KABANATA IV

52.1K 892 27
                                    

KABANATA IV: His other side

Nagmamadali akong tumakbo patungo sa elevator "Wait!" sigaw ko sa taong nasa loob nun at laking pasalamat ko ng pigilan niya ang pagsasara nito. "Thank-" hindi ko na tinuloy ang pagpapasalamat ko kasi yung asungot kong boss pala ang nasa loob nito.

A great day to start my day! "Tsk tsk late yata ang sekretarya ko on her first day of work." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya kailangan pa ba niyang ipagdiinan sakin yun?

"Wala pa naman ho kayo sa office kaya hindi pa ko late." Pagdadahilan ko.

He chuckled, "You really love arguments don't you?"

"No Sir, but when people want to start to argue I'm always ready" I retorted.

"Haha that's my girl" he patted my head like a wet puppy. "Hey not my hair" reklamo ko. Ilang oras kong pinagpaguran ang pagfifish tail niyan kaya nga nalate ako tapos guguluhin lang niya.

"You girls are so conscious about your hair" pahayag niya bago tigilan ang buhok kong nagulo na. Tinanggal ko na lang ang pagkakapusod nito at nalaglag tuloy ang wavy hair ko.

"Because our hair is our crowning glory, sige imaginin mo nga kaming walang buhok, ako na lang for example, maganda bang tingnan? Hindi ba ang panget."

Bakit ba ang tagal ng andar nitong elevator ngayon? Andami na niyang nagawa sakin pero hindi pa kami umaabot sa 13th floor.

Tumawa muna siya bago sumagot sakin, "Your hair doesn't define your beauty Mandy, it's in the heart not in the hair. Physical beauty fades but the goodness of a person's heart remains the same. Kung kalbo ka then so be it, I'll still like you remember that."

Oh goodness gracious! Napahawak ako sa pisngi ko ng makalabas siya sa elevator. Umagang umaga bumabanat agad? "Okay relax Mandy trip ka lang niyang asarin tama trip ka lang niyang bwisitin." I recited. Hindi pwede yun it's not right. Natauhan ako ng sumara yung elevator kaya dali dali akong lumabas.

He's making me lose my grip to reality!

Kahit nanghihina ang tuhod sa pinagsasabi sakin ni Sir ay tumungo ako sa office table ko. And I was shocked to see everything wiped out. "Nasan yung gamit ko?" wala na yung mga pending papers ko at maging ang picture frame na nakapatong sa lamesa ko.

"Tina nasan yung gamit ko?" I asked one of my officemate.

"Ahh yun ba pinalipat ni Sir Kenneth sa maintenance nasa office na niya. Ikaw daw kasi ang sekretarya niya kaya kasama ka niya dapat sa office." she said bago tumungo sa lamesa niya.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang namura sa isipan ko. How dare he mess up with my things? Pag may nasira dun itatapon ko siya palabas ng building.

Masama ang loob kong pumasok sa office niya and Tina's right andun nga ang mga gamit ko. "What took you so long?" bungad ng magaling kong boss na prenteng nakaupo sa swivel chair niya.

"I am not informed that my things we're transferred here. SIR"

Nagform naman ng 'O' ang labi niya, "Akala ko kinilig kang masyado sa sinabi ko." Halos lumuwa ang eyeballs ko sa sinabi niya.

Inirapan ko siya, he's really giving me a headache. Boss ko ba talaga siya? Para kasi siyang teenager kung umasta sa mga banat niya. Nilapag ko lang yung bag ko at kinuha ang planner ko and went to his table.

"Sir ano po bang schedule nyo for the day?" I asked him. It's my duty to schedule and remind him of his meetings and appointments. Parehas kaming napalingon sa pinto ng may kumatok, "Uy ikaw yung weirdo na lalaki" hindi ko naiwasang maibulalas ang iniisip ko.

Somebody To Call Mine (Completed)Where stories live. Discover now