat ako, at napaupo sa kama.

Hinihingal. Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay may mangyayaring masama.

Napalingon si Agui sa akin na nasa kwarto ngayon at nakaharap sa cabinet, tila naghahanap ng kanyang maisusuot.

"Ayos ka lang?" He asked. I could tell through his stare that he's worried.

Hindi ako makasagot. Binabalot ako ng takot at kaba ngayon. Bigla na lang bumalik ang lahat ng kaba at takot na naramdaman ko noong mga panahon na tumatakas kaming dalawa mula sa mansyon.

Nanatili kaming nakatingin sa isa't isa, at wala akong sinasabi. That, I think, made him a little more worried.

Tuluyan na niyang sinarado ang cabinet habang nakatingin pa rin sa akin, tapos ay dahan-dahan niya akong nilapitan.

He sat beside me.

"Bad dream?" He asked. Ang kalmado.

Tumango ako.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya.

"It's just a bad dream." Pagsasalita niyang muli.

Pilit kong tinatatak sa isip ko na panaginip lang iyon. Pero hindi ko mapigilan ang makaramdam pa rin ng takot at kaba.

"Hanggang kailan tayo tatakbo papalayo sa kanila?" I asked.

Binalot kami ng katahimikan. Alam ko na alam niya kung ano ang aking tinutukoy. And I know, pagod na rin siya kakatakbo at kakatago sa mga taong humahabol sa aming dalawa.

"May hangganan naman lahat ng 'to, 'di ba?" Tanong kong muli sa kanya. Hindi pa rin siya kumikibo.

He was just looking at me for a few seconds, then he looked away.

"You're safer here." Sagot niya sa akin.

"I know..." I said. "But, until when, Agui?"

Hindi siya muling nakasagot.

"Let's fix this. Together. Sasabihin ko na wala ka naman talagang kasalanan. Sasabihin ko na ginusto kong sumama sa'yo-"

"Khalila."

Natigilan ako sa pagsabay niya sa pagsasalita ko.

Nilingon niya ako. At parang may tumusok sa puso ko nang makita ko ang kanyang mga mata.

"Hindi ganoon kadali 'yon." Sagot niya sa akin.

Hindi ko maintindihan.

"We can still save each other. Let's just face my parents or my Uncle. Tell everyone the truth." Sagot ko. "Madali lang 'yon, Agui. Sasabihin lang natin. Para hindi na tayo magtago, para hindi na tumakbo ng tumakbo."

Napailing siya.

"It's not that easy, Khale." He argued, again.

"Magtatago na lang ba tayo?" Tanong ko. "Tatakbo na lang?"

Nanatili siyang nakatingin sa akin.

"We can have these moments the better way." I said. "Natatakot ako, Agui. Natatakot ako na baka isang araw, paggising ko malaman nating dalawa na huli na pala ang lahat. Natatakot ako na baka paggising ko, wala ka na."

Ilang segundong katahimikan muli ang bumalot sa aming dalawa bago siya napaiba ng tingin.

Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa kama. Nanatili ang tingin niya doon.

That NightWhere stories live. Discover now