Tanging pagkagulat at takot ang namutawi sa reaksyon ni Rheden.

"Bilisan na natin babalik sila rito," walang ano-anong napatango nalang si Rheden kay Fabio habang hawak-hawak pa rin nito ang nanghihina ng si Caloy.

"Nais niyo bang sumama sa amin? Siguradong kayo ang mapag-iinitan kung sakali," saad ni Nacio kay Fabio at Caloy.

"Mga kamag-aral mo ba sila Rheden?"

Bago pa man makasagot si Rheden, ay agaran ng sinagot ni Fabio si Nacio, "Hindi na kami nag-aaral, napadpad lang kami rito sa Maynila para maghanap ng trabaho. Sa katunayan ay, namamasukan kami sa may pansitan sa tabi nitong dormitoryo, minsan ay tagadeliber din kami ng mga isda sa mercado."

"Kung gano'n, ay payag ba kayong sumama nalang sa amin?" Binabalot nang pagka-awa si Nacio. Ayaw niyang iwan si Fabio at Caloy. Lalo pa't mayroong karamdaman si Caloy at alam niya na maaaring idiin sila ng militar kung sakali para paamin ang dalawa kung nasaan si Rheden. Dagdag pa rito, ang pangunahing dahilan na sila'y walang kaya.

Ilang segundong natigilan si Fabio, "Ngunit nandito ang aming trabaho. Wala rin kaming sapat na pera para ipang pamasahe kung sakali."

Agad namang tumugon si Nacio, "May tirahan na kaming tinutuluyan. Sagot ko na rin ang lahat ng gastos. Wala na kayong dapat ipag-alala."

Napangiti naman ang dalawa, "Tinatanaw namin 'tong malaking utang na loob. Maraming salamat."

***

Nang matapos mag-impake ay kaagad silang lumabas. Pawang nakahinga sila lahat nang maluwag nang makitang walang tao sa labas. Dali-dali na silang tumungo papuntang kusina, kung saan may daan patungo sa labas.

Isa-isa naman silang natigilan ng makitang may anino sa may kusina.

"Ako na muna ang papasok," gulat silang napatingin kay Caloy at napasang-ayon nalang din.

Nadatnan ni Caloy si Ricardo, isa itong estudyante na nakatira sa katabi nilang k'warto. Nagbabasa ito ng libro habang nagkakape.

"Oy, kumusta pare," gulat na napatingin si Ricardo kay Caloy. Sa dinami-daming araw kasi na nagkita sila sa kusina ay ngayon lang siya pinansin nito.

"Ah, mabuti naman?" patanong na sagot niya.

"Ganoon, ah mabuti naman at ayos ka. Makikidaan lang ang mga kaibigan kong mga payaso (clown) may kaarawan kasi kaming dadaluhan. Baka lamang kasi magtaka ka sa kanilang mga hitsura. Wala pa naman silang ayos, natural pa lamang 'yon." sambit ni Caloy at napaubo.

Hindi naman malaman ni Ricardo kung matatawa ba siya sa sinabi ni Caloy.

"Osha sige, hindi na lamang ako titingin sa kanila para hindi ka na mabahala."

Sa puntong ito ay tila bumilis ang pagtibok ng puso ni Caloy. Matagal din niyang tinago ang paghanga niya kay Ricardo. At ngayon nga nagkaroon siya ng lakas ng loob na kausapin ito. Alam niya kasi na sa pag-alis niya sa dormitoryo ay maaring hindi na sila magkita.

"Sa-lamat."

Pagkasabi niyon ay agad niyang sinenyasan sila Nacio. Dali-dali namang kumilos ang mga ito at wala pang isang minuto ay nakalabas na sila ng dormitoryo.

Humuling sulyap pa si Caloy sa bintana kung saan tanaw niya si Ricardo, ang libro at kape nito.

"Hanggang sa muli aking payaso," saad niya. Payaso dahil ito ang nagpapahagikhik at nagpapasaya sa kanya sa araw-araw.

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu