36

1.3K 56 0
                                    

After that night, everything changed.

Nagulat ang lahat nang dumating ako sa bahay ng Uncle Timotheo ko. Kita ko sa mga mukha nila na hindi sila makapaniwala sa nakikita nila. At alam ko rin na ang dami nilang gustong itanong sa akin. But, they didn't ask any.

Pinapasok nila ako sa bahay nila nang walang pag-aalinlangan. My Auntie Carmel, Uncle Timotheo's wife, escorted me to their house. Hinawakan niya ako, inalalayan na para bang alam niya na nanghihina ako ngayon.

As soon as I got inside their house, I sat on the couch. Sinamahan ako ni Uncle Timotheo habang ang asawa niya ay pumunta ng kusina para kumuha ng tubig.

"Can I stay here for a while?" I asked.

"Yeah," he said. "Of course you can, Khale."

Dahan-dahan akong napatango.

Everyone in here is speechless. Pati mga pinsan ko ay nagising, sinamahan ako at walang sinasabi. They were all shocked, I guessed.

"Khale..." sambit ng Uncle ko sa pangalan ko.

Nilingon ko siya na nakaupo sa tabi ko.

"What happened?" He finally asked.

Unti-unti kong kinolekta ang mga salita bago ko sinabi ang lahat. Sinabi ko lahat, pero hindi ko sinama sa kwento ko si Agui.

I wasn't crying when I was telling them what happened. Wala rin akong naramdaman. Everything just felt... gone.

Baka pagod lang ang katawan at isip ko. Pero wala na talaga akong maramdaman.

"I'm sorry, Uncle." I told him. "I'm sorry if it took me so long..."

"It's not your fault, Khale." He said.

No matter how much my father hated him, my Uncle never really made me feel like I was part of their rivalry.

"Matulog ka na." Sambit niya. Niyakap niya ako ng mahigpit. At hindi ko akalain na kakailanganin ko pala iyon para umiyak.

Natulog ako sa kwartong inihada nila para sa akin pagkatapos ng ilang minuto. I just tried to sleep everything away.

Ilang araw pa akong nanatili dito sa bahay nila. Nakiusap ako na huwag muna nilang ipaalam sa iba. I'm just taking my time. Hindi ko kasi alam kung kakayanin ko ba kapag nagkita na ulit kami ng mga magulang ko. But, I know, I need to talk to them before the last court trial of my Uncle.

"Khale," my cousin Alexa approached me.

Napalingon ako sa pintuan ng kwarto, at nakita ko siya doon.

"Your friends are here." She said. "Ilang araw ka ng nasa kwarto lang, halos hindi nagsasalita. We asked them if they can visit. Huwag kang mag-alala, pinakiusapan namin sila na huwag itong ipaalam sa iba."

Bumaba ako para makita sila.

They were crying when they met me for the first time after so many months. They were hugging me. At kita ko sa mga mata nila ang awa.

"Are you okay?" Marta asked.

Tumango ako.

Nakaupo kami ngayon sa sala, kaming apat lang. Juan, Mond and Marta. They were the ones who I was with before everything happened.

"You looked really different..." Juan said.

Napatingin ako sa kanya. Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa aming lahat pagkatapos niyang sabihin iyon.

Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko.

"Yeah..." I just said. There was nothing left to say.

"Everything's gonna be okay, Khale." Marta said.

I know, she's just trying to cheer me up.

"It will be, eventually." Sagot ko sa kanya. Just for her, them, not to feel bad.

And in the middle of everything that's happening right now, I thought of Agui.

Kumirot ang puso ko. Nawala ako kung nasaan ako ngayon, at napunta sa mga alaala namin ni Agui.

I just hope, he's okay right now.

Hindi ko na pinaabot ng isang linggo, umuwi ako sa mga magulang ko. Inalok ako ng Uncle ko na ipasama sa akin ang isang body guard niya para sa kaligtasan ko, pero tumanggi ako. No matter how evil they did to me, they're still my parents.

Then, we finally met. Both of them were shocked. Hindi makapaniwala na nandito na ako.

Umiiyak na ako, wala pa man silang sinasabi.

"We are so worried." My mom said. She is thinking that I don't know anything.

Humakbang siya papalapit sa akin pero humakbang ako papalayo sa kanya. Natigilan siya dahil doon.

How could they act like this as if nothing really happened?

"Why did you do it?" Tanong ko habang nakaharap silang dalawa.

Lalo silang natigilan. Nagkatinginan silang dalawa, bahagyang napatawa ang daddy ko.

"Khalila, what are you talking about?" He asked.

"Dad, please!" Umalingangaw ang boses ko sa loob ng bahay. I feel really frustrated right now. Bumuhos din bigla ang aking mga luha.

"Please, stop it." Umiiyak kong sambit sa kanya. "Alam ko na lahat. Lahat lahat."

Nakita ko ang pamumuo ng mga luha ng aking ina. While my dad can't even look me in the eye right now.

"I just wanna know why did you do it..." I said.

Hindi sila sumagot.

My mom's crying right now. Nilapitan niya ako at niyakap. Paulit-ulit niyang sinabi na patawarin ko sila. Paulit-ulit na hindi ko na maramdaman.

I didn't hug her back. It's just so tragic. My parents really did it. Buong buhay ko, sila lang dalawa ang inakala kong gagabay sa akin at hindi idadala sa kapahamakan. But, humans can be so cruel.

"I'm gonna go to Uncle Timotheo." Sabi ko sa kanila. "Doon muna ako titira. Hindi ko kayo kayang makita."

Umatras ako, at inalis ang pagkakayakap sa akin ng nanay ko.

"Patawarin mo 'ko." My mom said.

Umiling ako.

"Not today, Mon." I said.

Tinignan ko ang daddy ko na wala pa ri'ng sinasabi hanggang ngayon.

"Just tell them the truth, Dad." Sabi ko. Tinignan niya ako. "It's the best thing you can do for me. Baka, mapatawad ko pa kayo."

Tumira ako sa Uncle Timotheo ko. Maghapon, magdamag ay nasa kwarto lang ako. Nakahiga, at wala ng ganang mabuhay pa. I just felt emptier each day.

Napatunayan na inosente ang Uncle Timotheo ko. He also won the election. At isang araw, wala na akong nabalitaan mula sa magulang ko.

I tried to have my life back, as Agui said. Pero ang hirap ibalik ng wala na.

Mahirap. But still, I tried. Wala na rin akong ibang magagawa kundi ito na lang. Ako na lang mag-isa sa buhay ngayon. Tinanggap ko na iyon sa sarili ko.

Nag-aral ulit ako. Kumuha ako ng ibang kurso na hindi ganoon kalaki ang babayaran. Pang-guro ang kinuha ko. Hindi galing sa bulsa ng Uncle ko o kung kanino man ang gagamitin ko sa pag-aaral ko. Kumuha ako ng scholarship, at sumubok akong magpart time job sa isang grocery store bilang cashier doon.

Months had passed until it became a year.

A lot has already changed.

That NightWhere stories live. Discover now