Kabanata 33

1.3K 48 0
                                    

KABANATA 33

Minamasdan ko ang papalubog na araw habang nakaupo ako sa puting buhangin ng dagat. Malakas ang hangin na bumabalatay sa aking balat at siyang dahilan ng pagkalipad ng buhok ko. Malakas ang alon sa dagat. Tahimik ang paligid hindi katulad sa Syudad na sobrang ingay.

Napabuntong hininga ako dahil naalala ko na naman ang masasayang ala-ala namin ni Dad kapag tuwing maga-outing kami. ‘Yong masayang kaming lumalangoy sa medyo ilalim ng dagat. Tinuruan pa ako ni dad noon dahil hindi ako marunong.

Napangiti ako ng matabang na maalala ko ang paghagis sa akin ni Dad sa tubig na dahilan ng pag-iyak ko noon at kaya siya natulog sa sahig, kami ni mom sa kama.

Nagmamaktol pa noon si Dad dahil bakit daw siya sa sahig? Pwede naman daw na harangin nalang daw ng unan. Pero ako ang masusunod noon dahil ako ang inapi ni dad kaya ang ending wala siyang magawa kundi sa sahig matulog. Mahina kaming patawa-tawa ni mom dahil kahit pagtulog ay may binubulong siya ng kahit ano.

Alam mo dad, miss na kita! Wag kang mag-alala, makukuha ko rin ang hustisya ng pagkamatay mo! Kahit hindi ko alam ang dahilan....

Naramdaman kong may nalaglag na isang butil na luha sa aking mata, pinunasan ko ito gamit ng isang hintuturo. Wala akong alam sa lahat. Sa pagkamatay ni Dad at sa pagkamatay ni Cole. Malaking palaisipan sa akin kung bakit biglaan. Biglaan silang napatay. At mabrutal pa Ang pagpatay sa kanila.

Gusto kong makuha ang hustisya na kinakamit ko matagal na. Pero kapag umabot na ng 20 years na pag-iimbestiga laban sa pagkamatay nilang dalawa ay mababasura na ito sa korte kaya kahit wala pa akong lead kung bakit sila namatay ay gagawa at gagawa ako ng paraan para makuha ko ito.

Kahit sinasabi na sakin ni Mom na tigilan ko ito..

Napakagat labi ako ng may naramdaman akong isang tao sa likod ko. Lumingon ako doon at nakit ko ang isang lalaking may kausap at nakatingin sa ibang direksyon. Tumayo na ako dahil iba ang pakiramdam ko at kinakabahan ako.

Nagsimula na akong humakbang nang humakbang din siya pero hindi niya parin na aalis ang cellphone sa kanyang tenga at nakatingin parin sa ibang direksyon. Papalapit ng papalapit ako sa kaniya na siyang dahilan ng pagkabog ng puso ko sa kaba.

Nang magkalapit na kami ay may kinuha siya sa kanyang likod. Nang magkatalikod kami ay bigla niya itong tinutok sa ulo ko at nararandaman ko ang bunganga ng baril.
Namilog ang aking mata dahil dito. Hinawi ko iyon sa ulo ko at bigla kong sinipa ang mukha niya na dahilan ng pagkabagsak niya saglit sa lupa. Tumayo siya agad at itatapat sana ulit sa akin ang baril nito ng sipain ko ang kamay niyang may baril na dahilan ng pagkalipad ng baril sa di kalayuan sa amin. Lumingon sa akin ang lalaki na nanlalaki ang mga mata, naka-bonet na itim siya kaya hindi ko makita ang mukha nito.

Nang aambang susuntukin niya ako ay umiwas agad ako kaya hindi ako natamaan nito. Sinuntok ko siya sa tagiliran kaya napalayo siya ng kaunti sa akin, lumapit ako sa kanya, itinaas ko ang tuhod ko sabay tama sa tiyan niya, medyo malakas iyon kaya napaubo siya.

Hindi ko napansin ang isa niyang kamay na pagsuntok sa aking tiyan kaya ako naman ang napalayo. Hingal na hingal akong tumingin sa kanya. Lumapit siya sa akin na aambang susuntukin ulit ako ng bigla kong sinipa ang dibdib nito. Lumapit ulit ako saka tumalon at sinipa ang mukha niya na dahilan ng pagkahiga nito sa lupa.

Nanlaki ang mata ko ng makuha niya ang baril na itatapat sa akin pero mabilis kong nahawakan ang dalawa niyang kamay na may hawak na baril. Pinipigilan kong wag itapat ito sa akin pero pinipilit niyang itapat iyon sa akin.

Nagulat nalang ako ng mag-iba ang pwesto namin, siya ang nasa ibabaw habang hawak parin ang baril na nakatapat sa akin habang ako ay nakahiga sa puting buhangin at pilit na ipupunta ng direksyon ang bunganga ng baril. Nanghihina na ako, baka anong oras ay maitapat ito sa mukha ko at mabaril niya ako kaya pinapalakas ko ang loob ko at patuloy parin ang pagpigil kong wag itapat sa akin ang baril nito.

Harrelson Series 1: Princess Of Harrelson (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon