KABANATA XXV

31.7K 523 11
                                    

KABANATA XXV: Worries

"Mandy please stop pacing back and forth? Nahihilo na ko sa kakaikot mo."

Hindi ako mapalagay ng malaman kong sa bahay na ni Kuya titira si Ate Angel at Tofer. Para kasing biglaan ang lahat. Parang may mali.

"My brother is up to no good Ken. I can sense it. I'm worried about Ate and Tofer." We have this thing between Kuya and I. We had a certain connection that we have since we're little. Although 5 years ang gap namin. Alam niya pag may problema ko at alam ko din pag may problema siya. And I'm sensing this isn't a simple getting back together with Angel.

He's acting strange. Hindi ko na siya mahagilap o makausap man lang. Samantalang dati ay halos bente-kwatro oras siya kung magbantay at magmonitor sakin.

"Aww" nahinto ako sa paglalakad ng biglang dumaing si Ken.

"What the hell are you trying to do Ken?" akma kasing tatayo siya. He's still nursing fresh stab wounds and he's not yet allowed to do strenuous activities and that includes standing up.  Ibinalik ko siya sa pagkakahiga ng patagilid. "D-amn I feel useless. I want to touch you ng kumalma ka." Bulong niya sa pagitan ng paghinga ng malalim.

I sighed. "You'll get hurt. Hindi ka pa magaling and for god sake baka bumuka mga tahi mo."

Mukha namang natauhan siya at hinawakan na lang ang kamay ko. "I worry about my sister and Tofer but they made a choice and we don't have any business to meddle in their matters Mandy. Sabi ko nga sayo diba, their 2 consenting adults. Matitigas na mga bungo niyan."

"Kawawa kasi si Tofer." Nakayukong sabi ko.

Naiipit yung bata sa girian ng magulang niya. Laking pasalamat ko na nga lang at masiyahin yung bata at wala pa talagang kamuwang-muwang sa problema ng Daddy at Mommy niya.

"Hindi siya kawawa, Mandy. I can see your brother adores him so much. I hate to admit it. Pero mukhang mas makakabuti sa bata ang lumaking may Tatay." He stopped and stirred a little. "I treat Tofer as my own but I'm not his Dad. I will never be. Tito niya lang ako and besides..." ngumisi siya at hindi ko nagugustuhan ang tinatakbo ng isip niya.

Kinabig niya ko idinikit sa katawan niya, "....I want a baby of my own. Yung labor of love natin smooch smooch." Ngumuso pa siya at paunti-unting natawa.

Smooch? Did I just hear him say that? At ano daw? Baby? Labor of Love?

I rolled my eyes and made a face. "Ikaw na lalake ka, butas na tagiliran mo may tama ka na at lahat s*x pa din ang iniisip mo. Kung dinidiinan ko yang tahi mo ng makita mo yang smooch smooch na sinasabi mo. Ha? Ano?" I hissed.

Pinisil niya ang ilong ko, "Pikon mo pero I love you pa din baby" I smiled. Wala na. Sinabi na niya ang magic word para mapatawa ako at kiligin. Maybe he was right. I'm just thinking too much.

"Ang pangit mo." I giggled. Pinaningkitan niya ko ng mata at unti-unting sumilay ang ngisi sa labi niya. Bigla akong napasigaw nang hawakan niya ang baywang ko. I have this thing on my waist. Masyadong malakas ang kiliti ko at alam yun ni Ken.

"Ken!" I tried to sound as if I'm warning him but d-amn tumawa lang siya ng tumawa hanggang sa siya mismo ang tumigil habang hawak ang tagiliran niya.

"Stop being cute. Hindi ko mapigilang tumawa. Ah shit masakit." Mukha siyang tanga na tumatawa at maluluha pero panay naman ang daing sa sakit ng sugat niya.

Kahit nag-aalala pa rin ako kay Kuya siguro mas mabuting si Ken muna ang asikasuhin ko .

_ _ _ _ _

Somebody To Call Mine (Completed)Where stories live. Discover now