KABANATA XIII

33K 596 23
                                    

Warning: Don't kill me after this update >_<. Maikli lang to :)

Read.Vote.Comment

Kabanata XIII: Maling Akala.

Nanlaki ang mata ko ng bigla akong halikan ni Chrome. SH!T anong ginagawa niya? Nagpumiglas ako pero inilagay nito ang kamay sa likod ng ulo ko at idiniin ang sariling labi sakin. His eyes are closed and I can taste the alcohol in his mouth.

Hindi ko na alam kung saan ako nalalasing, sa halik ba niyang ibinigay niya sakin sa unang pagkakataon o sa alak na nalalasahan ko mula sakanyang bibig. Napapikit ako ng kagatin niya ang labi ko. Chrome what are you doing to me?

Ganito ba katindi ang nararamdaman mo para gamitin ako sa pagpawi ng sakit na binigay niya? Habang nakapikit ako ay tumigil na ko sa pagpupumiglas, nasa parking lot pa rin kami at hindi pa ko nakakabawi sa mukha ni Ken kanina ay agad akong sinunggaban ni Chrome.

Nagpaubaya na ako, siguro kung ito ang makakapawi sa nararamdaman niyang sakit ay ibibigay ko ng buong-buo. Ganun ko yata kamahal ang lalaking ito na kahit ang lalaking nagmamahal sakin ay nagawa ko lang panuorinng lumayo para sakanya.

Kumawala ang isang hikbi mula sakin ng pakawalan ni Chrome ang labi ko. I tried to suppress it pero pilit talagang umalingawngaw ang tahimik na iyak, "Sh!t sorry sorry Mandy D-amn sorry." Paulit-ulit siyang nagmura. Hindi pa rin ako dumidilat dahil ayaw kong makita ang mukha niyang pinagsisihan ang ginawa niya sakin.

Ramdam ko ang pagpahid niya ng mga luha sa pisngi ko. Ni hindi ko alam na may dumadaloy na palang luha mula sa mga mata ko. "Open your eyes Mandy, Please open it." Sinunod ko siya at bumungad sakin ang namumula rin niyang mga mata.

"Sorry I didn't mean to kiss you. Hindi ko sinasadya Mandy." Hindi niya alam kung ano ang uunahin, ang punasan ba ang luha niya o ang luhang tumatagas mula sa aking mga mata.

Hindi ako nagsalita. I'm at lost for words to describe what I'm feeling right now. Diba dapat masaya ako? Dapat naglulundag na ako sa tuwa dahil matapos ang mahabang panahon ay nagawa akong halikan ni Chrome, ang nag-iisang lalaki na kinabaliwan ko sa loob ng mahabang panahon.

Yumuko ako, ano bang gagawin ko ngayon? Paniguradong galit sakin ngayon si Ken. Matapos niya akong ipakilala sa mga magulang niya at sabihan ng nararamdaman niya eto ako at pinili si Chrome na wala ng ginawa sa akin kung hindi ang paasahin at saktan ang puso ko.

Wala ng umimik ulit samin, nagpunas ako ng luha at pilit ng bumaba ng truck niya. "U-umuwi ka na C-Chrome. M-mag-iingat ka. H'wag kang mag-alala b-babalik si Chantal m-mahal ka niya." At bago pa tuluyang kumawala ang second batch ng luha ko ay nagtatakbo na ko pabalik sa condo.

Pagpasok ko ng elevator ay hindi ko na nagawang pindutin ang close button dahil napahagulgol ako sa isang sulok at niyakap ang sarili. Feeling ko napakamiserable ng gabing ito. He kissed me not because he love me but becauseh he wants to forget her. Then Ken saw us together and I know his possessive side took over.

Naramdaman ko ang pagpasok ng isang lalaki sa elevator base na rin sa pabangong gamit nito. Pinakalma ko ang aking sarili. Nakakahiya baka akalain nung lalaki ay napapano na ako pero ng maalala ko ang nangyari nawala na naman ang control ko sa sarili.

Nang bumukas ang pintuan ay kaagad akong tumayo. Mabuwal-buwal pa ko dahil sa nangangatog na tuhod ko. Pero bago ako tuluyang makalabas ay hinigit ako nung lalaki papasok muli at kinulong sa bisig niya.

"Calm yourself. Don't cry and we'll talk." Boses palang niya ay killalang-kilala ko na. Imbes na tumahan ako ay napahagulgol ako ulit sa dibdib niya. "Aish" narinig kong sumarado ulit ang pinto at sa muling pagbubukas nito sa rooftop na kami ibinaba.

Somebody To Call Mine (Completed)Where stories live. Discover now