14

1.4K 65 10
                                    

Hindi rin nagpaabot ng umaga si Liz, at napagdesisyunan niyang iwan na ako dito kay Nanay Lareng.

"Mauna na po ako," nagmano siya kay Nanay Lareng. Tapos ay nilingon niya ako. "Wait for Agui here. He's going to be here anytime soon." Habilin niya. The way she looks at me, parang sinasabi niya 'wag kong bigyan ng sakit ng ulo si Nanay Lareng o si Agui.

Tumango ako.

Lalakad na dapat siya papalayo ngunit nilapitan ko siya at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Salamat." Sambit ko sa kanya. Pumikit ako, huminga ng malalim at kumalas sa yakap.

Hinatid ako ni Nanay Lareng sa magiging kwarto ko sa susunod na mga araw o linggo o buwan. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami dito.

"Kwarto ni Agui 'to dito, lagi kong nililinis 'yan." Sabi niya nang makapasok kami sa hindi kalakihan na kwarto. May isang malaking cabinet dito, tapos ay isang kamang pangdalawahan. 'Yun lang.

"Mag-asawa na rin naman kayo, dito ka na lang din matutulog." Sabi niya.

Napatango ako. Wala akong karapatan magreklamo.

"Kung gusto mo ng mas malakas na hangin pwera sa maliit na electric fan dito, buksan mo ang mga bintana. Mahangin dito." Aniya, at binuksan ang maliliit na bintana na kahoy.

"Salamat po." Sagot ko.

Lumingon siya sa akin pagkatapos niyang buksan ang mga bintana. I feel really conscious because she's intently looking at me. Bumaba ang tingin niya sa mga kamay kong magkahawak.

"Wala kang singsing?" Tanong niya.

Napatingin ako sa kamay ko.

I'm not wearing it. Una at huli ko iyong sinuot ay noong pumunta kami ni Agui sa bayan. Tapos ay tinabi ko sa mga damit ko na naiwan sa mansyon.

"H-hindi ko po nasuot." Sagot ko.

"Ang mga damit mo?" Tanong niya. "Wala kang dalang damit?"

Paano ko ba ito ipapalawanag sa kanya? Na hinahabol kami ng mga armadong kalalakihan kaya ganito?

"Dala po ni Agui." Pagsisinungaling ko sa kanya, nag-iba ako ng tingin.

"Iiwan na kita. Matulog ka na. Nasa labas lang ako kung may kailangan ka." Sagot niya.

Hindi na ako nakapagpasalamat muli dahil kaagad siyang lumabas ng kwarto. Sinarado niya ang pinto.

Napabuntong hininga na lamang ako paglabas niya. Parang ngayon lang ulit ako nakahinga ng maayos.

Pumunta ako sa kama, at nahiga doon.

Pumikit ako. Iniisip ko ang mga nangyari sa nakalipas na mga oras. The guns, the bad guys. I feel like anytime soon, mahahanap nila kami.

Bigla na lang akong may narinig na isang malakas na putok ng baril. Kumalabog ang dibdib ko.

Lumingon ako sa kinalalagyan ko, at wala akong nakikita dahil sobrang dilim. Dinig na dinig ko ang kaguluhan sa labas.

"Khalila!" Pagtawag sa akin. I know that voice. It's Agui's.

Lumingon ako pero wala akong makita. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang pagtawag niya sa akin.

"Khale! I'm here! Come on! Let's go! We're gonna die! Come on!" Sigaw niya.

Hindi ko siya makita. I feel like I'm caged inside a dark dark room.

May mga ingay akong narinig sa labas. Busina ng isang kotse. Hanggang sa bigla bigla na lang tumahimik.

Isang malawakang katahimikan. Hanggang sa isang malakas na putok ng baril ang muling pinakawalan.

That NightWhere stories live. Discover now