5

2K 72 8
                                    

Madilim na at nasa gubat pa rin kami. The sound of the forest kinda creeps me out. Mga kulisap, mga ibon, mga ahas at kung ano-ano pang hindi ko mapangalanan. Bawat hakbang din namin ay gumagawa ng ingay dahil sa mga dahon na natatapakan namin.

Isang oras na rin kaming naglalakad. At sa loob ng isang oras na 'yon, ni hindi niya ako nilingon man lang para makita kung sumunod ba ako o hindi.

Napabuntong hininga na lang ako. Pagod na pagod na talaga ako. Ang mga binti ko ay hindi ko na maramdaman. Gutom na rin ako. Ang mga mata ko ay konti na lang at pipikit na.

"Malayo pa ba tayo?" I asked. That was my first time speaking since we walked.

"I don't know." He answered.

I kinda freaked out.

"You don't know? So naliligaw tayo?"

Nilingon niya ako, nagtama ang mga tingin namin.

"You tired?" He asked. "Gusto mo, buhatin kita?"

Natigilan ako.

Again, he's being kind. Again. Again. Again. He should stop doing this. I want him to be bad at me.

"No." Malamig kong sagot tyaka nag-iba ng tingin.

"Good. Because I won't do it anyway." Sagot niya, at nagsimula ulit siyang maglakad.

Halos mapairap ako sa naging sagot niya. Napahinga ako nang malalim, at sumunod na lamang ako sa paglalakad.

"Malapit na tayo. Ang layo ng narating mo, halos nasa dulo ka na ng gubat kanina." Sabi niya habang naglalakad kami.

I got curious.

"Sa dulo ng gubat, anong matatagpuan ko doon? Is it the bayan? May mga tao na ba doon?"

"May ilog sa ilalim. Kung tatalon ka mula sa dulo ng gubat, pwede ka namang makatakas." Sagot niya. "Marunong ka bang lumangoy?"

"Yes."

"It's deep. Wala pa doon ang tatalunan mong almost 20 feet." Sagot niya. Tapos ay nilingon niya ako. "If you wanna die, jump there."

Nag-iba ako ng tingin.

"I don't wanna die. Who wants to die, anyway?" Sabi ko.

"Then, you gotta stay with me." Sagot niya.

I get chills when he's saying that. It's the second time he said that.

"Why are you doing this?" I asked.

"The what?"

"This. You, hiding me in here."

"Don't ask for answers that you cannot take." Sagot niya lang.

"And why do you know me? Kanina. You called me by my name. Khalila. Why do you know me?"

"Nandito na tayo." Sagot niya lang. Naiba ang atensyon ko at napalingon ako sa harapan ng nilalakad namin. Kita na namin ang likod ng mansyon.

Binalik ko ulit ang atensyon ko sa kanya habang naglalakad kami.

"Magkakilala na ba tayo noon? May nagawa ba akong masama sa'yo?" I asked.

"Enough questions for today." He said.

Ilang minuto pang paglalakad, nakadating na rin kami sa mansyon. He turned on the lights as we got in the kitchen.

"Upo ka muna diyan." Sabi niya sa akin tyaka niya binuksan ang refrigerator na punong-puno ng pagkain at mga inumin.

Naupo naman ako. Hindi ko na talaga maramdaman ang mga binti ko. Sa sobrang pagod ko na rin, sumukob na ako sa lamesa dito. Pumikit ako, at binilang ang paghinga ko para hindi ako tuluyang makatulog.

That NightWhere stories live. Discover now