*Dugdug.Dugdug*

Shems! Yung puso ko.


Nang makarating na kami ni Ethan sa Room ko, nagsalita siya.

"Antayin mo ako dito okay? Para walang mangyaring masama sayo." sabi niya sabay ngiti, minura naman ako nang dimples niya. Shet lang!

"Oo Ethan." sagot ko sabay ngiti. Nagulat ako nang hilahin niya ang kamay ko at bigla akong niyakap nang mahigpit. Hindi ko alam kung anong dahilan niya, pero kung ano man ang dahilan niya wala akong pakielam basta... Kinikilig ako.

"Makinig ka sakin okay? Ayoko nang maulit yung ginawa sayo nila Venus Last Time." bulong niya sa tenga ko. Tumingin ako sa paligid at bakas sa mukha nila ang Gulat at ang sama nanaman nang tingin nang iba sakin.

Bumitaw siya sa yakap, at umalis na.

"Grabe Best ha? Yang' Ethan na yan, may pahug-hug pang nalalaman." may kalakasang sabi ni Melissa. "Pero infernes, nakakakilig yun." dagdag pa niya. Nahampas ko siya sa braso.

"Tumigil ka nga diyan!" saway ko sa kanya. Buti na lang wala yung Prof namin ngayon, bigla kasing tinawag ng Principal. "Sus! Kinilig ka naman?" nakangising sabi niya. Hahampasin ko sana siya pero nakaiwas siya. Bakit biglang naging ganito si Best? Samantalang ayaw nga niya kay Ethan e.

"Diba't ayaw mo kay Ethan? Bakit parang kinikilig ka sa ginawa niyang pagyakap sakin kanina?" nakita ko ang gulat sa mukha ni Melissa.

"Ahh. Kasi, nung matagal kang absent, sumasama samin si Ethan, kaya yun' naging close kami. Hehehe."

"Good. Nice to hear." saad ko.

"Masaya kana niyan huh?"

"Siyempre. Para wala nang tensyon at selos na nagaganap sa inyong kaibigan ko at kay Ethan." nakangiting sabi ko. Totoo naman e' mas magandang close na sila para diba? Hindi nako mag-aalala kung galit ba sila sakin kasi di nako nakakasama sa kanila dahil nga kay Ethan. He wants me to his side, all day long. Yeah. Ganun na siya ka-protected sakin. Ayaw niya kasing masaktan ako nang dahil lang sa kanya.

"Nangingiti ka diyan?"

"H-huh? Baliw!" shems yan! ngumiti na pala ako sa naiisip ko.


"CLASS LISTEN!" pagkapasok ni Prof.Psycho yan agad ang bungad niya. Psh -___-

"Wala tayong Class today! May Urgent Meeting kaming mga Professors with Mr.Jimenez. Ayon sa mga teacher, about daw yun sa acquiantance party nang school." pagkasabi nun ni Prof. naghumayaw naman ang hiyawan sa room. Ghaaad! Para namang elementary mga to!

"QUIET!!!!" napatakip ako nang tenga sa pagsigaw ni Prof. Tumahimik naman ang lahat.

"Okay, i gotta' go. You may leave now. See you on wednesday." paalam ni Prof at lumabas na.

"Omiiigaaaad! Acquiantance na? Shems! Im so Exoiteeeeed!" tili ni melissa. Okay. siya na excited.

"Anobayan! Ingay mo!" reklamo ko.

"K.J ah? Hmp!" ismid niya.

"Hoy Mondejar! Tawag ka ni Prince Ethan!" sigaw nang Classmate kong Tomboy.

Nagulat naman ako. Seriously anjan agad siya? May klase pa siya alam ko!

"Ohhhhh. I smell something lovey here." pang-aasar ni Melissa sakin na animo'y inaamoy-amoy ako.

"Tse. Lovey ka dyan!" sabi ko sabay walk out at punta sa labas.


"Tara na." sabi niya.

"Teka may klase ka diba? Mamaya pa vacant kong 2hours. Di lang tuloy klase namin sa Psycho."

"I know. Kaya nga ko nandito para sunduin ka. Sumama ka sakin at maki-sit in ka sa klase namin." ma-otoridad na sabi niya.

"P-pero..."

"No buts. Just get your Bag and come with me." para akong aso na sumunod sa sinabi niya. Okay. Para sa kaligtasan ko naman ito mula kayna Venus.

"Bes. Makiki-sit in daw muna ako sakanila." sabi ko kay Melissa.

"Ohh. Okay lang." sagot niya. Nginitian ko siya at tumalikod na.

Nang makalapit nako kay Ethan bigla niya kong hinawakan sa kamay.

Napatingin lang ako sa kanya, ngumiti na naman siya at lumabas ang dimples niyang nagmumura.


Holding each other's hands,

Makes me felt thousand shiver down to my spine.

Started with a Fake Relationship (COMPLETED)Where stories live. Discover now