"Mamayang hapon, both of you will start to practice with the other year level. Do your best okay?" Nanlaki ang mga mata ko. Nagpalakpakan sila habang ang iba ay nagcocongrats sa amin.

"W-what do you mean maam? Kami ang napili?" Sabay tayo ko sa pagkaka -indian sit.

"Exactly Ms Wilson."

"B- but how? I don't even know how to walk properly with high heels like them. I don't know how to pose and I don't know how to smile! Why me?"

"Ms Wilson I wouldn't choose you if I didn't saw any potential in you. Sa pagpractice natin, I saw how you became better and better,  and I know that 'better' will become the 'best'. I also realized that your fierce look suits you very well, it will make you unique among the rest and it will be your asset. Mr Harrison has his own charm as well. May potential din siya and... you look cute together, bagay kayo." Ngumisi ang ibang nakarinig and they all agreed with Maam. Malaki ang ngiti ni Harrison habang tumatango tango. What the- anong gagawin ko?

As the days passed by, we all become busy with our upcoming school intramurals. Puspusan ang practice but I can still saw their joy and excitement. Habang ako eh parang pinapatay na sa practice namin.

Isang araw bago ang Intramurals, unti unti na akong natututong maglakad with high heels but hindi pa rin ako nasasanay sa sakit na naidudulot nito sa paa ko. Madalas akong matapilo.

"Wala na talo na kami nito." Napatingin ako sa limang babaeng magiging kalaban ko dito. Mas matanda ako sa kanila pero ang tatangkad nila. Graduating na ako habang sila ay freshman, sophomore, third year, fourth year, and eleventh grade pa lang. They seemed nice.

"Yeah she's right. You look so stunning and gorgeous." Kusa akong napangiti sa sinabi nila.

"Hindi naman. This is my first time kaya kinakabahan ako."

"Really? We thought that you're really a model." Hindi ko napigilang matawa. Ako? Mukhang model? Eh sa paglalakad pa nga lang walang wala na ako compared sa kanila.

"How about you girls? Mukhang sanay na kayo dito." Curious na tanong ko.

"Ako ate, nagmomodel talaga ako. Pero first time kong sumali sa ganitong competition." Nakangiting sagot ng pinakabata sa amin. Freshman.

"Kami namang apat, di na namin first time to. Eh kami kami din yung pambato last year eh." Sagot nung nasa eleventh grade. Tumawa silang lahat. Ganoon din ang sinabi ni Harrison sa akin noon.

"Edi mas mataas ang chance niyo na manalo. Sanay na kayo dito."

"Hindi nga ate, promise tingin namin ikaw na talaga mananalo." Si sophomore.

"Oo nga, tapos tingin ko ako sunod sa'yo." Sagot nung 4th year.

"Hala siya ang kapal mo, ako kaya nanalo last year, ako sunod kay ate." Si 3rd year.

"Eh anong year ka ba nung nanalo ka?" Tanong nung sophomore.

"Sophomore pa ako nun."

"Eh ako na yung sophomore ngayon eh, kaya ako sunod kay ate."

"Bakit sigurado ka bang sophomore ulit mananalo ngayong taon?"

"Huy give chance naman sa bunso." Nakapout na sabi nung freshman. Napatawa ako sa kanila. Mas masarap kausap yung mga di ko kaedad, ramdam kong hindi nila ako pinaplastik.

Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now