10

1.5K 73 7
                                    

The next day, it was during the sunset when we finsihed doing my garden. Yes, MY garden. For the first time since I've been here, this was the first time I felt so excited about something. I couldn't wait to plant a lot of flowers, and actually witness them grow.

And because we both got busy on finishing the garden earlier, he wasn't able to cook for dinner tonight.

"Ako na lang magluluto." Pagkukusa ko nang sabihin niya na magluluto pa lang siya sa kusina.

Nilingon niya ako habang naglalakad kami papasok ng bahay.

"You'll burn the goddamn house." Sagot niya sa akin.

Napanganga ako, at halos mapairap sa sinabi niya.

"You think, I'm that stupid?" Tanong ko sa kanya. Bahagya akong napatawa dahil sa kahibangan niya.

"I think so." Sagot niya. Napaiba siya ng tingin at nakita ko ang ngiti na gumuhit sa kanyang mga labi.

In the end, siya pa rin ang nagluto. I took a bath while he was at the kitchen. Bumaba din ako kaagad katapos ko, at nadatnan ko siyang naghahanda pa rin ng pag kain.

I sat on the chair near to where he is standing. Pinanood ko siya sa ginagawa niya. Ilang beses siyang patingin-tingin sa direksyon ko, tinitignan siguro kung bakit ako nakatingin lang sa ginagawa niya.

He's so good at cooking. I wonder what age he learned it.

"When did you start cooking?" I asked.

Kumuha siya ng plato, sinundan ko siya ng tingin.

"Since I was a child." He answered. He didn't bother to look at me. Nilagay niya ang niluluto niya sa isang malaking plato. And as my job, I just watched him.

"Bakit hindi ka nagculinary? Bakit nagbusiness ka?" Pagtatanong ko ulit.

"Bakit ka nagfashion design? Bakit hindi ka nagmass communications?" Pagbabalik niya ng tanong sabay lingon sa akin.

Halos mapairap ako. Pilosopo.

Nilapag niya ang dalawang plato sa mesa. He placed my plate next to his. I would be sitting on the first chair on the right side of the table, tonight. This is such an improvement. Hindi na kami sa magkabilang dulo kakain.

"Magkatabi tayong kakain." Nasabi ko na lang.

Tinigil niya ang ginagawa niya, at nilingon ako.

"Ayaw mo?" He asked.

Umiling ako.

"Gu-gusto." Nauutal ko pang nasagot.

"Paano? Gu-gusto?" Panggagaya niya sa akin.

Napatawa ako sa ginawa niya. At ganoon rin ang ginawa niya. His little laugh is such a good sound to hear tonight.

"Kain na tayo." Sabi niya, at naupo na siya sa kanyang pwesto dito.

I put rice on his plate. Habang siya ay binigyan ng tubig ang mga baso namin.

Then, we eat.

"Bukas, pupunta akong bayan para bumili ng matatanim mo." Aniya nang nasa kalagitnaan kami ng pag kain.

Napaangat ang tingin ko sa kanya.

"Gusto mong sumama?" He asked right away.

Umiling ako.

"Dito na muna ako..." Sagot ko sa kanya.

"You can come with me if you want."

"Hintayin na lang kita dito. Saglit ka lang naman, 'di ba?"

That NightWhere stories live. Discover now