"Why is he making all of us suffer? Bakit siya gumagawa ng bagyo, baha, binibigyan ng sakit ang mga tao, hinahayaang maghirap tayo?" Seryoso kong tanong na may matinding emosyon.

"Bakit nga ba Iza?" Balik niya sa akin ng tanong.

"I don't know, h- hindi ko siya maintindihan. I thought he love us? Then why is he letting people suffer?"

"Suffer is not the right term for that Iza, Challenge yun, parte ng buhay. Hindi dapat kinikwestiyon ang pagmamahal niya sa atin. Kasi hindi niya naman gagawin lahat ng yun kung hindi niya tayo mahal."

"What do you mean tita?"

"Iza hindi niya tayo bibigyan ng challenge na hindi natin kayang solusyunan."

"Hindi kayang solusyunan? So tita tell me how people can solve challenges tulad ng baha at bagyo? Can they stop it? Hindi naman diba? Yung mga taong may malalalang sakit, kahit anong laban nila, sa huli namamatay pa rin ang marami sa kanila. Ibig sabihin binibigyan niya rin tayo ng mga challenges that we can't solve."

"Kasi hindi naman siya ang gumagawa nun Iza. Kundi tayong mga tao mismo. Yung mga bagyo at baha, can we stop it? Of course we can kung hindi nga lang tayo nagtatapon ng mga basura kahit saan, kung hindi lang tayo nagpuputol ng mga punong humihigop ng tubig ulan, at kung hindi lang natin pinuno ng mga pabrika at kung ano ano pang mga estruktura ang mga lupa natin, mapipigilan natin ang mga ganoong kalamidad. Yung mga taong nagkakaroon ng sakit, are they taking care of their bodies well? Tama ba yung mga pagkaing kinakain nila? Alam nilang marami silang nakukuhang sakit tulad ng pag iinom at paninigarilyo pero bakit patuloy pa rin nilang ginagawa?" I stilled with tita's answer. Nagka lung cancer ang ama ni Terry dahil sa bisyo nito.

"Challenges ang binibigay niya Iza. Hindi siya ang nagbibigay ng problema sa atin kundi tayong mga tao mismo. Nasa atin ang desisyon. Tayo ang nagdedecide ng mga ginagawa natin at alam na natin ang tama sa mali, kaya dapat hindi natin isinisisi sa kanya ang mga maling resulta ng nagawa nating desisyon. Tsaka dapat maging thankful tayo lagi sa kanya, tingnan natin yung mga blessings na binigay niya instead na tanungin natin siya sa mga bagay na wala tayo."  Natahimik ako. Napagtanto kong tama si tita.

Yung mga batang na food poison, sumakit lang saglit ang tiyan nila pero wala namang malalang nangyari.

Si Ivory, kahit may cancer siya, lagi siyang ngumingiti at tumatawa. Naaapreciate nung bata lahat ng blessings niya kaya sino ako para kwestiyunin 'siya' tungkol sa kalagayan ni Ivory.

Yung papa naman ni Ivory nasa kulungan dahil may maling nagawa. Alam niya nang mali yun but he still chose to do it.

Ngayon, naiintindihan na kita. Mali akong kwestyunin ka tungkol sa pagmamahal mo sa amin. Mali akong isisi lahat ng problema sa'yo.

....

Wala pa rin si Mrs. Sharlene dahil nasa European tour pa rin siya. Bumalik ang lahat sa dati. Mas lalong naging maingay at magulo... pero masaya. Minsan na rin kaming pinuntahan ng ibang teachers dahil rinig daw hanggang buong building ang ingay namin.

Mas naging close sa isa't- isa ang apat na magkakaibigan. Kung nung una ay grabe ang galit ni Rose kay Nathalie at Josh, ngayon siya na mismo ang nagtutulak sa dalawa para mas mapalapit sila sa isa't- isa. Nakita naming lahat ang paghingi ni Rose ng tawad kay Josh sa loob ng basketball court. Kahit yung ibang players ay nakita rin yun. Matagal na pala nilang alam na may gusto si Josh kay Nathalie, tapos si Kent naman kay Rose. Noong sinabi nila iyon ay namula si Kent at hindi agad nakapagsalita. Akala ko nga hindi na siya makakapagpractice ng basketball pero grabe ang paghanga ko ng makitang napakagaling niyang maglaro.

Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now