Kabanata 17

1.6K 59 0
                                    

KABANATA 17

Nandito kami sa likod ng University habang nakakunot ang noo ko.

Nandito ako kagahapon!

"Kuya Pajama nandito ba ang Resthouse niyo?" Tanong ko dito habang naglalakad, tumango siya pero hindi siya lumingon dahil nagunguna siya paglalakad.
Malamang siya ang magli-lead kung saan ang Resthouse nila.

Malay ko bang nasaan ‘yon?

Ilang minuto pa kaming naglalakad ng huminto si Kuya Pajama, taka ko naman siyang tiningnan pero hindi parin siya lumilingon, ng hawiin niya ang mga halamang nakakawit sa puno
Nang hinawi niya iyon...

Wow! As in wow! Buti pinapayagan silang magtayo dito ng resthouse! Ngayon lang ako nakakitang may resthouse sa likod ng University. Ang tanong alam ba ito ng mga Admins sa University na ito?

"Kuya Pajama, alam ba ito ng principal ng University?" Tanong ko dito pero ngisi lang ang sinagot niya.

"Sabi ko nga matino ang kausap ko" nakita kong umirap siya saka nauna ng maglakad--syempre sumunod ako..

Binuksan niya ang pintuan at nadatnan namin ang mga iba pang ungas na kumakain ng lunch.

Halaa! Bakit puro baboy? Pwede namang...HOPIA!

Napasipol ang iba pang hindi pamilyar na mukha at yung iba ay nakita ko nun kagahapon sa cafeteria.

Napataas naman ang kilay ko sa mga kasama ng mga ungas, mukhang mga playboy ito ah!

"Anong ulam?" Bungad ko agad sa kanila.

"Malay namin" sagot naman ni Kuya Double M.

"Eh kung sapakin kita, dinala dala niyo ako dito at walang pagkain? Aba mahiya! Bisita ako!" Mataray kong sabi sa kanila.

"Ay, bisita ka pala" tanong ni Kuya Double L

"Ano ba sa tingin mo?"

"Isa ka ritong nagmamay-ari ng resthouse"

"Ha?"

"Kumain ka na, nandoon sa kusina ang pagkain" boring na tanong ni Kuya BMT, "Pero tirhan mo kami, wag mong ubusin" g-g-ng to ah!

“Hakdog”Dagdag ko dito kaya sinamaan nila ako ng paningin.

Binigyan ko ng matalim na titig si Kuya KKK, "Sa tingin niyo alam ko ang kusina?" Pabalang kong tanong dito.

"Uso ang mata para hanapin" lumipat naman ng masamang tingin doon kay Kuya Double M.

"Pilosopo?"

"Pilosopa?"

"Sa kanto merong pilay na pusa" sarkasmong sagot dito, napaawang naman ang iba dito sa sinabi ko yung iba naman ay nakangisi pero nahagip ko ang isang lalaking kanina pang mariin na nakatingin sa akin.

Siya yung lalaki kagahapon kung makatingin ay ako lang ang cute doon sa cafeteria!

Tinaasan ko naman siya ng kilay, "Problema mo?" Mataray ko ditong tanong pero ang tukmol? Aba, tinaasan rin ako ng kilay!

Aba! Kabog! ‘Di nagpapatalo!

"And then?" Tanong nito, aba!

"Eden" napangisi ako ng mas lalong tumaas ang kilay niya na yung mismong nawala na sa mukha.

P-ta!

"Ahmm, miss, I'm Jeden Olcampo at your service" wow may katukayo! Kumindat pa ito sa akin sabay ngiti.

Pa-fam?

"I'm Andrew Vallangco, I'm handsome than they" napataas naman ng kilay ko sa sinabi nito.

Handsome than they? Saan banda?

"Ehem, I'm Leonard Gillard" buti pa ito simple lang, nakangiti pa siya habang nagpapakilala.

"Nice to meet you Leopardo!" Nakangiti ko ring bati dito, nagtataka naman ito sa bati ko, bakit?

"L-leopardo?" Tumango ako, napatawa naman ang mga nandito, except sa mga ungas na nakangisi lang.

"Abdiel Romanson, I'm more than Handsome than Andrew” saad naman ni Abdiel.

"Apollo Mendez" buti rin ito simple, tsk sana all!

"Greek God ka?" Tanong ko dito, napangisi naman siya at yun na nga.

May kayabangan, tss!

"Ok Polo" nakangiti ko ditong sagot na siyang nakakunot ang noo nito, mamatay kayo sa kakaisip kung saan ko nakuha ang mga nickname niyo mga tukmol!

"And by the way, this Blake Exxus Bellisario" pakilala ni Andrew doon sa lalaking kanina pang nakatingin sa akin ng mariin.

Blake Exxus? Hmmm.

"Nice to meet you BLEX!" Napatawa sila ng malakas pati narin ang mga ungas sa sinabi ko.

P-ta! Blex?! Saan ko naman nakuha yun? Sound like BEKS?

Sinamaan niya naman ako ng tingin habang ako ay tinakpan ang bibig ko para hindi tumawa, potaa talaga!

"Hi Blex! Nice meet you! And yesterday!" Napatawa ulit sila ng malakas sa bati ko dito habang siya ay binibigyan niya ako ng nakamamatay na tingin ng dahilan ng panghina ng tuhod ko pero natatawa ako kaya kahit naghihina ay nilabanan ko ito saka tumawa--teka ano ang pinagtatawanan namin?

Napahinto ako sa pagtawa habang mga tukmol at mga ungas ay hindi mapigil ang pagtawa, "Ano yung nakakatawa?" Takang tanong ko dito na siyang dahilan ng paghinto nila sa pagtawa.

"Really di mo alam?" Pigil na tawa ni Abdiel, tumango ako saka ngumiti.

Napangiwi naman sila sa aking lahat
"Eh kung sakalin ko kayo diyan?" maangas kong sabi dito.

"Halika na C-jay ituturo ko sayo yung kusina para makakain narin ako" lumingon ako kay Kuya Pajama na ngayon ay bagong Ligo dahil sa pintura.

Buti natanggal pa niya

"Buti natanggal mo pa ang pintura kung hindi magmumukha ka nang si Shrek Kuya Pajama!" Nagtataka naman akong tiningnan ng mga tukmol

"Pajama?"

"Wala na kayo doon!" Sabi ko at sinundan na si Kuya Pajama na ngayon ay umiiling nalang sa sinagot ko sa kanila.
Bahala kayo!

====================================

To be continue...

Harrelson Series 1: Princess Of Harrelson (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon