Kabanata 39

1.2K 46 2
                                    

KABANATA 39


C-JAY YLVADRES


Pagkatapos akong tingnan ng doctor ay pinapakain ako ngayon ni Blex. Nagpahinga muna sina Mom dahil wala daw silang pahinga kanina pa at.....

Miryenda time na!

Ni hindi pa nga ako nag-uumagahan at tanghalian!

Nang susubuan ulit ako ni Blex ng lugaw ay pinahinto ko siya gamit ang kamay kong itinapat sa kanya.

"Wag mo akong subuan! Hindi na ako bata para subuan." Sabi ko dito.

"Tsk. Don't be hardheaded young woman! Nabaril ka na nga magmamaktol ka pa!" Masungit nitong sabi. Napabusangot nalang ako sa kanya

"Kung ako nalang kaya ang magsubo sa akin? Hindi naman ako na-injury! At kanina ka pa simula nung magising ako--"

"Let me be. Isipin mo nalang kaya ko ginagawa ito ay nililigawan kita.." sumikdo ang puso ko sa sinabi niya sa akin.

"S-sige." Nauutal kong sagot. Ilang araw na siyang nanliligaw pero ni minsan ay hindi siya nawalan ng oras sa akin. Gagawin niya ang lahat para lang masagot ko siya.

"Blex." Tawag pansin ko dito na dahilan ng paglingon nito.

"Why?"

"Ahmm, kung sagutin ba kita.....hindi ka na m-mambababae?" Napatawa siya ng mahina sa tanong ko. Namula ang pisngi ko dahil bakit ko pa iyon tinanong sa kanya!

"Yes. Naging loyal na ako simula ng makumpirma ko ang nararamdaman ko sayo... Kung nagdududa ka.... Hindi kita masisi dahil nakilala mo ako--or should I say, nakikita mo akong nambababae bawat oras. Malalaman mo nalang sa iba na nakipag-break agad ako kahit dalawang oras lang naging kami ng babae ko.... But trust me.. Kahit hindi ako sigurado na.... Pagkakatiwalaan mo ako.." sabi nito. Palihim akong napakagat labi ng makita ko siyang napayuko.

Kapag wala siya ay namimiss ko siya..

Kapag isang text lang niya o pagbati ay sasaya na ang puso ko....

Kahit hindi ka-corny ang banat niya ay kinikilig ako ng sobra..

Kahit Ilang araw lang siya nanligaw ay nahulog na ako...

Oo, mababaw lang pero masisi niyo ba ako?

Crush ko siya simula ng makita ko siya..

At ng malapitan na niya ako, tuluyan na akong nahulog

Buong gabi akong nagdisisyon, ni hindi ako makatulog doon. Gusto ko kaseng manigurado muna dahil baka kakalabasan lang nun ay ginamit ko siyang panakip butas pero ngayon.... sigurado na ako..

"Yes" sinasagot na kita..

Kita ko sa gilid ng mata ko ang pagtaas nito ng ulo sa sinabi ko at pagkunot ng noo nito.

"W-what?" Tanong nito

"Y-yes..... Sinasagot na kita..." Kita ko siyang napalaglag ang panga niya at hindi makapaniwalang makatingin sa akin.

Harrelson Series 1: Princess Of Harrelson (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon