20

1.3K 70 9
                                    

Nakatulog ako habang yakap niya ako. Pero nagising ako na wala na siya sa tabi ko.

Siya pa rin talaga ang hahanap-hanapin ko pagmulat ng mga mata ko sa umaga.

Huminga ako ng malalim, naupo sa kama. Habang nakaupo ay itinali ko ang aking buhok.

Ilang sandali ang nakalipas, bumukas ang pinto ng kwarto.

Napatingin ako kaagad. Si Agui ang bumungad.

Nagkatinginan kami. Mata sa mata, ilang segundong walang kibo.

"Good morning," he said.

Natigilan ako.

He never says good morning to me.

Dahan-dahan akong napatango. Hindi ko alam kung papaano ako sasagot.

"Pinagluto kita, bumaba ka na." Sabi niya sa akin.

It's been a long time since he cooked for me. And I kinda miss it.

"Pupunta na ako. Maghihilamos lang." Sagot ko sa kanya.

Hindi pa siya umalis. Tinitigan niya pa ako ng ilang segundo bago niya napagdesisyunan na hintayin na lang niya ako sa baba.

Lumabas ako ng kwarto, at dumiretso ng banyo na kung saan madadaanan mo ang kusina. Nandoon siya. Sinundan niya ako ng tingin hanggang sa makapasok ako sa banyo.

Pagkatapos kong maghilamos, lumabas na ako at pumunta sa kusina.

The food is ready. Maiinit-init pang tignan. He prepared all of this.

He pulled a chair for me.

Muli akong natigilan dahil sa ginawa niya. Nakatingin ako sa kanya ng ilang segundo, hindi ko maintindihan kung bakit siya nagkakaganito ngayon.

"Upo ka na." Mahinahon niyang pag-uutos sa akin, hawak niya pa rin ang upuan na hinila niya para sa akin.

Naupo naman ako.

"Salamat." Sagot ko sa kanya.

"Pumunta ng bayan si Nay Lareng para mamalengke." Aniya at pinatong niya ang isang plato sa tapat ko.

He started to put food on it.

"Ako na, kaya ko-" kukunin ko sana sa kanya ang kutsara pero hindi niya ako hinayaan.

Nagkatinginan kami.

"Ako na." Sabi niya lang.

Hinayaan ko siya.

Pagkatapos niya akong pagsilbihan, binigay na niya sa ang mga kubyertos.

Hindi ako kaagad kumibo. Tinignan ko pa siya ng ilang segundo.

"Ikaw? Hindi ka kakain?" Tanong ko.

Ilang segundo siyang natahimik na tila ba nag-isip siya kung dapat ba siyang sumabay sa akin o hindi.

"Kakakain na." Sabi niya, at mabilis na kumuha ng plato.

Naupo siya sa tabi ko. Gaya ng pwesto namin noon sa mansyon kapag kumakain kaming dalawa.

Nagsimula kaming kumaing dalawa.

He's being weird. Nilalagyan niya ng pagkain ang plato ko, pinaghihiwa niya ako ng karne sa mismong plato ko.

"It's okay, Agui." Sabi ko sa kanya habang pinapanood ko siyang paghiwa ako ng karne sa plato ko. Napatigil siya, napatingin sa akin. "Bati na tayo. Okay na."

Huminga siya ng malalim, tyaka niya nilayo ang mga kamay niya sa plato ko.

Tinignan niya ang plato niya, ilang segundo siyang nakatitig lang doon.

That NightWhere stories live. Discover now