32

1.7K 70 10
                                    

Gabi na pero nasa kalsada pa rin kaming dalawa. Nang lumiko kami sa kanto na hudyat na medyo malapit na kami sa bahay, bigla kong nakita si Iton na naglalakad. He's with a young woman. Siguro ay kasing-edad namin o mas matanda ng kakaunti.

Pinagmasdan ko pa ng mabuti, papalapit na nang palapit ang sasakyan namin at mas nakikilala ko siya. He, then, looked back at the car.

"That's Iton." I confirmed.

Napatingin din si Agui doon.

"Sino 'yung kasama niya?" Tanong ko.

May dala silang mga gamit, mga bag.

Binagalan ni Agui ang pagpapatakbo sa sasakyan niya, at binaba ang kotse nang tumapat ito kay Iton na ngayon ay nakatigil na sa paglalakad.

Nagtama kaagad ang tingin naming dalawa.

"Iton..." tawag ko sa kanya. Napatingin ako sa babaeng kasama niya. At nagtama ang mga tingin namin.

Looking at her with a nearer distance, she looks like...Iton.

"Sabay na kayo sa amin." Sambit ni Agui.

Napatingin si Iton sa kanya.

"Pauwi na rin kami." Alok muli ni Agui.

"Salamat, Kuya." Sagot naman niya.

Pumanhik sila sa kotse, at sumakay sa backseat.

"Ikaw na ba 'yan, Ican?" Tanong ni Agui habang nakatingin sa rearview mirror.

Doon, nakita kong muli ang mga mata ng babae.

"Opo, Kuya..." nahihiya niyang sagot kay Agui.

Everyone calls him Kuya. Everyone respects him here...

"Galing pa siyang Maynila. Sinundo ko lang siya sa daungan." Sagot naman ni Iton.

So, she's the younger sister of Iton na nag-aaral sa Maynila. Nabanggit na siya sa akin ni Iton noon.

Lumingon ako sa kanila, at ang unang nakita ko ay ang mga mata ni Ican. She looks at me as if she's memorising my face. I smiled to lessen the awkwardness I've felt. Nag-iba kaagad ako ng tingin.

"Kayo? Saan kayo galing niyan?" Tanong ni Iton sa amin.

"Namasyal lang..." sagot naman ni Agui bago pa ako makapagsalita.

"Girlfriend niyo, Kuya Agui?" Ican asked.

"Asawa." Sabay na sagot ni Agui at Iton.

I jusr realised, Iton is really trustworthy.

"Pamilyar po ang mukha..." sagot naman niya.

Nagkatinginan kami bigla ni Agui.

"Nagkita na kayo dati?" Iton asked his sibling.

Napailing ako kahit hindi ako ang tinatanong niya.

"I never met her before..." sagot ko.

Napalingon ako kay Ican, at nagtama muli ang aming mga mata.

"Did we?" I asked.

Napailing siya.

"Pero, parang nakita na po kita..." sabi niya. "Hindi ko lang alam kung saan."

We dropped them in front of their house. Nagpasalamat ang dalawa, at pumasok na sa kanilang bakuran.

Then, Agui and I were left inside the car. Nagmaneho siyang muli. Tahimik kami at tila parehong napaisip sa narinig namin.

That NightWhere stories live. Discover now