9

1.5K 70 16
                                    

The sun was so bright the next day.

Tumayo ako sa tapat ng malaking bintana sa kwarto ko. Nag-unat ng buto, at ngumiti habang nakapikit. Ang sinag ng haring araw ay tumatama sa aking mukha, ang mga huni ng ibon at paspas ng mga dahon ng puno ang nagsisilbing musika sa aking tenga ngayong umaga.

This is gonna be a good day.

Pagdilat ng mga mata ko, nakangiti pa rin ako. Naramdaman kong tila may nakatingin sa akin sa ibaba kaya tumingin ako doon. There, I saw Agui wearing his usual white shirt. Pawis na pawis siya. Tila kanina pa siya nagta-trabaho.

"Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko sa kanya.

"Naglilinis." Sabi niya.

Tinignan ko ang nakapaligid sa kanya.

May malaking bakanteng lupa doon kung aalisin lang ang mga nagtataasang mga ligaw na damo. Pinalilibutan ito ng mga puno at ang mga lilim nila ay tinatakpan mula sa sinag ng araw ang parteng kinakatayuan niya.

Ngayon, nakakalahati na niya ang pagtatanggal ng mga damo. Ang mga natanggal niya ay nakatambak sa isang banda.

"For what?" I asked.

"For your a garden." Sagot niya.

"My garden?" Pagtataka ko.

"You said you don't have your thing. I'm making you your thing." Sagot niya lang sa akin.

"Wait. Usap tayo diyan. Bababa ako. Maghihilamos lang ako." Sabi ko sa kanya.

Naghilamos ako. Tinignan ko ang painting na nakasabit sa pader habang pinupunasan ang mukha ko na basa mula sa tubig. It's still beautiful. It's becoming better and better every day.

Bumaba na ako at dumiretso kung nasaan siya. Nilingon niya ako nang mapansin niya ang pagdating ko, pero hindi siya tumigil sa paglilinis niya.

"So, you're making a new garden for me." Sabi ko, panlilinaw sa pagkakaintindi ko sa sinabi niya kanina.

"Yes." He just said. "Para may pagkaabalahan ka."

"Right." Sagot ko naman.

"Magtatayo ako ng bakod dito, para kahit papaano magandang tignan. And so that your plants are secured. After I make the garden plots, you can start planting. What plants do you want? I can buy seeds in the market." Aniya habang winawalis ang mga nabunot niyang mga damo.

"Ano bang binhi ang mabilis tumubo?" Tanong ko.

"Mabilis naman lahat tumubo basta di mainit kamay mo." Sabi niya naman.

Nagsimula akong tumulong sa paglilinis sa kanya. And he didn't mind.

"Mainit ang kamay? You mean, parang hindi tutubo yung mga tinatanim ko. Ganun 'yung ibig sabihin, 'di ba?" I asked.

"Yeah." Sagot niya.

"So what if mainit ang kamay ko? Wala rin kwenta 'tong gagawin mo?"

Tinignan niya ako.

"At least, you know that gardening isn't your thing. In that, you can find another thing. Your thing." Sagot niya tapos ay binalik niya ang atensyon niya sa ginagawa niya. "Pumasok ka na doon. Kumain ka na. Ako na lang dito."

"Tulungan na kita." Sagot ko lang sa kanya at hindi siya sinunod.

Ang puti kong bestida ay nagkaroon ng mga dumi sa paglipas ng mga minutong pagtulong ko sa kanya. Punas dito, punas doon. Pinapawisan na rin ako.

Nagpaalam akong papasok muna sa bahay dahil naramdaman ko ang uhaw. Uminom ako ng tubig, tapos ay umakyat muna sa aking kwarto para kumuha ng twalyang pamunas. Bababa na ulit sana ako nang maalala kong pawis na pawis rin si Agui. I caught myself walking back inside my room and I got him a towel as well. Pumunta rin akong kusina para panguha siya ng tubig.

That NightWhere stories live. Discover now