Kabanata 37

1.2K 52 2
                                    

KABANATA 37


'Day after day
Time passed away
And I just can't get you out of my mind
Nobody knows, I hide it inside
I keep on searching but I just can't find
The courage to show to let you know
I've never felt love like this before
And once again I'm thinking about
Taking the easy way out....'

Nakapikit ako habang dinadama ko ang bawat liriko sa isang kanta ng Westlife. Naka-earphone ako ngayon at papauwi na kami patungong Siyudad.

Tahimik kaming lahat dito Sa loob, paminsan minsan ay napapalingon ako saglit kay Kuya KKK na may kung anong hinahalungkat sa phone niya.

Hindi ko parin makalimutan ang nakita ko kagahapon. Palagi kong iniiwasan si Kuya KKK kapag lumalapit siya sa akin dahil kinakabahan ako sa tuwing magsasalita siya dahil nakatatak parin sa akin ang banta niya sa kausap niya.

Gusto ko siyang tanungin kung sino ang kausap niya at ano ang sinasabi niyang dealing?

Wag naman sana totoo ang iniisip ko dahil wala pa akong pruweba at isa pa malay niyo, dealing ng kasusyo sa business yan? ‘E di nagkamali ako?

Napaiwas ako ng tingin ng makita ko siyang nagtagis bagang sa cellphone niya. Minabuti kong ituon ang pansin sa bintana para makita ang labas nito. Maaraw ngayon.

Napahinga ako ng malalim dahil pinipigilan kong wag magtanong, baka sabihin nilang pinapakealam ko ang business nila?
Pero parang iba ang ibig sabihin ng dealing sa akin..

Pinikit ko ang mata ko para mawala ang mga walang kwentang tanong sa isipan ko.

'Pero may dala siyang baril na sana ay ipuputok sayo kapag nakita ka niya!'

Wala sa sariling napapadyak ako, napalingon sa akin ang mga ungas at nagtatakang tumingin sa akin

"What happen to you C-jay? Are you okay?" Takang tanong ni Kuya KKK. Huminga ako ng malalim para hindi niya ako makitang kinakabahan

"W-wala" nauutal kong sagot dito na mas lalong napakunot ng noo nila.

May nakita akong isang convenience store sa gilid ng kalsada na katabi lang nito ay sidewalk.

"Manong Pedring, pakihinto po ng sasakyan" Sabi ko kay Manong Pedring

"Saan ka pupunta?" Takang tanong ni Kuya Pajama.

"C-cr lang" sagot ko sa kanila

"Samahan na kita--"

"Wag na Kuya Double M, kaya ko" sabi ko sa kanya, napatango nalang sila bilang sagot kaya bumaba na ako sa Van na sinasakyan namin.

"Mabilis lang naman ako at bibili rin ako ng Hopia at Sterilize para hindi ako gutumin sa biyahe" dahilan ko.

"Sige, hihintayin ka namin" sabi ni Kuya Double L, tumango na ako at nagmamadaling pumasok sa convenience store saka dumiretso sa Banyo nito.

Pagkapasok ko ay agad ko itong ni-lock at humarap sa salamin. Binuksan ko ang gripo saka ako naghilamos para mahismisan. Pagkatapos kong maghilamos ay ipinatong ko Ang aking dalawang kamay sa lababo ng Cr habang hinihingal tumingin ulit sa salamin

"C-jay, don't panic! Kaya siguro may baril dala si Kuya KKK for his safety, malamang ay marami silang nagiging kalaban right? At ‘yong dealing, baka sa business lang nila ‘yon! At wala kang alam doon! C-jay calm down! Baka mali lang ang hinala mo! Hayaan mo sila, wala kang alam! Kaya wag kang matakot sa kanila dahil wala naman sila ginagawang masama sayo! Okay?" Pakiusap ko sa sarili ko, hindi parin maalis ang mata ko sa salamin para makita ko ang sarili ko.

Harrelson Series 1: Princess Of Harrelson (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon