37

1.6K 61 2
                                    

It was my day off when Marta asked me to eat with her outside. Gusto lang daw niya akong makita.

Hindi na rin kami halos nagkikita. Ang huling kita pa namin ay siguro noong nakaraang buwan pa. Hindi ko na matandaan dahil hindi na talaga kami ganoon nag-uusap. It just happened naturally. Hindi ko na rin kasi siya alam kausapin. Madalas, hindi ko na alam kausapin ang mga tao.

"Thank you, ha?" She said when I arrived. "Sinamahan mo 'ko. I just need someone to talk to right now..."

Tumango ako.

"No problem..." sagot ko naman sa kanya.

"Nai-stress na kasi ako sa thesis ko." Aniya.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nagpatuloy na lang ako sa pag-asikaso sa pagkain ko.

"Ikaw? Kamusta?" She asked after a while.

Napatigil ako. Nag-isip ako ng isasagot.

"Ayos lang..." Iyan lang din ang nasabi ko sa ilang segundong pag-iisip ko. "Ayos naman..." dagdag ko nang makita kong parang hindi siya kuntento sa sagot ko.

"You know, Mond and Juan miss you too. Dapat isasama ko sila ngayon kaso ay may kanya-kanya silang ginagawa." She said. "Maybe, we can go out sometime?"

Tumango naman ako.

"Basta may oras ako't may pera." Sagot ko naman sa kanya.

Ilang segundo siyang walang kibo, nakatingin lang sa akin.

"Oh, don't worry about the expenses." She said. "Sa amin na iyon..."

Napatango na lang ako.

Pagkatapos ay natahimik na kami. Tanging mga kubyertos na lang namin ang nagsisilbing ingay sa aming dalawa.

Hindi naman ganito dati. Hindi naman ako ganito dati.

I don't know. I just felt different around them, around everyone. I don't feel anymore.

"Nagbago ba ako, Marta?" Tanong ko sabay angat ng tingin sa kanya.

Nagkatinginan kaming dalawa. Ilang segundong katahimikan bago siya dahan-dahang napatango.

"Hmm..." she answered. "You really did change."

"Was it good?"

"I don't know." She said. "It's like...the Khalila we used to have was already gone."

Kumirot ang puso ko dahil doon.

"But we understand, Khale." Bawi niya kaagad sa sinabi niya. "We really understand where are you coming from."

Tumango ako.

"Okay ka na ba ngayon?" Tanong niya. "Okay ka lang ba?"

Tumango ako. Bigla kong naramdaman na naiiyak ako kaya ako nag-iba ng tingin.

Why am I crying? Saan ako nagluluksa?

"I'm okay." Sagot ko. Pero bigla na lang tumulo ang mga luha ko.

Ngayon lang ako umiyak ulit, at ang bigat. Mas doble ang bigat.

"It's okay..." hinawakan ni Marta ang kamay kong nakapatong sa mesa.

"It's okay, Khale." She said.

Tumango ako. Patuloy na bumuhos ang mga luha ko.

Ngayon ko lang naramdaman lahat ng pagod. Pagod sa pakikipaglaban sa buhay araw-araw. Pagod sa pagbabalik ng sarili ko sa dati.

Pagod na ako. Pagod pala ako.

Nagpatuloy sa pag-ikot ang mundo at hindi tumigil para sa akin. Nagpatuloy sa pag-agos ang ilog habang ako'y di na makalangoy.

That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon