KABANATA 3

2.1K 62 1
                                    

MULTO?!

Napabuntong hininga ako sa mga nakikita ko. Sinimulan ko ng maglinis ng kusina kahit ayaw 'ko. Mahirap na baka maging dragon---este ma-high-blood pa si Mom, eh.

Sinimulan ko ng maglinis. Nilinis ko ang sahig, mga pinagkainan hinugasan ko na, at iba pa. Pagkatapos ng ilang minuto ulit, sa wakas ay natapos na ako. Pinunasan ko ang aking noo dahil naligo na ako sa pawis. Eww.

Mag-aasim na ako nito!

Napanguso ako. Maasim na ako at nandoon pa sila sa sala. Tumungo na ako sa sala para silipin kung andoon pa ang mga steps ko!

I mean stepdad and stepbrothers.

And boom! Andoon pa nga sila at nag-uusap.

"Hon, ang gusto ko lang naman na siguraduhing ligtas kayo kaya titira kayo sa bahay namin para may magbantay sa inyo lalo na sa pinakamamahal mong anak, Celestial," nakita kong pinupursigi ng magiging stepdad ko ang mommy ko sa gusto nito. Hindi ko malaman kung bakit napakadesperado nito sa gusto nito at kulang na lang ay magmakaawa na ito sa harapan ni Mom.

Celestial ang pangalan ni Mom na doon tinugma ang pangalan ko. Celestial and Calestia ay related sa kalangitan. Sa Jayana naman ay tinugma sa pangalan ni Dad, Jayano Ylvadres ang pangalan ni Dad na ngayon ay namamayapa na.

Hindi ko mapigilan na mapakunot ang noo sa narinig. Hindi maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang pagpupursigi nito na maakalis dito. Aalis kami dito? Paano tong bahay namin? Nandito ang mga ala-ala namin nung nabubuhay pa si Dad. Hindi namin pu-puwede na iwan ito ng basta-basta.

Nakaramdam ako ng lungkot dahil doon.

Hindi ako makapapayag na aalis nalang kami bigla dito dahil nangako ako kay Dad na hindi namin to iiwan kahit ano man mangyari. Saksi ang bahay na ito ang pagmamahalan namin sa isa't-isa, ang pagsubok, ang mga kalokohan namin, ang mga matatamis na ngiti, kung paano nila ako tinuruang sumayaw, at kung paano ako tinuruan ni Dad na makipaglaban. Kaya naging palaban ako para kay Mom dahil si Mom nalang ang natitira sa akin.

Please, Mom. Wag kang pumayag.

Nagbabakasakali habang na sa gilid. Mahigpit ang kuyom sa aking kamao habang nananalangin na sana ay hindi pumayag si Mommy. Alam ko kung gaano din kamahal ni Mommy ang bahay na ito pero sa huli, siya pa rin ang masusunod.

Kaya nang marinig ko ang kaniyang sagot ay biglang nanghina ang aking katawan. Parang binagsakan ang aking sistema ng isang mabigat na bagay kaya ito mabigat. 

"Kung 'yon ang nakakabuti, sige..."

Sa sagot ni Mom may nasagi akong vase kaya nabasag ko ito. Napalingon ako dito at napalingon rin sa kanila. Nakita kong nagulat din si Mom nang makita niya ako. Sinamaan ko siya ng tingin bago ako tumakbo patungo sa aking kuwarto. Hindi pinansin ang pagtawag sa akin ni Mommy.

Tangis ang bagang na pinipigilan ang aking pag-iyak. Hindi matanggap ang naging sagot ng aking ina. Gusto kong matawa dahil doon. Bakit ganoon? Bakit ganoon na lang kadali bitawan kay Mommy ang lahat? Bakit iiwan niya ako dito sa dilim, nangungulila pa rin kay Daddy? Bakit ang bilis niyang mag-move on tapos ako, hindi pa? 

Ano bang ginamit ni Mommy na methods para hindi na masaktan na iwan itong bahay namin? Na tanging naiwang ala-ala naminng pamilya? Ito na ang tahanan namin, eh. Bakit pa kami lilipat? Ano mayroon? May nagbago ba? O ginayuma siya nang walang hiyang lalaking 'yon para pumayag sa kaniya si Mommy?

"Ayaw ko... umalis dito. Kahit anong mangyari..." determinado kong bulong pero kalaunan ay mayroong luha na lumabas mula sa aking mata. Nakanguso kong pinunasan 'yon gamit ang aking kamay at napasandal na lamang sa pintuan ng kuwarto ko.

Ayaw ko sa lalaking 'yon, Mom. Sinabi ko na sa 'yo 'yan kanina pa. Bakit mo pinagpipilitan? Bakit gusto mo pang umalis? 

Pero ganoon siguro, no'? Siguro, ako na lang ang hindi nakakaalis sa dilim. May mga what-ifs na gustong matupad. Ang mga hiling ko tuwing gabi na alam kong imposible ng mangyari. Masyadong imposible sa isang kumplikadong buhay na mayroon ako. May mga pangyayari talagang nangyayari na hindi mo inaasahan. May mga magbabago na hindi mo maihihinto.

C-jay, tapos na diyan si Mommy, eh. Tapos ng umiyak si Mommy. Bakit gusto mo ulit masaktan siya? Bakit gusto mo pa rin siyang magdusa sa pagkawala ni Daddy? Magiging masaya na si Mommy. Ayaw mo ba n'on? Ayaw mo ba na makita muli ang ngiti niya? Ayaw mo ba na marinig mo na ulit ang tawa niya? Ayaw mo ba na bibigyan ka ulit ng magandang pamilya ni Mommy?

Pero... si Mommy na ang pamilya ko... pati si Daddy...

"Kung bibigyan lang ako ng pagkakataong humiling, 'yon ang magparamdam ka sakin at magpakita, Daddy," nagtatampo kong bulong kahit na patuloy pa rin ang pag-agos ng aking luha.

Masisisi ko ba ang sarili ko na maging ganito? Kasalanan ko ba na ganito ang nararamdaman ko? O nagdadahilan lang ako dahil ayaw mong may pumalit sa puwesto ni Daddy? Hindi ko alam. At ayaw ko ng alamin pa. Siguro, hayaan ko na lang? Hayaan ko na lang si Mommy. Hayaan ko siyang sumaya. Susundan ko na lang kung saan siya masaya. Kasi, katulad ni Dad, susundin namin si Mom kung saan siya masaya.

Kung masaya siya sa lalaking 'yon... sino pa ba ako para hadlangan 'yon? 

Doon na siya masaya, eh. Siguro... hindi pa ako sapat.

Kaya humanap si Mom para na rin punuin ang sistema ko na iniwan na ni Dad.

Nanindig ang aking balahibo nang maramdaman ko ang hangin na nagmumula sa aking bintana. Dahil doon ay sumasayaw ang kurtina. Kung sa iba, normal lang na humangin.

Pero iba sa akin. Iba ang nararamdaman ko.

"D-dad, 'wag muna ngayon. H-hindi pa ako ready." 

Si Dad naman kasi! Nagpaparamdam ngayon! 'Di pa ako ready! Takot pa ako. Saka na kapag hindi na.

"Pero, Dad, seryoso," huminga ako ng malalim at kinausap ang kawalan. Talagang nababaliw na ako, "Kung nandito ka lang siguro, hindi mapupunta ang mga lahat ito. Pero, Dad, ano ba kasing nangyari? Bakit mo kami iniwan bigla? Ano 'yon? Magic? May magic ka? Dad, please. Kahit sign lang. Kaya ka kinakalimutan, eh."

Sa pagkamatay ni Dad, wala akong kaide-ideya. Pero alam ko... may alam si Mom pero hindi niya sinasabi sa akin. Wala akong alam except na namatay sa isang aksidente. 'Yon ang sabi sa akin ni Mom, wala ng iba. Gusto ko pang magtanong pero parang hindi na sasagutin pa ni Mommy 'yon.

Masyado pang inosente ang utak ko noon. Hindi alam ang ibang bagay na hindi pinapaalam sa akin ng magulang ko. Kahit na nakita ko ang kabaong ni Dad at doon siya nakahiga. Ang alam ko lang ay natutulog siya doon kaya hindi ako umaalis. Kasi ang alam ko... nagpapahinga lang siya saglit at gigising din. 

Nagkaroon lang ako ng kamalayan, doon ko na-realize na patay na si Dad. Noong nailibing siya.

"Gusto mo bang malaman?"

Napatalon ako sa gulat at tiningnan ang paligid. Mas lalong tumaas ang aking balahibo sa kaatwan dahil doon. Hindi alintana ang puting usok na ngayon ay pumapasok na sa kuwarto ko, galing sa bintana na nakabukas.

Nanaginip ba ako o minumulto?

"D-dad?" 

Lumingon ako sa likuran ko at sa laking gulat ko nakita ko si Dad na nakasandal na pintuan ng terrace. Halos mawalan na ako ng hininga at parang nawalan na ako ng kaluluwa sa nakita. Malalaki paring mata ang ibinigay ko sakanya dahil sa gulat.

Minumulto ba ako?

Dad, 'wag kang ganiyan.

---

To be continued...

Edited: July 30, 2023

Harrelson Series 1: Princess Of Harrelson (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon