Kabanata 44

1K 35 3
                                    

KABANATA 44



Patuloy parin ang pagputok ng baril na siyang dahilang umaalingawngaw sa isang malaking lumang factory kung saan ay nandito kami.

Takot. 'Yan ang nararamdaman ko hanggang ngayon dahil sa mga nangyayare. Ewan ko kung bakit ganito ang buhay ang ibinigay sa akin.

Dahil ba basag-ulo ako?

Depvta! Ang worst lang kaseng isipin na napunta ka sa ganitong klaseng pamilya. And for pete's sake?! Sa Mafia pa ako nabilang..

Hila hila kami ng tauhan ni Tita Almira paakyat patungong rooftop ng lumang factory para siguro ay makatakas kami.

Hindi ako makagalaw dahil sa pinanturok sa amin kanina na isang pampahina ng isang tao. Patuloy parin ang pag-agos ang luha ko habang ang pisngi ko ay hindi parin mawawala ang hapdi at kirot na pinagsama na siyang dahilan ng magkaroon ng dugo ang damit ko.

Napakagat labi nalang ako mas lalong hinigpitan ng humawak sa akin, naramdaman ko ang kirot doon at parang mapuputol ang buto ko sa higpit na hawak niya sa braso ko.

Dahan dahan kong nilingon si Mom na nakayuko at nanghihina rin na ang sumusuporta lang sa kanya para lumakad ay ang isang lalaking hila hila siya kagaya sa akin.

"M-mommy..." nanghihina kong tawag sa kanya, narinig niya siguro ang tawag ko kaya dahan dahan siyang lumingon sa akin at ngumiti ng malumanay.

"Tiang ko..." narinig ko ring mahina niyang tawag. Lumuha lang akong nakatingin sa kanya habang siya ay pinipilit niyang wag umiyak.

"Tandaan mo...mahal na Mahal kita at hindi ako nagsisi na ipinanganak ka at sana ay maintindihan mo ang lahat....please promise me..... Wag na wag mong ilalaglag ang Pamilya mo..... May mga dahilan sila kung bakit nila ginagawa iyon...." rinig kong sabi niya, napakunot naman ako sa kanya, Anong ibig sabihin niya?

"Kahit anong....a-anong malaman mo ay s-sana..... W-wag mong ilalaglag a-ang p-pamilya----" naputol ang sasabihin ni Mom ng biglang itinutok ni Tita Almira ang baril sa ulo ni Mom. Napahinto kami sa paglalakad dahil sa ginawa ni Tita Almira..

"Anong sinasabi mo sa kanya?! May binabalak kayo?! Hinding hindi mangyayare ang plano niyo!" Galit na sabi ni Tita Almira. Napayuko nalang si Mom at rinig ko ang hikbi niya..

"Ano na Celestial? Umiiyak ka na ba dahil mamamatay ka na? HAHAHAHAHAHA!! Totoo yun! Kung hindi si Kamatayan ang papatay sayo, pwes! Ako mismo ang papatay sayong Malandi ka!" Galit nitong sabi, kahit nanghihina ako ay kitang kita ko ang gantilyo na sana ay ipuputok iyon Kay Mommy ng may biglang nagpaputok ng baril. Nagulat si Tita Almira kaya niya nahulog ang baril pero tumawa siya ng malakas.

"HAHAHAHAHAHA!!" Parang siyang baliw na tawa ng tawa sabay palakpak pa. Nakita ko ang mga Harrelson na walang kabuhay buhay ang mga mata habang nakatutok kina Tita Almira ang mga Baril nila. Napansin ko rin sina Lolo ay nandito habang mahinahon na nakatayo sa gitna. Walang nababakasang takot sa mata ni Lolo pero isang asul na mata ang nahagip ko..... Si Blex.

Napatawa ako sa kaloob looban ko. Bakit naman ako matutuwa kung nandito sila?! Sila nga pumatay kina Daddy at Cole?!!

Magce-celebrate na ba ako?

Hindi parin tumitigil si Tita Almira sa kakatawa, napansin ko rin ang mga lalaking kasama niya ay nakatutok sa mga Harrelson at kay.......Exxus.

"Ang ganda naman ng formation niyo! Tingnan mo C-jay oh! Yung mga pumatay kina Jayano at Cole. HAHAHAHAHAHA!" Napansin ko ang pagkatulos ng mga Harrelson at ni Exxus sa kanilang kinatatayuan pero hindi parin nila binababa ang mga baril nila.

"At yun oh! Yung papa mo C-jay! Yun oh! Mafia Lord HAHAHAHAHAHA!" Baliw na Napapalakpak at tumatalon si Tita Almira habang si Mr. Catler ay natulos parin hanggang ngayon.

"At yung boyfriend mo? HAHAHAHAHAHA! Ang pumatay kay Cole HAHAHAHAHAHA!" Parang binuhusan ng malamig na tubig si Exxus sa kanyang kinatatayuan. Napayuko nalang at napapikit dahil nararamdaman ko na naman ang pagwarak ng puso ko sa pag-uulit ni Tita Almira sa akin tungkol sa kanya.

HINDI AKO UNLIMITED!!

Gusto ko silang sigawan lalo na si Tita Almira na inuulit ang sinabi niya sa akin kanina sa lumang kwarto ng lumang factory.

Lumandas ang luha ko sa pisngi dahil sa sakit na nararamdaman ko habang pinaulit ulit ni Tita Almira ang sinasabi niya at baliw na tumatawa.

"Ang ganda pa naman ng formation pero nasira dahil nalaman na ang lahat ni C-jay ang mga sikreto niyo! HAHAHAHAHAHA!" Hindi matigil ang pagkahalakhak ni Tita Almira. Nahagip ko si Exxus na nakatingin sa akin at parang nangungusap kung makatingin, umiwas lang ako ng tingin sa kanya. Galit ako sa kanila! Kahit sabihin man ni Mom na may dahilan sila.... Ayaw ko muna silang makasama pagkatapos nito..

Napahinto sa kakatawa si Tita Almira saka bigla niya akong hinablot at pinalupot ang braso niya sa leeg ko habang ang baril niya ay nakatutok sa ulo ko. Pumikit ako dahil sa kaba, kaba na baka ay iputok nalang ni Tita Almira ang Baril basta basta.

Hindi parin tumigil sa lakas ng pagtibok ng puso ko sa kaba. Para akong mahihimatay pero kinakaya ko para makaligtas lang dito. Ayoko ng ganito! Gusto ko ang tahimik na buhay hindi ang ganitong buhay!

Na may mga sikreto at worst! Mga mamatay tao pa!

Nagulat ako ng may narinig akong malakas na putok ng baril. Nanigas ako sa aking kinauupuan ng makita kong binaril agad ng Apat na putok ng baril ni Tita Almira kay...Mommy..

Pagkatapos pinutok ni Tita Almira ng apat na beses Kay Mommy ay bigla nalang nagpakawala ng malalakas at sunodsunod na putok ng baril dito na siyang dahilan ng pagbitaw ni Tita Almira sa akin.

Humina ang tunog sa paligid. Parang wala akong naririnig na kahit ano sa paligid, mas lalo akong nanghina ng makita ko ang nakahandusay na katawan na nababalot ng madaming dugo si Mommy. Nagkalat ang dugo niya sa sahig na siyang dahilan ng paninigas ng katawan ko.

A-anong nangyare?

BINARIL SI MOM!

"M-mom..." paos kong tawag sa kanya, pero hindi ito lumingon. Kahit nanghihina ay lumapit ako dito habang gumagapang. Hindi matigil ang pag-luha ko, anumang oras man ay parang may gustong lumabas sa loob ko.

Pagkalapit ko kay Mom ay bigla ko siyang niyakap habang ang mukha ko ay hindi makapaniwala.

Niyayakap ko ang puno ng dugo ang katawan ni Mom, nakahandusay habang walang buhay ang katawan.

"M-mom..." tawag ko ulit dito pero hindi siya kumikibo. Hinila ko si Mom paharap sa akin at nakita ko ang ulo niyang may dugo at nababalot rin ang mukha nito. Nakapikit siya parang mahimbing na natutulog.

"M-mom..." Marahas kong hinaplos ang kanyang pisngi at tinapik iyon pero hindi siya tumugon. Tinapik ko pa lalo ang kanyang pisngi para mabakasakaling gumising siya pero hindi!!

"Mom... Mom..... MOM!" Niyugyog ko siya habang walang humpay na umaagos ang aking luha.

"Mom... Mom wag mo akong iwan Mom! Mom!! Wag mo akong Iwan!! Mom mahal na Mahal kita Mom! Wag mo akong iwan! Mom! S-sabi mo h-hindi mo ako iiwan. P-promise mo hindi mo ako iiwan! W-wag please!" Paos kong sabi. Nanginginig ang labi ko at walang humpay ang pag-iyak ko kay Mom. Niyakap ko siya ng mahigpit habang umiiyak at hindi parin ako tumitigil na niyuyugyog siya

"M-mom.... W-wag mo akong iwan m-mom! W-wag!..." Pagkatapos kong sabihin yan ay biglang may nagpaputok ng baril hanggang sa nalamayan kong may kung anong mainit na tumagos sa tiyan ko at napagtanto kong sa akin tumama ang bala na siyang dahilan ng pagkawala ko ng nawalan ng malay...

Pero bago ako lamunim ng dilim ay isang salita ang nagpawarak ng puso ko.....

"I'm sorry C-jay...."



====================================

To be continue...

Harrelson Series 1: Princess Of Harrelson (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon