Kabanata 21

1.6K 62 0
                                    

KABANATA 21

"Dear Princess of Harrelson,

Don't worry honey, because your Nightmare and Death are always in your back!....

For you Honey,
Your Devil.."


Alam niyo ‘yong pakiramdam na habang paulit-ulit na tumatatak sa utak mo itong sulat na binigay sayo o yung iniwan sa locker mo..

Nakakatindig balahibo!

Sino ba itong Your Devil na ito?, ano bang kailangan niya sa akin?

Napabuntong hininga nalang ako sa kakaisip doon, kung ano man ang kailangan nito, dapat maging maingat ako. Ayokong ipaalam ito sa mga ungas kasi baka mali lang silang pinaglagyan o kaya prank nila ito dahil marami naring naiinis sa akin sa University.

Kung sila nga? ‘Di ba nga sabi mo naiinis na sila sa iyo at baka nga may galit na sa iyo..
Napahinto ako sa kakaikot dito sa kwarto ko habang kagat-kagat ko ang aking kuko.

Mala-detective ang peg!

Tama naman yung bulate ko sa ulo--kahit papaano ay nakakatulong din---kung totoo nga? Baka mayroong naglagay doon sa locker ko na isa sa mag-aaral sa University. Hala!

Nagugutom na ako!

Napasabunot nalang ako ng ulo dahil sa frustration, paano naman kase, sa dami-dami kong iniisip, ‘di pa ako nakakain ng umagahan!

Tanghalian na kaya!

Pero bakit ‘di ako tinawag ng mga ungas para kumain na? Napailing nalang ako.

Napahawak ako sa tiyan dahil kanina pa ako nagugutom at kanina pa ito tumutunog

Yung totoo buwaya sa tiyan?
Wala akong choice kun’di bumaba at tumungo papuntang Dining Hall.

Naabutan ko ang mga ungas na seryosong nagtinginan ang lahat, pati rin si Kuya Double M.

Nakakatok pala sila lalo na kapag seryoso!
Tumikhim ako dito na dahilan ng pagkuha ko ang atensyon nila na hanggang ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.
Problema ng mga ito?

"C-jay...." Malamig na tono ang ginawad sa akin ni Kuya KKK, bakit?

"B-bakit?" Nauutal kong tanong dito.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin na may nagbigay sa iyo ng Death Threats?" Nabigla ako sa sinabi ni Kuya Kulay The Second, seryoso ang mga ito, walang nakakalokong ngisi sa mga labi nila, as in seryoso sila!

"’E, kailangan pa ba ‘yon?" Nabigla ako ng hampasin ni Kuya KKK ang lamesa, galit niya akong tiningnan kaya napaatras ako ng tatlong hakbang saka napayuko.

"Di mo alam ang nangyayare kaya dapat ay sabihin mo sa amin at--"

"At ano? Pagbawalan niyo ulit ako? Pagbawalan niyo na naman akong gawin ang gusto ko? Hala sige! Ilang buwan akong nagtiis sa inyo, sa katunayan nga mukha akong batang walang kamuwang-muwang sa mundo! Ni pagkukot ko ng kuko ko dapat malaman niyo! Aba matindi!" Naririndi na ako! Palagi nalang ako pinagbabawalan, bakit? Hindi ba nila ako kayang protektahan kapag malayo ako sa kanila?

Harrelson Series 1: Princess Of Harrelson (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon