Kabanata 19

1.6K 61 0
                                    

KABANATA 19

Uwian na! Inaayos kona ang gamit ko na nakakalat sa lamesa pero isang notebook at isang ballpen lang ang nakakalat.

Sipag!

"Sabay ka sa amin?" Tanong ni Lexis.

"Hindi nga, ‘di ba nga may sundo na ako palagi?" tumaas ang dalawa niyang kamay na parang sinasabi niyang sumusuko na siya.

"Ok, sorry tao lang, nagkakamali!" Sabi nito, napangisi ako sa inasal nito.

"Ay, tao ka pala" hindi ko makapaniwalang sabi sa kaniya, maasar nga.

"Ano ba sa tingin mo?" Mataray nitong tanong habang ang kaliwa niyang kilay ay nakataas at naka-cross-arm pa!

Kabog kayo mga ‘te!

"Hayop" inosente kong sagot sa kaniya, binigyan niya ako ng matalim na titig habang ako ay pigil na tumawa.

Sinukbit na namin ang bag namin saka lumabas ng room. Habang naglalakad, ang mga istudyante dito ay lumalayo sa silang lahat akin na siyang pinagtataka namin ni Lexis.

"Anong problema ng mga nyan?" Bulong nito sa akin, napabuntong hininga nalang ako sabay kibit-balikat.

Rinig namin ang mga binubulong ng iba dahil siguro kaninang nagkagulo--I mean nagalit si Kuya Pajama at nasabi nitong YOUNG SISTER or STEPSISTER nila ako.
Ano? Di makapaniwala? Ngayon lang nila nalaman?. Siguro nga, dahil kagahapon Di pa nila na magiging kapatid ko ang mga ungas.

And hello? ‘Di ako tipo ng babae na kapag nasa estado ka ng mayaman--or I mean nasa puder ka ng sikat na tao--siguro---ay ‘di ko pinagyayabang, dahil hindi naman ako gano’n.

Oo, basagulera ako, maangas ako, pilosopa ako, pero hindi naman ako pinagyayabang na nasa puder ako ng mga HARRELSON.
Sikat sila sa industriya ng mga negosyo kaya kilalang kilala ang mga Harrelson, sa katunayan nga, ang mga Harrelson ay may Clan pa daw dahil marami daw kamag-anak na nagkalat sa ibat-ibang bansa. Ganoon kasikat ang mga Harrelson. Narinig ko pa nga dito---oha! Dalawang araw palang ako dito marami na akong nasagap na chismis!--Yung Pinaka-master ng Harrelson ay nakakatakot daw, isang tingin pa lang daw sayo para ka na daw pinapatay sa tingin nito.

Tumataas ang buhok ko!--Teka! Bakit buhok? Balahibo ang ibig kong sabihin!
At mas malala pa daw, walang babaeng anak ang mga Harrelson, pero meron daw isa at pinaghahanap pa daw ito. Ewan ko lang kung nahanap na! Basta ako gusto ko ulit kumain ng Hopia!

"Nahanap na pala ang prinsesa ng mga Harrelson, ‘di ako makapaniwala!"
Napalingon kami ni Lexis sa babaeng nagsabi--I mean nagbubulungan, napahinto naman ang babaeng nerd na iyon. Nerd nga, chismosa naman, tss.
Pero teka, nahanap na? Sino? Nasaan na?

Napailing nalang ako dahil sa mga chismis na nandito, karamihan, ang chinichismis ng iba ay kapatid ko daw ang mga Harrelson, ang iba naman ay nahanap na daw ang Prinsesa ng mga Harrelson o kaisa-isang babae ng mga Harrelson.

Grabe naman! Big deal na sa kanila yun?
At duh! Stepbrothers ko lang po sila!

"Grabe naman ang headline ng chismis dito, Ikaw ang bida! Kahapon pa ah! Sikat ka na" malokong sabi ni Lexis sa akin, napairap nalang dahil ako na ang pagdidiskahan ng mga ito bukas dahil ako ang bida dito.

Harrelson Series 1: Princess Of Harrelson (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon