27

1.3K 78 31
                                    

Binalot kami ng katahimikan. Hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko.

Nag-iba ako ng tingin, at ganoon rin ang kanyang ginawa.

"I'm...I'm sorry to hear that..." nasabi ko na lang. Dahil pakiramdam ko ay ang sensitive sa kanya ng kwentong 'to.

That's why. That's why everyone doesn't want to talk about it. Especially him.

"It's okay." Sagot niya sa akin.

Tumingin ulit ako sa kanya, at nandoon pa rin siya sa pwesto niya. Medyo malayo kami sa isa't isa, siguro at sampung hakbang pa bago ako makalapit sa kanya.

Tinignan ko siya sa mata. Sobrang lungkot.

Kaya siguro hindi niya mapalitan si Maya, dahil mahirap palitan ang wala na.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Huminga siya ng malalim at nag-iba ulit ng tingin. He walked towards the portrait, at kinuha niya ito.

Binabalot ito ng alikabok kaya pinunasan niya gamit ang kanyang kamay.

"I've loved her since I was just 16 years old." He said. Hindi ako nagsalita. Pinakinggan ko lang siya. Sobrang ibang Agui ang aking nakikita ngayon.

Sobrang lungkot. Sobrang mahina.

"Siya ang rason kung bakit pabalik-balik ako sa Pilipinas." Pagpapatuloy niya sa kwento niya. "Siya ang unang babaeng minahal ko. Three years ago, inaya ko siya magpakasal. Binili ko ang bahay na 'to para dito sana kami tumira."

Kumirot ang puso ko.

He was capable of loving like that. And I don't know why it hurts right now. It hurts to imagine him loving someone else that much, and it's not me. Na kaya pala niya na ganoon, na ganoon pala siya magmahal.

Patuloy niyang tinitignan ang painting na hawak niya, pagkatapos ay nilingon niya ako.

"Everyone knew about it." He said.

"I know."

"Everyone was rooting for the both of us."

Tumango ulit ako dahil alam ko naman na oo. Alam ko. Ramdam ko sa mga tao sa palayan hanggang sa kabilang bayan.

"Paano siyang namatay?" Tanong ko.

Nakita ko sa mga mata niya ang sakit at lungkot. Nag-iba siya ng tingin, binalik niya ang painting sa lugar nito kanina.

"You....you don't have to answer it if you don't want to." Sambit ko.

"She drowned." He said, then he looked at me.

Sobrang walang pag-aalinlangan siyang sumagot ngayon sa akin. Walang pagtatago. Hindi ko alam kung anong mayroon sa araw na 'to pero ramdam ko siya.

This is him. This is the real Agui. Ito 'yung tinatago niya sa akin, ito yung pilit niyang hindi pinapakita.

And now, he's brave enough for him to tell me something that he has always been scared of.

"Tumaob ang bangka na sinasakyan naming dalawa." Bitaw niyang mga salita.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko makapa ang mga salita.

Sobrang lungkot. Sobra akong nadadala sa mga mata niya, sa boses niya. I feel like I was part of their story, that I was there watching her drown and watching him saving her lifeless body.

"Sinasabi ng lahat na aksidente lang ang lahat, na walang may gusto ng nangyari. But I couldn't help but to put the blame on me. If I didn't ask her to come with me that day, it wouldn't happen at all. And if I were just fast enough to swim under, and get her to the shore...." he paused.

That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon