KABANATA XLVIII

22K 294 39
                                    

Kabanata XLVIII: Defying his orders

Mandy's POV

Nagising ako kinabukasan na halos hindi makapaniwala sa nangyari. Ilang balde yata ng luha ang naiiyak ko kagabi dala ng sobrang sakit na naramdaman ko. It's more than the physical pain but what hurts the most is the fact that I'll never be the same again. I'll never be the same woman. I'll always be broken inside out.

I was violated in every possible way a man could ever do to a woman. Hindi tumigil si Jasper hangga't hindi ako nawawalan ng malay sa sobrang pagod. He invaded me countless time and it hurts like hell. Ayaw kong gumalaw. Ayaw kong maramdaman ang realidad ng mga pangyayari. Ilang beses kong pinagdasal na sana ay panaginip lang ang lahat. Na sa muling pagdilat ng mga mata ko ay mawawala na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

I want to go back in time and live the life of the old Mandy.  

"Hija, hindi ka pa ba kakain? Magtatanghalian na anak." Balewala akong tumingin sakanya. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Nayapos ko na lang ang magkabilang braso ko at binalik ang mga mata ko sa bintana. I am silently watching the rain. Pati yata ang panahon ay nakikisama sa nararamdaman ko.

"Ya, masama ba kong tao?" wala sa loob na tanong ko.

Ilang beses ko ng naisip ang bagay na yun. Masama ba kong tao para maranasan ang lahat ng paghihirap na to. Isa lang naman ang hiling ko noon, yung magkaroon ng sariling pamilya at gagawin ko ang lahat para hindi maranasan ng magiging anak ko ang pangungulila na naranasan ko nung bata ako. Pero kahit yata ang simpleng hiling na yun hindi mangyayare. Because here I am, jailed and raped.

"H'wag kang mag-isip ng ganyan, Mandy. Hindi ka masamang bata, anak." marahan na sabi niya.

Nakadama ako ng tuwa sa sinabi niya pero agad rin yung nawala, "Pero bakit hindi ako maging masaya? Bakit sobra-sobra na kong nahihirapan?" mabilis akong nagpunas ng luhang tumakas.

Akala ko ay naubos na ang mga yun pero hindi pa pala. May natitira pa pala sa mga mata ko at nag-uumpisa na naman silang maglabasan.

Naramdaman ko ang haplos ni Yaya sa likod ko. "Anak naman. H'wag kang umiyak. Alalahanin mo ang anak mo. Hindi makakabuti sakanya ang labis na kalungkutan." Nag-umpisa na rin siyang umiyak.

Hindi ko na alam kung sino ang dapat kong unahin. Ang sarili ko ba at ang magiging anak ko o ang mga taong posibleng masaktan kung sakaling tumakas na kami dito. Ayokong masayang ang halos tatlong buwan na pamamalagi namin sa impyernong ito at mauwi lang din sa kinatatakutan ko, ang madamay sina Kuya at Ken sa problemang kinasasangkutan ko.

"Alam ko anak na natatakot ka sa maaring gawin ni Jasper sa mga Kuya mo pero hindi mo ba naiisip ang kapakanan ng anak mo." Dumapo ang kamay ko sa aking tiyan. Ang anak kong walang kamuwang-muwang. "Hangga't hindi ka umaalis sa bahay na ito ay walang kasiguraduhan ang kinabukasan ng anghel na yan. H-Hindi ko itatanggi na narinig ko ang lahat ng ginawa niya sayo anak." napayuko ako sa sinabi ni Yaya.

"Hindi tayo nakakasiguradong yun na ang huli. Mag-isip ka anak. Isipin mo ang sa tingin mong tama at makakabuti hindi lang sayo kundi sa magiging anak mo. Magiging nanay ka na at dapat iniisip mo na rin ang munting buhay na tumutubo sa katawan mo. Hindi niyan kayang lumaban para sa sarili niya kaya ikaw ang lumaban para sa inyong dalawa." 

Somebody To Call Mine (Completed)Where stories live. Discover now