Kabanata 15

1.6K 56 0
                                    

KABANATA 15



Kinabukusan..

Nandito ulit kami sa van na ito, tahimik, walang nagsasalita. Iba may naka-headset ang iba naman may natutulog---kulang yata sa tulog ang mga ito---pati syempre yung driver..

At syempre naniwala naman kayo sa kalokohanang sinasabi ko?

Tama ako diba?

Ok, walang sumagot. Nandito lang naman ako ulit sa pinuwestuhan ko kagahapon.

Ang galing!

Nababagot na ako dito, ano bang pwedeng gawin? Wala naman kasi akong load kaya hindi rin ako makakanood ng mga kulitan ng BTS.

May naisip ako!

Napangisi ako saka lumingon kay Kuya Double M--siya lang naman kasi ang close ko sa iba niyang kapatid---na naglalaro ulit ng ML, naka-earphone pero isa lang ang nakasaksak sa tenga.

Nakasaksak talaga?

Kinalabit ko siya na siyang dahilan ng paglingon niya habang nagtatanong na mukha ang binungad niya sa akin.

"May load ka?" Tanong ko dito, inalis niya ang isang earphone niya na nakasalpak sa isang tenga, tumango naman siya sa sagot ko. Ramdam ko ang tingin ng iba na nandito sa amin--baka sa akin?

"Bakit?" Tanong ni Kuya Double M na nakataas pa ang kilay.

Kabog kayo ‘Te!

"Pahiram" sagot sa kanya, pansin ko naman ang iba, nakataas na ang kilay ang iba yung iba naman ay nakakunot at kasama doon si Kuya Double M.

"Ano naman ang gagawin mo sa Cellphone niya" rinig kong tanong ni Kuya Kulay the First, napairap nalang ako sa kanila dahil kailangang talaga nilang malaman?, kailangan talaga?!

"'E 'di gagamitin! Ano pa bang gagawin sa cellphone?" Napabuntong hininga sila sa sinagot ko.

"Ano nga ang gagawin mo sa cellphone ko? May ite-text ka ba? May Boyfriend ka na ba?" Napahinto ako sa huling tanong ni Kuya Double M. M-may boyfriend?

Sinamaan ko siya ng paningin saka inirapan at hindi na kumibo pa. Hindi ko nga namalayan na nakatulala na ako sa bintana habang ang mga ungas na ‘to ay kinukulit ako kung ano ba talaga ang gagawin ko sa cellphone ni Kuya Double M.

Humalukipkip ako at sumiksik sa gilid habang tinatanaw ang mga nagtataasang gusali. Hanggang sa maalala ko na naman siya…

"Happy 2nd anniversary Babe!" Masayang bati sa akin ni Cole, ngumiti ako sa kanya at tinangggap ang isang pirasong gumamela na sigurado akong napitas lang niya sa daan.

Nandito kami ngayon sa park, nagde-date para i-celebrate ang 2nd anniversary namin ni Cole.

Kasalukuyan kaming bumibili ng fishball sa gilid ng mga kalye habang ako ay kuha lang ng kuha.

"Hinay-hinay di ka mauubusan" natatawang sabi ni Cole, sinamaan ko naman siya ng tingin dahil tumawa ito.

"Bakit kasi? Atsaka sayang yung libre" napatawa kaming dalawa dahil sa sinabi ko.

"Halika ka na, maglilibot tayo kung saan mo gusto" nakangiti nitong tanong, nag-isip ako kung saan ba ang perfect place--i mean simple place sa amin.
Si Cole ay mayaman, at ako ay katamtaman lang kaya malaki ang agwat ng estado namin, pero ni minsan ‘di siya maarte kung saan o kung ano ang gusto ko. Pangmahirap na gawain. Pangmahirap na pagkain, hindi siya maarte. Kilala siya ng iba dahil heart throb sa skwelahan nila, dakilang gwapo pa naman kasi..

Nandito kami ngayon sa Quiapo dahil dito ang napili kong lugar dahil hindi na ako nakakapgsimba linggo-linggo. Nang may lumapit sa amin na isang matandang babae.

"Lola, ano pong ginagawa niyo po dito? Dapat po ay nagpapahinga na po kayo sa ganyang edad niyo--" napabitiw siya sa akin na para bang natatakot sa amin. Taka naman namin siyang tingnan.

"May mawawala, may darating, may magbabago, mag-ingat sa mga mangyayare" mukha siyang natatakot habang nakatingin sa amin.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Kinakabahan kong tanong

Hinawakan niya ang kamay ko, "May naghahanap sa nawawala, magtatagpo ng sinasadya, pero may darating na hindi sinasadya....mauna na ako iha, nawa’y patnubayan ka....at.......Sumaya ka sa magiging pasya mo" taka ko naman siyang tiningnan, parang di niya nakikita na may kasama ko dahil nasa akin ang buong atensyon niya. Anong May mawawala? Anong may darating? Naguguluhan na ako!

Tumikhim Si Cole dahil hindi siya pinapansin ni Lola, "Lola, wag niyo pong takutin--" tinuro siya ng matanda, takot na takot parin siya

"Ikaw!.. Ikaw ang magbibigay daan para magtagpo ang dalawang nagmamahalan....ikaw ang dahilan kung bakit magiging malungkot ang kasama mo..." ha?

Kinuha ni Cole ang kamay ko at hinila papalayo sa matanda na di ko alam kung totoo ba ang sinasabi nito pero nararamdaman ko ngayon...

Kinakabahan ako...

"C-cole Anong sinasabi ng matanda?" Tanong ko dito na para huminto siya sa paghila sa akin. Pumihit siya paharap sa akin at seryosong nakatingin sa akin

"C-jay..—"

Nanlamig ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang sunod-sunod na putok ng baril at hindi ko namalayan dahil sa gulat ay nakita kong humandusay si Cole sa sahig habang naliligo sa sarili niyang dugo.

A-anong?...

"C-cole.." kanina nakaharap pa siya sa akin! Panaginip lang ito! Hindi ito totoo!
Napaupo ako sa sahig dahil nanghihina na ang tuhod ko sa nakikita ko habang nasa gitna ng nagtatakbuhang tao dito dahil sa takot na baka sila ang matamaaan ng ligaw na bala....b-bakit?

Wala siyang kasalanan! Bakit siya binaril ng riding in tandem?!

Lumapit ako sa kanya habang wala ng buhay ang katawan niya na siyang dahilan ng unti-unting pagwasak ng aking puso

I-ito ba ang sinasabi ng matanda?..........

Na May mawawala?.....

====================================

To be continue...

Harrelson Series 1: Princess Of Harrelson (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon