Kabanata 40

1.1K 40 1
                                    

KABANATA 40

"Dito ka muna daw sa condo ko sabi ni Tita Celestial, may tiwala naman daw siya sa akin.." sabi ni Blex habang inaayos niya ang mga nagkalat niyang gamit sa sala ng Condo niya. Napatango ako sa sinabi nito.

"Ilang araw ako dito?" Tanong ko

"Mga 5 days? I don't know. Basta itetext nalang nila ako kapag ihahatid na kita sa bahay niyo" sagot nito.

"I-ibig sabihin--"

"Why? What is in your mind?.." husky nitong tanong, napaiwas nalang ako ng tingin ng makita kong naka-topless na siya.

"A-ano ba! M-magdamit ka nga! Y-yan ka na naman---"

"Don't worry my love, this is all yours.."

"T-tse! Tumahimik ka nga!" Alam kong namumula na ako ngayon dahil sa kakailang.

Naramdaman kong lumapit siya sa akin saka hinawakan ang baba ko at inilingon niya ako sa kanya. Nakita ko ang bluish niyang mata na nakakahipnotismo agad. Ang lapit niya sa akin, ilang dangkal nalang ay mahahalikan na niya ako. Papalapit na ng papalapit ang mukha niya sa akin kaya napapikit nalang ako ng......

Napamulat agad ako ng marinig ko ang lakas ng tawa niya. Sinamaan ko siya ng tingin saka inirapan.

Nag-iinit ang mukha ko dahil sa kahihiyan at dahil,

Assumerang palaka na naman ako!
Salubong ang kilay kong nakatingin sa kanya na siyang nagpahinto sa tawa niya. Pigil man ang tawa niya ay niyakap niya ako at nilalambing ako.

"Sorry na my love, gusto mo---"

"Masapak kita?" Dugtong ko dito, kumalas siya sa pagkakayakap habang ang braso niya ay nakapalibot sa aking bewang. Nakabusangot siyang tiningnan ako.
Pinagdikit niya ang noo namin saka siya pumikit. Napakunot naman ang noo ko sa ginagawa niya.

"What if... I have a secret on you? Can you forgive me?" Tanong nito. Nagtataka naman ako sa kanya, iminulat niya ang mata niya saka nakatingin lang sa mata ko.

"Bakit? May sikreto ka ba?" Balik kong tanong dito. Ngumiti lang siya saka umiling, dumukwang siya ng halik sa akin na siyang dahilan ng paglaki ng mata ko.

"M-magnanakaw ka ng---" pinutol niya ang sasabihin ko ng bigla niya ulit akong hinalikan. Napapikit nalang ako sa halik nito na puno ng pagmamahal. Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkalupot ng braso niya sa bewang ko kaya mas napalapit ako sa kanya. Ang dalawang kamay ko naman ay nasa dibdib nito. Nagsimula ng gumalaw ang labi namin habang hindi tinatanggal ang mga kamay namin sa kung saan ito nakapwesto.

Kumalas na kami sa paghahalikan habang hinihingal pa kaming nagkatinginan sa isa't-isa. Napangiti ako sa kanya ng makita ko ang ngisi sa labi nito.

"Expert huh?" Pang-aasar nito sa akin. Pabiro kong pinalo ang dibdib nito at umalis sa bisig niya.

"Manahimik ka!" Natatawang sabi ko sa kanya. Kita ko sa gilid ng mata ko ang pag-iling niya habang nakangiti at nagsimula na kaming maglinis sa condo niya

"Bakit hindi pa nililinis ang Condo mo?" Tanong ko dito.

"Wala kasi ang housekeeper na naka-aasign dito. Today is Sunday, nag-day off muna siya." Sagot nito habang kinukuha ang mga damit niyang nagkalat sa sofa.

Harrelson Series 1: Princess Of Harrelson (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon