KABANATA LXV

23.7K 433 62
                                    

KABANATA LXV: White Flag

MANDY

I always believed that the things you don't know won't harm you.

Paano ka nga naman masasaktan nang isang bagay na hindi mo naman alam? At Kagagahan siguro yung sabihing nasasaktan ako kasi hindi ko alam. Pero sa totoo lang, ang pagiging clueless ko sa iniisip niya ang talagang nakakasakit sa damdamin ko.

Noong una'y yun ang pumipigil sakin para alamin ang mga bagay na dapat noon pa man ay tinuklas ko na. I was too afraid to have a confrontation with Ken about everything. I'm too afraid to open the pandora's box. Dahil alam kong sa oras na mabuksan ito, wala nang makapipigil pa sa paglabas ng lahat. 

But I guess, two years is enough to finally end this chapter of our life. To finally say, I've done enough and it's time to move on.

This would be the turning point. Sigurado na ko na kung anuman ang maging resulta nang pag-uusap na ito, magiging malaking parte ng magiging pagsasama naming dalawa. He could give me the answers I dread to hear or give me the shocking revelation of our lives—bad enough it's the latter.

He sat up as he gently held my hand. I could feel every beat of his pulse. His hand is trembling under the thin sheets of linen that covers our naked body. I looked up and saw how worried his eyes are. Everything about it shouts confusion and uneasiness. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sakin. Kung paano niya sasagutin ang mga katanungan kong higit 2 taon ko nang kinikimkim. Gusto ko once and for all, matapos na ang lahat ng ito.

But he remained silent amidst everything. Sobrang sakit ang gumuhit sa dibdib ko. Ang hirap palang mamalimos nang paliwanag mula sa taong inaakala mong magpapaliwanag sayo ng lahat.  I couldn't decipher his thoughts. He's like a crossword that puzzles me every fucking time. He's too hard to understand. He's a very confused man that sends a thousand confusing signals.

Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Tanging ugong ng aircon ang naririnig ko at ang malamyos niyang paghinga na sumasamyo sa aking tenga. Mabigat at mainit.

I surrendered with a sigh. Wala na yatang pag-asa pang ipagkatiwala niya sakin ang dahilan ng lahat ng ito. Napapagod na kong magpaulit-ulit na lang sa pakikipag-usap sa kanya lalo pa't nauuwi lang naman ang lahat sa wala. 

I gathered myself and released from his hug. Naramdaman ko ang pagkabigla niya sa ginawa ko, but I continued anyway. Tumayo ako at hubad na naglakad patungo sa walk-in closet.

Narinig ko ang pagmamadali ni Ken sa pagsunod sakin pero hindi siya nagsalita. Kinuha ko sa likod ng pinto ang robe ko at mabilis na binalot sa aking katawan. Halos, hindi ko na nga naibalot ng mabuti ang sarili ko dahil sa pagmamadali. Basta sa mga oras na ito gusto ko lang lumayo—lumayo sakanya at sa sakit na nararamdaman ko.

I could feel the seething pain inside my chest. Bakit ba kasi ngayon ko lang naisiip na gawin 'to? I should have done this before. Dapat noon palang namulat na ko sa katotohanang wala akong kwenta sakanya. He just sees me as his partner not as his wife. Magkaiba kasi yun.

Ang partner, temporary lang pero ang asawa panghabang-buhay.

"Mandy h'wag naman ganto." Natauhan ako nang marininig ko ang pagsusumamo sa boses ni Ken. Napapikit ako at lumingon sa kinaroroonan niya. Nakasandal siya sa pintuan at mariing nakapikit. Nakaboxer na siya pero hubad parin ang kaniyang itaas at kita ko kung paano mabiils na tumaas baba ang matipuno niyang dibdib.

Nahihirapan siya. Ako rin naman ay nahihirapan na sa sitwasyon namin. Paulit ulit na lang na ganto. Paulit ulit akong ginugulo ng mga palusot niyang halos ilang taon ko nang binabalewala. Pero sa pagkakataong ito ay masasabi kong narating ko na ang sukdulan ng aking pasensya.

Somebody To Call Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon