30

1.6K 91 18
                                    

Kauwi namin, kumain kami kaagad kasama si Nay Lareng. Pagkatapos ay nagpaalam na si Nay Lareng na matutulog na dahil pagod daw siya.

Ako naman ay naghugas pa ng mga plato, habang si Agui ay naligo na. Pagkatapos niyang naligo ay ako naman ang pumasok sa banyo.

Having this set up of us just makes me feel that we're actually married. Nagtutulungan at natututo ng magkasama. Ang dami kong natutunan sa pagsasama naming dalawa. Noon, wala naman akong alam na gawin sa buhay kundi ang mag-aral lang at atupagin ang mga kaibigan ko. But now that I am with him, I've learned how to give myself the responsibilities I should be having. Natuto din akong makisama sa mga tao, natuto akong mas umintindi.

That night wasn't that bad at all. Because it gave me Agui. It gave me this.

Pumasok ako sa kwarto namin habang pinupunasan ng twalya ang basa kong twalya.

Nadatnan kong nakasindi pa rin ang ilaw, at nakahiga na siya. Nakatingin siya sa kisame. Tahimik na pinagmamasdan 'to.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.

"Oo..." mahinahon niyang sagot sa akin, nakatingin pa rin sa kisame.

Napatingin tuloy ako sa kisame ng kwarto, baka sakaling makita ko kung anong mayroon doon at ang tahimik niyang pinagmamasdan ito.

His one hand is on his tummy, while the other one is at the back of his head.

I turned off the lights. Tapos ay tinabi ko ang twalya na hawak ko. Then, I sat on the other side of the bed.

Tumingin ulit ako kay Agui.

"Okay ka lang talaga?" Tanong ko. "You're being weird right now. Bakit hindi ka pa tulog?"

Hindi niya pa rin ako nililingon.

"Anong kinakatakutan mo, Khale?" He suddenly asked.

Natigilan ako.

Ang weird.

He never makes a conversation like that.

"Hmm..." nag-isip pa rin ako ng isasagot ko. Maybe, he's just curious. Sumandal ako sa head board ng kama, nakaupo pa rin dahil medyo basa pa ang aking buhok.

"I'm afraid of heights..." sabi ko. I think, nasabi ko na iyon sa kanya noong pumunta kami sa dulo ng bundok kung nasaan ang mansyon.

"Ano pa..." Sabi niya. "Tell me something that makes you scared other than heights."

Nag-isip ako.

Binalot kami ng katahimikan.

"Natatakot ako na malaman na hindi pala totoo ang isang bagay na pinaniniwalaan ko..." sagot ko sa kanya.

I suddenly thought of my parents. Of the possible betrayal they did to me. Naisip ko na lang bigla na ang pinaniniwalaan kong hindi ako ipapahamak ng mga magulang ko ay hindi pala totoo. Natatakot ako na malaman ang lahat.

Binalot kami ng katahimikan. Hindi na siya nagsalita pagkatapos kong sumagot. 

Napalingon ako sa kanya. Kahit madilim ay kita ko pa rin na nakatingin pa rin siya sa kisame, ganoon pa rin.

"Ikaw? What makes you scared?" I asked him back.

"You." Mabilis niyang sagot.

Hindi ako nakakibo. Nakatingin pa rin ako sa kanya, habang siya ay nanatili sa kanyang pwesto.

"You became one of my fears." He said. I don't know what to feel. Hindi ko siya maintindihan pa. "Every day, Khalila. You're making it hard for me. Araw-araw, mas natatakot ako na masaktan ka. You make me feel so scared to touch you, to lose you, to love you. Natatakot ako."

Hindi ako makahinga.

"Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko..." sabi ko na lang.

Ilang sandali pa, huminga siya ng malalim.

"Ako din." He said.

Tapos ay binalot kami ng katahimikan.

Tuluyan na akong nahiga sa kama, at ginawa na lang ang kanyang ginagawa. Tumingin na lang din ako sa kisame.

Binabalot kami ng katahimikan at kadiliman ngayon. Tanging mga puso lang namin ang nararamdaman naming bumubuhay sa amin.

"Natatakot din ako, Agui." Sambit ko. Huminga ako ng malalim.

"What made you fall inlove with her, Agui?" I asked. I needed to ask that. I just felt like it was the right question to ask at this kind of time.

Silence.

"Her smile." Aniya.

"Were you scared?"

Binalot muli kami ng katahimikan.

"Not at all..." Sagot niya. "Dahil alam ko noon, hindi naman siya mawawala sa akin."

Hindi rin naman ako mawawala, Agui.

"Mahal mo pa ba siya?" Tanong ko.

Gusto at ayaw kong marinig ang sagot niya. Natatakot ako na baka hindi ko magustuhan ang sagot niya.

"Hind na gaya ng dati." Sagot niya sa akin.

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang aking tiyan at kung may anong naglaro sa loob nito.

Napatingin ako sa kanya, at dahan-dahan din siyang napatingin sa akin.

Kitang kita ko ang kulay ng kanyang mga mata na tinatamaan ng kakaunting ilaw na nanggagaling sa labas.

Binalot kami ng katahimikan. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Are you scared?" He asked.

"I'm scared." Sagot ko.

"Why?"

"Natatakot ako na baka mahal mo siya. At baka, hindi ko siya mapantayan." Pagtatapat ko sa kanya.

Nag-iba ako ng tingin.

"Matulog na tayo." Pagtatapos ko sa pag-uusap namin. Baka masaktan lang ako sa mga susunod pang maririnig ko.

Tumalikod ako sa kanya. Pinikit ko ang aking mga mata, pero kalaunan ay dinilat ko rin ang mga ito dahil hindi rin ako makatulog.

Iniisip ko pa rin ang mga napag-usapan naming dalawa.

Humarap ako sa kanya para makita siya. Ang akala ko ay natutulog na siya. Ngunit pagharap ko sa kanya ay nakaharap din siya sa akin.

Kumalabog ang dibdib ko nang magtama ang mga tingin namin.

"Punta tayo sa mansyon bukas..." sabi niya sa akin.

"Sa dating mansyon na tinirhan natin?"

Umiling siya.

"Ang mansyon na pinuntahan natin noong isang araw..."

'Yung binili niya kasama si Maya.

"Bakit?" I asked.

"Mag-ayos tayo ng gamit."

Hindi ako nakasagot kaagad.

"Ikaw bahala." Sagot ko naman sa kanya.

Nanatili kaming nakaharap sa isa't isa. Walang sinasabi ng kahit na ano. Nanatili ang mga tingin namin sa bawat isa.

Napahinga ako ng malalim.

Looking at him right now, he looks so calm and beautiful.

Dahan-dahan kong hinawakan ang kanyang mukha. Pinatong ko ang aking palad sa kanyang pisngi. At hinawakan ang niya ang aking kamay na nakadikit doon.

Walang mga salita.

And then, he planted a soft kiss on my lips.

Napapikit ako.

It was calm. It was...everything.

Dumilat ako at ang kanyang mga mata ang una kong nakita.

"Huwag na nating pigilan." Bitaw niyang mga salita.

Ngumiti ako.

Mas lumapit ako sa kanya, at niyakap niya ako.

Nakatulog ako nang hindi ko namamalayan.

That NightKde žijí příběhy. Začni objevovat