Kabanata 47

1K 35 2
                                    

KABANATA 47


"Lola Mameng...."

Napangiti ako ng makita ko si Lola Mameng na nanay ni Mommy. May katandaan na ito, nasa 70 pataas na siya pero masigla parin ang pangangatawan at kung makatawa ay parang wala ng bukas.

Lumapit ako dito at niyakap ng mahigpit. Sinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya at doon ako umiyak. Hinaplos haplos niya ang buhok ko at hinayaan lang akong umiyak.

Naramdaman ko rin ang pagyakap ng ilan at napagtanto kong nandito rin sina Moloy at ang iba kong pinsan na bumiyahe pa galing sa Mindanao. May probinsya sina Mommy sa Mindanao kung saan nakatira doon sina Lola.

"Maayo ra ang tanan, akong apo.." Magiging maayos rin ang lahat, aking Apo. pagtatahan sa akin ni Lola Mameng. Tumango ako habang nakalubog parin ang mukha ko sa kanyang leeg. Umalis na ako sa kakasubsob sa leeg ni Lola at pinunasan ang mata ko na may luha.

"Ingon ka okay?" Ok ka lang ba?. Tumango ulit ako bilang sagot. Inayos niya ang takas kong buhok at inilagay sa likod ng tenga ko

"Nay.." napalingon si Lola Mameng sa likuran ko. Walang buhay akong lumingon kina Mr. Catler kasama ang mga magkakapatid na Harrelson habang nakatitig sa akin ni Lola Mameng.

Ngumiti lang siya saka niyakap si Mr. Catler. Umiyak siya habang yakap yakap niya si Lola Mameng. Napabuntong hininga ako at kinuha ang atensyon ni Lola Mameng.

"’La Meng.." tawag ko ng atensyon dito, lumingon naman siya sa akin at ngumiti.

"Unsa man?" Tanong nito.

"Umupo nalang po kayo. Alam ko pong pagod kayo, May pupuntahan lang po ako---"

"Where are you going?" Napataas naman ang kilay ko sa tanong ng kakadarating lang na si Exxus.

"Pakealam mo ba kung saan ako pupunta?" Malamig kong tugon dito. Napabuntong hininga nalang siya at aakmang hahawakan niya ang kamay ko ng umalis na ako at tumungo sa labas ng mansyon kung saan binuburol si Mom.

Malamig ang simoy ng hangin sapagkat gabi na at humahamog na dito sa labas. Nasa garden ako, walang katao-tao, mismong ako lang ang nandito. Nandoon kase sa loob ang mga bisita. Mula sa kanegosyo, sa kamag-anak, kaibigan ng mga Harrelson at ni Mom ay nandito rin ang mga ibang kasapi ng mga simbahan sa baranggay namin.

Tahimik lang dito sa loob, maririnig mo lang ang ingay mula sa loob ng mansyon. Puro kuliglig ang naririnig mo dito.
Napabuntong hininga nalang ako at niyakap ang sarili. Bakit nangyare sa akin ito? May nagawa ba akong mali kaya ako paparusahan ng ganito? Ang unfair naman! Imbis na ang mga Harrelson ang mga nagdusa dahil sila naman talaga ang may ginagawang mali dati pa pero ako ang pinagbuntungan ng tadhana. Bakit? Dahil ba basag-ulo ako? Ang babaw naman ng dahilan na ‘yan para parusahan ako ng ganito!

Sila? Mga drug-dealer, mga manloloko, at higit sa lahat ay pinatay nila sina Dad at Cole! Ewan ko nalang kung may pinapatay silang iba na wag naman sana...

Oo, umaasa akong wala na silang pinapatay bukod kina Dad at Cole dahil wala pa silang eksplenasyon sa akin! Kahit baliktarin mo ang mundo, isa rin sila sa kumulay ng mundo ko!

Pero hindi ibig sabihin nun ay wala na ang galit ko sa kanila.

Siyempre! Ikaw ba namang malalaman mong isa sa pamilya mo ay pumatay sa pamilya mo dati! Labis kang magagalit ‘di ba?

Hanggang sa wala pa silang eksplenasyon tungkol sa pagpatay nila kina Dad at Cole ay hindi ko muna sila isusumbong sa awtoridad! Wala pa akong ebidensya na magpapatunay na sila nga ang pumatay kina Dad at kay Cole. Oo, alam ko na sila ang pumatay, pero maniniwala ba agad ang mga awtoridad kung sasabihin mo lang!
It's impossible kung sasabihin mo lang! Pagkakamalan ka pang gumagawa ng kwento!

Harrelson Series 1: Princess Of Harrelson (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon