Kabanata 25

1.5K 52 0
                                    

KABANATA 25

Tahimik kaming kumakain ni Blex sa hapagkain. Tahimik ang paligid, puro kuliglig ang maririnig mo sa labas dahil ang condominium niya ay nasa likod kaya hindi mo maririnig ang ingay ng mga sasakyan sa harap ng building.

Susubo sana ako nang makita ko siyang nakatingin sa akin ng mariin. Nang magtama ang aming mata ay bigla nalang ako napaiwas ng tingin.

Kasi naiilang ako.

Patuloy lang ako sa pagsubo ng kanin na ulam ay Kaldereta habang ang nasa tapat ko ay hindi inaalis ang tingin sa akin.
Seryoso niya akong tiningnan kaya nakakatakot ako na tingnan siya ng matagal. Tumikhim ako saka tumayo dahil tapos naman din akong kumain.

Hindi nga ako naparami ng kain.
Paano ka ba namang makakakain ng marami kung ‘yong kasama mo ay nakatingin sayo ng mariin.

Nakakailang kaya ‘yon.

Inilagay ko na ang plato ko sa lababo na sana ay huhugasan ko nang tawagin ako ni Blex

"Celestia..."

Napalingon ako habang nakakunot ang noo ko sa kanya.

Bakit niya ako tinawag sa first name ko? Pero in fairness maganda pakinggan ang first name ko sa kaniya----I mean wala.

"B-bakit?" Kanina pa ako nauutal sa harapan niya. Kanina parin mabilis ang tibok ng puso ko na para ba akong kinakabahan.

Kapre ba siya?

Tumayo siya sa pagkakaupo habang dala ang platong ginamit niya--na ubos na ang laman---saka niya inilagay ang plato sa lababo.

Agad akong napatikhim ng maramdaman ko ang braso niyang tumama sa braso ko na siyang dahilan ng kung anong kuryente ang dumaloy sa aking kalamnam.

Mas nagwawala na ang puso ko!

Mas lumapit pa siya sa akin na siyang dahilan nang pagkadasog ko ng kaunti para bigyan ng distansya ang isa’t-isa. Napalunok nalang ako ng laway dahil mas bumilis pa ang tibok na puso ko, para bang nagkakarera sa bilis.

"B-blex?"

"Hmmm..”

Lumingon siya sa akin ng seryoso na kadahilanang tumaas ang mga balahibo ko.

Ngumisi lang siya saka lumapit ulit, dahil sa inis ko at hindi na kaya ang pagwawala ng puso ko ay naglakad na ako paalis sa pwesto ko para pumunta ng terrace ng Condo niya.

Kinuha ko ang earphone at cellphone ko sa bag ko na nakalagay sa isang bangkuan na nandito.

Sinuot ko ang earphone na nakasaksak sa cellphone ko saka ko ito pinatugtog.
Nakatulala ako sa langit na may maraming mga bituin, napangiti nalang ako dahil masigla ang langit.

Naramdaman kong may tumabi sa akin kaya napalingon ako doon. Si Blex!
Nakapatong ang dalawa niyang braso sa railing ng terrace habang nakatingin sa malayo. Habang ako ay nakapatong lang ang dalawa kong kamay sa railing at pinagmamasdan siya.

Hindi maalis ang mata ko sa buong mukha niya, para bang magnet ‘yong mata kong nakatingin sa kaniya.

Mala-adonis ang mukha, matangos ang ilong, kissable lips, saka parang koreano ang mata niya.

Harrelson Series 1: Princess Of Harrelson (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon