Kabanata 46

1K 35 2
                                    

KABANATA 46

C-JAY YLVADRES


Naalimpungatan ako ng may humahaplos sa aking pisngi. Dahan dahan kong binuksan ang aking mata at nadatnan ko si Mom na nakangiti at walang kahit anong dumi sa kanya. Nasa isang kwarto kami at nasisiguro akong hospital ito

Naalala ko ang nangyare. Kinidnap kami, nalaman ko ang lahat, sinagip kami...At binaril si Mom...

Nagtataka akong napatingin sa kanya. Kinapa ko ang ulo niya pero walang sugat iyon. P-paano nangyare?

"Tiang ko...." nabalik ako sa ulirat ng tawagin ako ni Mom. Walang nababakasan na sakit ang kanyang mukha, kahit isang sugat ay wala siya..

"Tiang ko... Alam kong naguguluhan ka. Patawad sa mga sikreto ko kaya ka nasaktan. Hindi ko intensyong saktan ka.. Sasabihin ko rin naman ang lahat kapag okay na. At kahit anong mangyare ay wag na wag mong ilalaglag ang mga pamilya mo... Kahit anong mangyare ay ito ang tandaan mo.."

"Mahal na Mahal kita Tiang ko.... Ikaw lang Ang unang prinsesa sa buhay ko at sa buhay naming lahat... Lahat ng nakapaligid sayo ay may dahilan..." hinaplos niya ang mukha ko at hinalikan ang noo ko, napapikit ako habang dinadama ko ang malambot nitong labi sa aking noo...

"Pasensya na.... At hindi na ako makakaabot sa tagumpay mo... Pero wag kang mag-alala dahil nasa taas ako at nanonood sayo... Kami ng Daddy mo.... Magdasal ka lang, manalig hanggang sa makamit mo na ang tagumpay..... Mahal na Mahal kita... Tiang ko..." naglandas ang aking luha mula sa aking mata sa sinabi ni Mom.

She's kidding right?

"Mom, nagbibiro ka lang" paos kong tanong sa kanya. Ngumiti lang siya na para bang walang nangyayare sa paligid. Umiling lang siya habang namamasa ang mata niya
"Sinusundo na ako ng Daddy mo... Magpakatatag ka..." sabi nito. Nakita ko ang isang bulto sa likuran ni Mom at nakita ko si Daddy na nakangiti sa akin.

"Mahal na mahal ka namin munting Celes ko.. Magpakatatag ka, nandito kami para sayo.." sabi nito, napahagulgol ako bigla at naramdaman ko ang bisig nilang dalawa..

Damn! Namiss ko ang yakap ni Daddy

"Paalam na.... Tiang ko.." naramdaman ko ang dalawang malambot na labi sa aking ulo habang nakapikit ako at hindi matigil ang iyak..

"W-wag mo akong i-iwan M-mom..." pakiusap ko pero huli na ang lahat...
Binuksan ko ng dahan dahan ang aking mga mata at isang puting kisame ang nadatnan ko.

Narinig ko ang mga nagsasalita dito pero wala doon ang atensyon ko..

"M-mommy.."

Napatigil ang lahat sa sinabi ko. Naramdaman ko ang luha mula sa aking mata habang nakatulala sa Kisame..

Narinig ko ang mga yapak papunta dito pero hindi ko iyon nilingon, hindi ko iyon binigyan ng atensyon. Gusto kong makita... Si Mom..

Pagkatapos akong tingnan ng doctor ay iniwan na nila akong nakaupo sa kama. Okay narin daw ang mga sugat na natamo ko.

Nandito sina Icang at ang iba pang tatlo kong pinsan..

"Okay ka na ba? Anong gusto mo?" Sunod sunod na tanong ni Icang. Nag-alala siya pero hindi ko siya nilingon dahil nakatulala lang ako..

Harrelson Series 1: Princess Of Harrelson (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon