34

1.2K 64 8
                                    

I don't understand. Hindi nagpo-proseso sa isipan ko ang mga sinabi niya.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makakibo. Wala akong lubos na maintindihan ngayon.

"Anong pinagsasabi mo?" Tanong ko sa kanya. "Stop telling me lies just for you to make me leave."

Hindi siya kumibo. Napailing na lang siya.

Wala akong maramdaman ngayon.

"Hindi mo 'ko kailangang saktang ganito para lang mapaalis mo 'ko sa buhay mo." Sambit ko sa kanya. "You think this is better? This is bullshit. Hindi ka nakakatuwa."

"Nagsasabi ako ng totoo, Khale." Diin niya sa akin.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko na alam.

Naiinis ako. Sa sobrang inis ko ay bumuhos na lamang muli ang aking mga luha.

"I fucking hate you to death." I cursed.

Humagulgol ako sa sobrang inis, pagod at sakit. Hindi pa man siya nagpapaliwanag ay ramdam ko na ang sakit at bigat na dala ng mga salita niya.

This is killing me inside. I feel so betrayed. I feel so weak.

"Tumatakbo bilang gobernador ang Papa ko. And his great opponent is your Uncle Timotheo." He said.

I can't believe I am hearing this now.

"My father asked me to come back here in the Philippines to support him. For people to see it, to see me. We were not in good terms ever since my mom died. I kinda blamed him for the death of my mom. Kung mas pinagtuunan lang niya kami ng oras noon, baka mas gumaling si Mommy-"

"Please, stop. This is too much-"

"You need to fucking hear this." Malulutong niyang sambit sa akin. "You deserve the truth."

"If you think doing this will make me leave, this is working. You are such a liar-"

"Khale, nagsasabi ako ng totoo. Hindi ko 'to sinasabi dahil lang gusto kitang umalis."

Sobrang bilis ng pagpapalitan ng mga salita namin, at nagsisigawan na kami sa loob ng kotse.

Nakakabingi. Sobrang bigat. At hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.

"Tingin mo ba ayos lang sa akin na umalis ka?" He asked. His voice is shaking. "Tingin mo ba hindi ako nasasaktan?"

Humahagulgol pa rin ako. Nag-iba ako ng tingin. Hindi ko kayang makita ang mga mata niya ngayon.

"Sinubukan ko naman, Khale." Sabi niya. "Sinubukan ko. Araw-araw, sinusubukan kong sabihin sa'yo ang lahat. Itama ang lahat. But as the days pass, pahirap ng pahirap. Ang hirap itama ng isang bagay na mali. Ang hirap magsabi ng totoo sa'yo. Because, I know, when that day comes, you're going to leave me."

"You're a piece of shit." Pagmumura ko sa kanya. Sobrang iyak ko na hindi ko na makilala ang sarili kong boses.

"Nagdalawang-isip akong umuwi dito. Pagkatapos mamatay ni Maya, hindi na ako kailanman umuwi ng Pilipinas. Pero tatay ko pa rin 'yon. No matter how much I've hated him through these years, I am still his son." Pagkukwento niya sa akin.

Humahagulgol lang ako't hinayaan ko na siyang magsalita. I feel so helpless.

"I grew up in Hawaii. After my mom died, kinuha na ako ng Tita ko at siya na ang nag-alaga sa akin. Siya na ang naging nanay ko. It was also my decision. Sa ilang taon, halos buong buhay ko, hindi ko nakasama ang tatay ko. Whenever I go back here in the Philippines, kina Nay Lareng lang din ang diretso ko. Paminsan-minsan lang kung bumisita sa bahay ng tatay ko. Kaya hindi ko na siya ganoon kakilala sa paglipas ng panahon."

That NightWhere stories live. Discover now