Kabanata 43

1K 35 4
                                    

KABANATA 43


"Tiang ko.." tawag sa akin ni Mom pagkalabas ni Tita Almira. Hindi ko siya pinansin dahil sa nalaman ko. Akalain mo yun? Alam niya pero ni hindi niya isinumbong sa pulis o kaya ipaalam sa akin.

Porket mahal lang niya si Papa---o Mr. Catler?

At Isa pa, ni hindi rin sa akin sinabi ni Mom na hindi ako isang Ylvadres kundi isang Harrelson?!

Yun na! Matutuwa na ako pero isang drug dealer sila and worst, kabilang pa si Papa sa Mafia? At Isa pa siyang Lord!

Holy Lord! Jesus Christ!

Ni hindi man lang napasok ni Mom sa isip niya ang salitang mafia?!

Tangna! Kahit bobo ako sa lahat ng subject pero alam ko ang salitang mafia!

Ginawa nila akong tanga habang sila? Nagsasaya sa pagtatago ng mga lihim nila?! Alam ba nila na Harrelson ako?! Kung oo, bakit hindi man nilang kayang sabihin sa akin?! For pete sake?!

Halos mabaliw ako sa kakahanap ng hustisya sa pagkamatay nina Cole at Daddy, yun pala nasa paligid lang?!

At worst, sa iba ko pa nalaman!

Nakakatawa lang, yung nagtatago ka ng sekreto pero mabubunyag at mabubunyag padin iyon kahit sa ayaw at gusto mo!

May magsasabi at may magsasabi rin!
Kahit kaaway nila, kaaway ko, kaaway ni mom. Mga kamag-anak, mga kaibigan o kahit sinong kilala sila. Kahit pinaalam na sa kanila na wag ipagkalat at sabihin sa akin pero malalaman at malalaman ko parin!

Ano ito?! Parusa?!

Pvnyeta! Mafia lord, means isang namumuno sa Drug Dealer! Meron ding sa sindikato o kahit anong mga illegal na gawain!

In short masasamang tao sila!
Paano nalulunok ni Mom ang mga katauhan nila?! Paano ko nakayanan sila mag-stay sa kanila gayundin ay sila ang salarin ng mga ito! Ingat na ingat sila sa akin. Kahit isang galos ko lang ay mag-alala na sila.

Kahit sa pagpunta ko lang sa sulok ay dapat malalaman nila. At Sabi pa nila ayaw nila akong saktan?!

Depvta! Sila nga ang nananakit sa akin!
Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa mga naalam ko mula kay Tita Almira. Nasangkot pa dito si Blex?!

Hindi naman masaklap! Na-enjoy nga nila! Siguro masaya iyon!

Hanap ako ng hanap ng hustisya para kay Cole at yun rin pala nasa tabihan ko lang. Yung nanligaw sa akin?! Yung Crush ko?! Yung clingy boyfriend?!

Depungal! Nasaan ang patawad?!

Hindi parin matigil ang pag-agos ng aking luha, masakit! Masakit isipin na sa likod ng pagkamatay ng mahal mo sa buhay ay yung inakala mong mababait at napamahal na sayo! Hindi ako makahinga dahil sa hindi pagtigil ng hagulgol ko hanggang ngayon, simula ng nalaman ko kanina ang lahat ay hindi na ako tumigil sa kakaiyak.

Tangna! ‘E di mabuti pang ako na ang namatay! Pinaglaruan ba ako ng tadhana?! Ito ba ang parusa ng pagiging basag-ulo ko?! Gusto kong masagot ang lahat ng tanong ko! Gusto ko pang malaman ang lahat! Bakit nila ginawa iyon sa kanila!? Kina Cole at Daddy..

"Tiang ko..." tawag ulit ni Mom sa akin. Lumingon ako sa kanya habang ang mga mata ko ay walang buhay kung tumingin sa kanya. Kita ko ang pamumula ng mata nito at ang ilong nito na tiyak ay kakagaling lang sa iyak.

"Bakit? Bakit kayo nagsikreto sa akin? Diba sabi niyo walang tinatagong sikreto?" Malamig akong natawa dahil sa nabanggit ko..

"Tiang ko... Let me explain.." pakikiusap nito.

Harrelson Series 1: Princess Of Harrelson (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon