Kabanata 22

1.5K 48 0
                                    

KABANATA 22



'I'm gonna be the one that's gonna last

And be the one that got your back

Ain't nothing never that bad that we wont be together

And though we both made our mistakes

And some we never wish we made

But we'll be okay if we just stay together..'

"Baby you're the one I've waited for

Because you gave me what I need and more

Girl its clear that we are meant to be

Together,

We should be together

Eternally

Oh.."

Mula sa pagbuhos ng tubig nila sa shower ay napapakanta ako dahil sa tahimik ng paligid ko.

Malay ko bang may mumu dito 'di ba?

Gusto ko kapag nagpro-pose ang magmamahal sa akin hanggang sa dulo ng walang hanggan ay 'yan ang patutugtugin hanggang sa masabi ko ang mahiwaga kong 'yes!'

'Di ba? Akala niyo puro basag ulo ang iniisip ko? Nagkakamali kayo! Kasi kahit ganito ako, gusto ko rin na may prince charming na magkakatuluyan ko hanggang sa dulo.

Hindi ko alam kung nasobrahan na yata ako sa fantasy-fairy tale pala.

Napabuntong hininga nalang ako habang kinukusot ko ang aking buhok na may bula pa. Paano naman mangyayare 'yon? Wala na nga Si Cole, na ang Prince Charming ko?

Habang umaagos ang tubig ay ramdam ko ang init mula sa gilid ng mata ko, umiiyak ako..

Oo, hindi ko pa nakakalimutan ang nangyare noon.. Di niyo naman kase ako masisi dahil siya ang First Love ko at alam ko kung gaano kasakit na mawala sa iyo na akala mo ay makakasama mo habang buhay.

Dahil naranasan ko na.

Mukha akong tanga habang naliligo ay umiiyak ako.

Gusto kong makuha ang hustisya na hinahangad ko noon pa, mula sa pagkamatay ni Daddy at pagkamatay ni Cole.

Pero paano ko naman uumpisahan ito kung wala namang kahit anong clue ang magbibigay sa akin?

Sa pamilya naman ni Cole, umpisa noon ay hindi ko alam kung alam na nila ang totoo. Noong inilibing na Si Cole ay kahit kailan ay hindi ko na nakita ang mga ito. Siguro nagluluksa sa pagkawala ni Cole.

Pero nung inilibing Si Cole ay umipisa noon ay wala na akong natatanggap na lead mula sa pulis kung ano ang nangyare, kung bakit namatay Si Cole..

Gusto kong puntahan ang pamilya ni Cole pero wala na sila sa dati nilang mansyon. Sabi pa nga ng mga kapitbahay nila sa Village nila ay lumipat na ito patungong Rome.

May bahay ang mga Losquez--ang pamilya ni Cole--sa Rome, marami rin silang business doon kaya paminsan ay lumilipad sila doon para kamustahin ang business nila. Pero kahit ni minsan ay hindi ko alam kung anong produkto ang kinikita ng company nila..

Pagkatapos kong maligo ay pumasok na ako sa Closet na may daanan mula sa banyo kaya nakapasok na ako na hindi ko mabubuksan ang pintuan ng banyo. Kinuha ko na ang aking plinantasya ng uniform saka sinuot ito.

Pagkatapos kong isuot ang uniform ko ay kinuha ko ang suklay sa mini table ko na isusuklay sana ng may nag-text sa cellphone ko.

Kinuha ko ito mula sa loob ng bag saka binuksan ko pero Unknown Number ang nakalagay. Nagtataka naman ako kung bakit, paano nito nalaman ang number ko?

Harrelson Series 1: Princess Of Harrelson (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon