18

1.3K 61 14
                                    

Bumaba ako sa kusina, nadatnan ko doon si Nanay Lareng na naghahanda ng makakain namin.

Pinasadahan niya ako ng tingin pero pagkatapos non ay hindi na siya nagsalita.

"Tulungan ko na po kayo." Sabi ko sa kanya. Naghugas ako ng kamay, at kumuha ng kutsilyong panghiwa ng mga gulay.

Tinignan niya ako. Akala ko ay may sasabihin pa siya pero hinayaan niya lang ako. 

"Nasaan po si Agui, Nay?" Tanong ko sa kanya nang magsimula akong manghiwa sayote.

"Mali." Aniya.

Napatigil ako, napaangat ang tingin sa kanya.

"Po?" Tanong ko.

"Mali ang ginagawa mo." Sagot niya. Napailing siya. Binitawan niya ang kutsilyo na hawak niya, at nilapitan ako para ituro sa akin ang tamang paghiwa ng gulay.

Nagkatinginan kami bago siya bumalik sa tinatrabaho niya. Kulang na lang, irapan niya ako. She hates me.

"Pasensya na po." Sabi ko na lang.

Hindi niya ako pinansin.

"Si Agui po? Nasaan?" Tanong ko ulit dahil hindi niya pa sinasagot iyon.

"Umalis." Sagot niya.

"Saan po pumunta?"

"Magkikita daw sila ni Liz sa bayan." Sagot niya naman sa akin. "Hindi ba nagpaalam sa'yo?"

Umiling ako.

Nagkita sila? Hindi man lang siya nagpaalam sa akin.

Alam kong walang namamagitan sa kanila. Sinabi na ni Agui sa akin na magkaibigan lang sila. But I still can't help but to think that there's something going on between them.

"Wala po bang nililigawan si Agui?" Tanong ko kay Nanay Lareng.

"Bakit mo naman tinatanong 'yan?" Aniya, nag-angat siya ng tingin sa akin. "Asawa ka na niya."

Nakalimutan ko.

"Ibang niligawan, ibig ko pong sabihin." Pambabawi ko.

Ilang segundo siyang natigilan, tinignan niya lang ako.

"Meron naman." Sagot niya, at binalik ang atensyon niya sa hinihiwa niya.

Nilagay niya ito sa kawali, at sinundan ko siya ng tingin.

"Niligawan niya po ba si Liz?" Tanong ko.

Hindi niya ako nilingon.

"Hindi ko lang alam." Sagot niya. "Nakilala ko lang si Liz noong medyo matanda na si Agui. Bumalik siya mula sa Hawaii, nagbakasyon dito at sinama niya si Liz."

Bigla akong nainggit kay Liz. Ito na naman ako.

"Baka naging sila po..." sabi ko naman.

"Bagay naman sila." Sagot niya sa akin.

Hindi man lang niya sinabi na mas bagay kami ni Agui. Ginatungan niya ang sinabi kong bagay sila.

Nilingon niya ako. Tinignan niya ako, bahagyang nakayuko dahil sa kanyang salamin na nakasabit sa dulo ng kanyang ilong.

"Bakit ba pinamimigay mo ang asawa mo sa ibang tao?" Aniya.

Umiling ako.

"Hindi ko po siya pinamimigay..."

"Sa tono ng pananalita mo, parang gusto mong si Liz na lang ang asawa niya."

"Hindi po." Sagot ko.

That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon