Kabanata 24

1.4K 47 0
                                    

KABANATA 24




Pagkarating namin dito sa building ng Condominium na pagmamay-ari ni Blex---ohaa! Taray!!

Sumusunod lang ako sa kaniya--hindi ko naman kasi alam ang Condo unit niya 'no!---hanggang dito sa elevator.

May mga ilang taong napapatingin sa akin kaya napapayuko nalang ako, kasi naman nakakailang. Halos lahat ng tao dito ay nakatingin sa amin, paaano ka ba naman maiilang 'di ba?

At ang mga tingin pa nila, hindi makapaniwala! Siguro May sinasabi na sila sa utak nila, siguro ayaw nilang iparinig dito kay Blex kasi nga siya ang nagmamay-ari ng Building ng Condominium na ito

I mean sa pamilya niya.

I sighed.

Pagkarating namin sa floor kung saan ang Condo unit ni Blex ay lumabas na kami saka tumungong Condo Unit niya. Tahimik lang kaming naglalakad, ni wala isang nagsasalita dahil ano ba naman kase ang pag-uusapan namin?

Awkward.

Pagdating namin sa harap ng condo unit niya ay may isang de-touch screen na may naka-draw doon na yung thumbnail niya.

Yung fingerprint!

Inilapat niya doon ang hinlalaki niya saka bumukas ang pintuan ng Condo niya.

Taray!

Pumasok na kami nang madatnan namin ang condo niyang napakalinis, makintab ang sahig. Parang mahihiya ka sa sarili mo, mas malinis yung sahig kesa ikaw.

Tsk.

Kulay puti at itim ang theme ng Condo niya, may mahabang mga sofa sa magkabilang gilid. May dalawang sofa na nakaharap. May malaking flatscreen TV. Pagpasok mo palang may kusina at may lamesa at may apat na bangkuan. Basta magandaa!

"Blex, Sino ang naglilinis ng kwarto mo----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makita ko siyang naka-topless na.

Nanlaki ang mata ko sa nakikita ko ngayon. Makisig ang katawan, 8 packs abs siya----C-jay!! 'Wag kang malantod!

Tumalikod ako bigla habang nag-iinit ang mukha ko. Pinaypayan ko ang sarili ko na gamit ang isa kong kamay habang nakamewang naman ang isa kong kamay dahil nakakaramadam kong mainit.

Bakit mainit?!!

Pasimple akong napabuga ako ng hininga para mawala ang init dito sa Condo. Pero bakit naging mainit dito? Pasgpasok lang namin malamig na?

Ang weird ko na!

"M-magdamit ka nga! M-may bisita kang kasama!!" Nauutal kong sabi.

"Why?" saad nito na parang walang pakialam.

Tangeneng!

"B-basta! Magdamit ka! H-hindi lang ikaw ang tao r-rito n-ngayon!" Sinubukan ko pang wag mautal pero hindi ko kinaya, sigurado akong pulang-pula na ako ngayon!

Naramdaman kong yumakap siya sa akin mula sa likuran. Nanlaki ang mata ko ng makulong na ako sa bisig nito, amoy at ramdam ko ang mabangong hininga niya na lumalapat sa leeg ko. Napakagat labi nalang ako ng isiksik pa niya ang sarili niya saakin na siyang nararamdaman kong mas uminit pa ang kapaligiran.

Nangyayare sakin?

"P-pagbilang ko ng tatlo Blex, s-sinasabi ko sa 'yo. Lumayo ka sa akin kung ayaw mong matadyakan ko ang kinabukasan mo"

"Hmmm..." hindi parin siya umaalis, nararamdaman ko nalang inaamoy niya ang leeg ko--teka! Vampire ba siya?!

"A-anong ginagawa mo?" Bakit hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, mas lalong lumalakas ang tibok ng puso ko at mas lalong uminit ang pisngi ko...

Harrelson Series 1: Princess Of Harrelson (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon