23

1.3K 77 10
                                    

Ang liwanag ng sikat ng araw. Ang init nito sa balat. Ang mga puno ay mahinahon na nagsasayawan, ang tunog ng agos ng ilog ay parang musika sa tenga.

And if you'll just look at it, you'll think that it's a good day. But it isn't for me.

Iton was just standing there. Nakatingin lang siya sa akin habang kinakalma ko ang sarili ko na huwag ng umiyak. Dahil anumang oras ay maaari kaming makita ni Agui dito.

"Khalila," he finally spoke. Lumuhod siya sa harap ko para magtama ang aming mga tingin.

"Hindi ko alam kung anong sasabihin ko," wika niya.

Umiling ako. Pinunasan kong muli ang aking mukha. Bahagya ng tumahan ang aking mga mata sa pag-iyak.

"You don't have to comfort me." Sabi ko sa kanya. "Kailangan ko lang talagang ilabas iyon."

Dahan-dahan siyang tumango. Ilang segundo kaming natahimik.

I knew, he was going to say something.

"Dating kasintahan ni Kuya Agui si Maya," sambit niya. Nakaluhod pa rin siya sa harapan ko. "Kaya din pabalik-balik dito si Kuya Agui dahil sa kanya. Halos noon, taon-taon siyang umuuwi galing Hawaii para lang makasama si Maya..."

Hindi ako nakapagsalita. I just wanted to hear what he was about to say.

Nag-iba siya ng tingin. Huminga ng malalim, bago siya tumayo at tumalikod sa akin.

"Totoo rin na muntikan na silang ikasal noon." Sabi niya habang nakaharap sa ilog. "Mahal na mahal nila ang isa't isa. Pero may nangyari na nakapagpabago ng lahat..."

Binalot kami ng katahimikan.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

Nilingon niya ako, at umiling siya.

Hindi niya sasabihin sa akin. Nakita ko sa mga mata niya.

"Siguro, kay Kuya Agui mo na lang itanong." Sagot niya sa akin. "Wala ako sa lugar para sa akin mo malaman."

Natahimik ako.

Unti-unting natuyo ang aking mga luha. Huminga ako ng malalim, at inayos ang aking sarili.

Kailangan ko ng bumalik.

Tumango ako. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko.

"Iton," tawag ko sa kanya. Nilingon niya ako, at nagtama ang aming mga tingin. "Sana walang makakaalam ng mga sinabi ko sa'yo."

Ilang segundo siyang walang kibo. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang tumango sa akin.

"I'm sorry if I needed to lie to you." Dagdag ko. "Mahabang kwento, at hindi mo na kailangan pang malaman iyon. Mas mabuti ng wala kang alam. Mas makakabuti sa'yo 'yon."

Tumango siya.

"Kahit ano." Sagot niya. "Naiintindihan ko."

"Salamat." Sagot ko.

Ngumiti siya sa akin, pero hindi iyong ngiti na masaya. Ngiti na nagsasabi sa akin na tunay niya nga akong naiintindihan. That's enough for now.

Bumalik na kaming dalawa sa bukid. Hinatid niya ako sa tapat ng bahay, at nadatnan kong naglilinis ng sasakyan si Agui.

He met my gaze. He didn't let go of my stare. I can't tell if he's mad right now. I don't know.

Binalik ko ang tingin ko kay Iton, at nakita ko rin siyang nakatingin kay Agui. Nilingon ako ni Iton nang maramdaman niyang tumingin ako sa kanya.

"Maraming salamat, Iton." Sabi ko sa kanya.

Tumango siya. He tapped the top of my head, and calmly smiled.

That NightWhere stories live. Discover now