Maya-maya ay lumapit sa amin 'yung kasambahay namin. Nasa likod ni Manang si Trey at Miko. Kitang kita ko 'yung pag-aalala sa mga mukha nila. Sinabihan ko na lang si Manang na pakidala nung mga niluto ko sa garden at doon na lang kami tatambay. Pinilit kong ngumiti't ipakita sa kanila na normal ang lahat pero mukha yatang hindi sila kumbinsido. Kakaiba 'yung titig nila. 

" Oh... Brad, kain. " alok ko sa kanila ng mapansin kong hindi sila kumukuha. " Masarap 'yan! Promise!" 

" Ba't ka pala nagluto? Hindi mo naman birthday. Lalong hindi si Tito. " tanong ni Trey.

Ba't nga ba ako nagluto? Para icelebrate na may iba na 'yung taong mahal ko? Para icelebrate ang katangahan ko? Hahaha. Sana ganoon kadaling sabihin iyon. Sasabihin ko kaya sa kanila? Ayoko. Baka kaawaan lang nila ako. 

" Wa... wala. Gusto ko lang. Alam niyo namang hilig ko 'yun diba. Kailangan laging may dahilan kapag nagluto? " pero hindi sila tumawa. 

" Bro... si Nixon na at si Reggo... sila na. " bulalas ni Miko. Napatigil ako sa pagkain at napatitig lang sa pinggan ko.

Si Nixon na st si Reggo. Ilang oras na ang nakalipas pero ganoon pa rin kasakit. Parang hindi nababawasan 'yung sakit sa puso ko tuwing maririnig kong sila na nga. 

" O... Oo nga. Nakita ko. Ang... ang sweet p...pala noong ugok na 'yun 'no? Hin... hindi halata. Hahaha. " 

" Bro... sorry. Sorry kung sa tingin mo... naging unfair kami sa'yo. " dagdag pa nito. 

" Wala naman kayong kasalanan bro. Siyempre, hindi naman dahil mas matagal niyo na akong kaibigan eh sa akin na kayo lagi dapat pumanig. Alam kong inisip niyo rin 'yung kalagayan ni Reggo. Alam kong hindi niyo na hahayaan pang masaktan ng isang gag*ng katulad ko si Reggo. Naiintindihan ko kung bakit ganoon. " habang sinasabi ko 'yun, pumapalag 'yung dibdib ko. 

Pakiramdam ko kasi nagmukha akong tang* kanina. Hindi ko akalain na magagawa nilang tiisin ako ng ganoon. Kung sana sinabi man lang nila, sana naihanda ko 'yung sarili ko. Sana hindi biglaan. Sana hindi ganito kasakit.

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Where stories live. Discover now