Kabanata 8

1.9K 70 0
                                    

KABANATA 8

            

Dalawang linggo na ang nakakalipas nung simulang tumira ako dito sa nakaka-buwisit na mansyon----I mean, lagi nila ako pinepeste!

Sa loob ng dalawang linggo, kapag aalis ang iba, dapat may maiiwan dito para bantayan ako--sabi daw kasi ni Mom ‘yon---para daw hindi daw ako pumunta kahit saan.

Para na nga akong isang taong gulang na bata na walang kamuwang-muwang sa mundo!

At paminsan minsan, ang we-weird nila! Grabe! Kasi ba naman pupunta sila sa kwarto ko saka nililibot nila ang loob kahit nasa loob ako ng kwarto ko, kapag nakita nila ako doon bigla nalang aalis.

Napaka-weird talaga ng mga iyon!
Ewan ko ba kung kulang lang sa aruga ang mga yun! Hay ewan!

Nandito ako ngayon sa sala habang nanunuod ng movie---nagmo-movie marathon kasi ako--- habang ang kasama kong nasa kabilang sofa ay naglalaro sa Cellphone niya, siyempre yung kasama ko ay si Kuya Double M.

Yung mga kapatid niya may importante daw ginagawa, paano ko nalaman? Malay ko.

Imbento rin ako!

Lumingon ako kay Kuya Double M, "Kuya Double M, pwede ba akong lumabas?" Tanong ko sa kanya na ikinatigil niya sa kung ano man ang ginagawa niya sa cellphone niya.

'Your enemy has been slain!'


Taray! Nag-ML lang pala ang ungas!, bakit ni hindi ko man lang narinig?

Napatingin ako sa kanya na para bang hangang-hanga dahil ML-addict to! At napansin kong naka-earphone pala at kakatanggal lang pala niya.

"ML addict ka?" Hangang tanong ko na ikinalingon niya.

Ngumisi siya habang tumatango, mukhang mayabang pa ang ungas! Kapag ako marunong mag-ML, who you kayo sa akin!.
Kung marunong lang!

"Yes, wait can I ask?" Tanong ni Kuya Double M sa akin, tumango naman ako bilang sagot.

"Ano ang mga ibig sabihin na tinatawag mo kina Lade?" Takang tanong nito na kadahilanang tumawa ako ng malakas.

Napakunot naman ang noo nito sa inasta ko, "Alam ko ang akin kasi sinabi mo na no’ng nakaraan, but what is the hell are BMT, PAJAMA----"

"Ang ibig sabihin ng tawag ko kay Q-Quartz ba yun?--Ayy oo, Quartz nga---Bakit BMT ang tawag ko sa kanya? Dahil ang Quartz ay kabilang sa mga Batong may tanso, ‘di ba?" Napakunot naman siya sa sinabi ko, ano ba to?! Slow!

Bumuntong hininga ako, "Ok, Gemstone. Pinaganda lang ng pangalan pero Batong may Tanso parin yun ‘no! Ang Batong may tanso ay iniklian ko nalang, kinuha ko ang mga unang letra sa bawat salita kaya ang Batong May Tanso ay naging BMT! Ang haba haba kaya iniklian ko nalang. Mga millennial na kaya tayo ngayon!" Tumango tango siya sa paliwanag ko sa kanya na maya-maya ay tumawa siya.

Ako naman ang napakunot ng noo sa inasta nitong di mo alam kung baliw na o ano, "Bakit ka tumatawa?"

Napahinto siya sa kakatawa saka lumingon saakin na pigil ang tawa, "Natatawa ako sa sinabi mo, sabagay…" natawa kaming pareho dahil ‘yon pala ang dahilan kung bakit siya tumatawa.

Mga baliw hano?

Tumagal ang oras kami nag-uusap--hapon na kasi, pinaliwanag ko sa kanya ang lahat kung bakit yoon ang tinawag ko sa mga kapatid niya---na stepbrother ko na.
Kinuwento nya rin sakin yung buhay niya at ako rin ‘no! ‘Yung mga achievements niya, mga nakakatawang moments niya kaya tawa kami ng tawa---siyempre ako ‘rin ikinuwento ko sa kanya kaya kami ngayon, parang baliw na tawa ng tawa, yung mga ilang katrabahador ay napapadaan saamin at kung tumingin saamin para bang hindi makapaniwala, pero di namin ‘yon pinansin.

Busy kami sa kakatawa! Kaya wag kayo.
Habang nag-uusap kami, nagtatawanan, nagkukuwentuhan ay naramdamang kong mabait pala ito, ‘kala ko mayabang at iinisin lang ikaw palagi pero masarap pala kasama ang isang ‘to kaya naging magaan ang loob ko sakanya.

Napahinto kami sa pagtatawa ng bumukas ang pinto ng Mansiyon. Nakita namin ang mga iba pang mga ungas na nakataas ang kilay dahil nadatnan nila kaming nagtatawanan, habang itong katabi ko ayun, pinipigil ang tawa.

Siyempre ako din, sarili kong joke di ko tatawanan? Aba! Nakikisama lang!

"What's going on?" Takang tanong ni Kulay the First in the boring tone.

Ng dahil sa tanong niya, napatawa kami ng malakas ni Kuya Double M---para hindi kayo malito----with matching hawak tiyan, si Kuya Double M naman ayun napahiga sa kakatawa halos wala ng bukas. Ako naman ay tawang tawa-----wala ehh, nakatakas sa Mental.

"What's funny?" Takang tanong ni---bahala na kung sino yun basta busy kami sa kakatawa.

Napahinto kami sa kakatawa ng may nabasag ng kung anong salamin, lumingon kami sa pinagbasagan saka nadatnan naming binasag pala yun ng isang ungas, ehh di sino pa ba? Ayun si Kuya Karera King


"Galit na si Kuya Karera King" rinig kong bulong ni Kuya Double M na napatawa ulit sa amin.

"Ano ba yan Kuya! G-go ka! Wag kang manggagaya!"

"Ayaw mo ‘yon? May gagaya na sayo!"

"G-go!"

"Siraulo!"

Halos mailuwa na namin ni Kuya Double M ang dila namin sa kakatawa paano ba naman kasi tawang tawa na di mawari kaya natawa narin ako.

Mga kulang sa aruga ang mga p-ta!


====================================

To be continue....

Harrelson Series 1: Princess Of Harrelson (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon