21

1.4K 76 10
                                    

Pinagbihis niya ako dahil pupunta daw kami kina Mang Simon.

Pinilit ko ang sarili ko na huwag maapektuhan sa narinig kong pag-uusap nila kanina. Pilit kong tinatatak sa isip ko na hindi naman talaga ako asawa ni Agui, at wala akong karapatan masaktan kung sino man si Maya sa buhay niya. Hindi na dapat ako manghimasok doon dahil sino ba ako sa buhay niya?

Bawal. Bawal ko siyang mahalin. Hindi siya nagkulang sa pagpapaalala sa akin nito. Bawal ko siyang mahalin, matigas lang talaga ang ulo ko. Hindi niya kasalanan.

Kumatok si Agui sa kwarto kaya napalingon ako. Binuksan niya ang pinto, at nagkatinginan kami kaagad.

"Tara na?" Tanong niya sa akin.

Bumaba ako kasama niya.

"Nay, punta lang po kami kina Mang Simon." Paalam niya kay Nay Lareng na nasa kusina.

Hindi sumagot si Nay Lareng.

Madilim na sa labas.

Nasa likod niya ako, sumusunod lang sa kanya gaya ng nakagawian ko. Pero ngayong gabi, hinayaan niya akong makasabay siya sa paglalakad. Hindi siya nasa unahan, hindi ako nasa likuran niya.

Hindi kalayuan ang bahay ni Mang Simon dito. Malayo pa lang kami ay naririnig na namin ang kasiyahan, at nakikita na namin ang mga ilaw doon. Ganito siguro talaga kapag kilala mo ang mga tao sa lugar ninyo.

Hinawakan ni Agui ang kamay ko bago kami pumasok sa mismong bakuran nila Mang Simon. Hindi ko na tinanong kung bakit. Alam ko naman na ginawa niya lang iyon para sa mata ng mga tao.

Binati kami ng mga tao na nandito. May mga pamilyar na mukha akong nakikita. Marahil, sila ang mga nakikita ko sa dalawang beses kong pagpunta ko sa bukid para pagdala sila ng meryenda. Nandito rin si Iton, nginitian ko siya at tinanguan niya ako.

"Magandang gabi po." Bati niya sa mga sumasalubong sa kanya. Hawak niya pa rin ang kamay ko.

Ako naman ay bumabati rin sa kanila.

"Salamat at nakapunta ka, Agui." Sinalubong siya ng isang matandang lalaki. Ang kanyang buhok ay kulay puti na pero mukhang malakas pa rin ang pangangatawan.

"Walang anuman po, Mang Simon. Maligayang kaarawan po." Sagot ni Agui, ngumiti siya. It's so easy for him to give these people his smile. I wonder how close they've become over time.

"Eh, kay tagal ka din naming di nakakasama sa mga ganito." Sagot ni Mang Simon.

"Oo nga po eh." Sagot naman ni Agui.

Napatingin sa akin si Mang Simon pagkatapos.

"Ito na ba 'yung sinasabi ng mga 'to na asawa mo?" Tanong niya kay Agui.

Napatingin si Agui sa akin.

"Siya nga po." Sagot niya kay Mang Simon. Nagkatinginan kami ni Mang Simon, nginitian ko siya.

"Sa tuwing dumarating ka sa bukid ay nagkakataon na wala ako," kwento niya sa akin. Nakatingin naman ako sa kanya at nakangiti bilang senyales na nakikinig ako at natutuwa sa kwento niya. "Mabuti na lang nakilala na kita."

Nagsalo-salo kami. Halos kausap ng lahat si Agui, at sumasagot naman siya sa lahat ng tanong. Tungkol lang sa buhay niya sa Hawaii, at may mga paminsan-minsang tanong tungkol sa aming dalawa.

"Saan mo nakilala si Khale? Mabuti inuwi mo siya dito." Sabi ng isang babae na sa tingin ko ay tinawag kanina ni Agui bilang Ate Persi.

"Sa Hawaii po." Sabay naming sinagot ni Agui. Napatingin kami sa isa't isa.

"Nagbakasyon po siya doon." Siya na ang nagtuloy ng kwentong hindi ko rin alam kung saan tutungo.

Pagkatapos ng salu-salo, pumunta ang mga kalalakihan sa kubo na nandito. Mag-iinuman yata sila.

Ako naman ay naiwan dito sa bakuran kasama ang mga asawa at kaibigan ng mga mag-iinuman.

"Hindi ka pa ba buntis, anak?" Tanong ng isang matandang babae sa akin.

Natigilan ako sa balak kong pag-upo sa upuan na nandito.

"Po?" Natanong ko na lang.

"Buntis. Hindi ka pa ba nagbubuntis niyan?" Tanong niya.

"Hindi pa po." Sagot ko naman sa kanya. Naupo ako sa upuan na nandito. Bahagya akong kinakabahan sa mga tanong nila. Dahil baka may masabi ako na hindi naman dapat sabihin.

"Naku, napaka ganda siguro ng magiging anak ninyo." Sabi naman ng isang babae na siguro ay ilang taon lang ang tanda sa akin.

"Wala pa po sa plano namin." Sagot ko na lang para matigil sila sa paksang 'yon. "Nagbabakasyon lang po kami dito. Pagkatapos po ay babalik na po ng Hawaii. Magtutuon muna po siya ng atensyon sa business niya doon."

"Pero mabuti na rin 'yan," sabi ng isa pang babae. Hindi ko sila kilala sa pangalan. "Mabuti nga't nagpakasal siya. Naku, dati, akala nami'y hindi na 'yan mag-aasawa."

"Bakit naman po?" Tanong ko.

"Eh, pagkatapos pa naman ang nangyari kay Maya-" hindi natuloy ang sinasabi niya dahil pinigilan siya ng isang babae.

Nagkatinginan sila. At iniba nila ang pag-uusap.

Umasta akong parang wala lang. Pero ang totoo ay hindi na naalis sa isipan ko 'yon.

Maya. Sino si Maya?

Lumipas ang mga oras, nilapitan ako ni Agui. Amoy alak na siya, pero kita ko na alam niya pa rin ang ginagawa niya.

"Uwi na tayo." Sabi niya sa akin. "Walang kasama doon si Nay Lareng. Para makapagpahinga ka na rin."

Kita ko ang mga mata ng mga kasama ko dito na nakatingin sa amin.

Umuwi kaming dalawa.

Hindi pa siya lasing. Nakakalakad pa siya ng maayos. Nakapagbihis pa siya habang inaayos ko ang kama.

"Gusto mo bang kape?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi na. Tulog na tayo." Sabi niya. Tapos ay nahiga na siya sa kama.

Tumayo ako, at ako na ang nagpatay ng ilaw. Tapos ay nahiga ako sa kama.

Tumalikod ako sa kanya.

"Agui," lakas loob kong pagtawag sa pangalan niya. "Gising ka pa ba?"

Hindi siya sumasagot.

Huminga ako ng malalim. Nakadilat pa rin ang mga mata ko, at tanaw ko ang liwanag ng buwan na nanggagaling sa labas ng nakabukas na bintana.

"Sino si Maya?" Tanong ko.

Hindi siya sumasagot.

"Narinig ko kayong nag-uusap ni Nay Lareng kanina. Hindi ko sinasadya." Nagpapatuloy pa rin ako sa pagsasalita kahit na pakiramdam ko ay natutulog na siya. "Gusto ko lang sabihin na ayos lang kung mahal mo pa rin siya. Matatapos din 'tong pagpapanggap na 'to. Sana hindi kayo masirang dalawa ng dahil lang sa akin."

Naramdaman ko na kumukirot ang puso ko. Nasasaktan ako sa katotohanan ng mga sinasabi ko.

Binalot kami ng katahimikan. Tulog na nga yata talaga siya.

Paggising ko, nakayakap na ako sa kanya. Yakap yakap niya rin ako. Ang kanyang braso ang naging unan ko.

This is actually the first time that I woke up beside him.

Ilang segundo ko siyang tinitigan lang. At sa pagtitig ko sa kanya, naisip ko na lang bigla na sobra akong masasaktan kapag dumating ang araw na kailangan na naming maghiwalay. Sa araw na matatapos na ang lahat ng nasimulan naming dalawa.

Huminga ako ng malalim. At dahan-dahan akong kumawala sa kanya.

That NightDove le storie prendono vita. Scoprilo ora