Pagmulat ng mga mata ko'y tulog na ang lahat. Nakahilig ang mga ulo nila sa mga balikat ng katabi nila. Ang sarap talaga matulog pag nasa byahe ka, lalo na kapag may malambot na unan--teka! Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtantong wala naman akong dalang unan. Napatingin ako sa katabi ko. Shet nakahilig ako kay Harrison! Agad kong kinapa ang bibig ko't napahinga ng maluwag dahil wala namang tumulong laway.

Muli akong napatingin sa katabi ko. Mukhang nahihirapan siya sa pwesto niya dahil walang masandalan ang ulo niya. Kung minsan ay biglang napapayuko ang ulo niya at iaangat niya ito ulit. Ngayon ko lang siya nakitang tulog sa malapitan at kung hindi ko lang siya kilala, masasabi kong isa siyang napakabuting tao dahil sa mala anghel na mukha nito-- teka! May nasabi ba akong anghel? Eww, natatakot na'ko sa sarili ko.

Nagulat ako ng bigla siyang magmulat ng mata at mapatingin diretso sa akin. Ngunit mas nagulat ako sa sunod na nangyari dahil biglang huminto ang sinasakyan namin. Dahil wala akong mahawakang suporta at dahil na rin sa impact ay mas napalapit ang mukha ko sa kanya. Mabilis namang umalalay ang kanyang mga braso sa akin upang hindi ako tuluyang mahulog.

Isa

Dalawa

Tatlo

Apat

Lima

Lima, limang segundo kaming nagtitigan. Ilang beses akong napalunok hanggang siya na mismo ang kusang bumitaw at umiwas ng paningin.

"Pasensya na mga hijo, hija. Ayos lang ba kayo jan?" Sigaw ni manong driver sa harapan dahilan para magising ang mga kaklase namin.

"Ayos lang po manong!" Sagot ni Harrison

"Andito na po tayo?" Tanong ni Cecille

"Huminto ang naunang jeep, malamang ay nandito na nga tayo." Sagot ni manong.

"Driver ka tas di mo alam?" Mahinang bulong ni Cecille dahil tunog sarcastic ang sagot ni manong, buti na lang ay hindi niya ito narinig.

Bumaba na ang lahat. Nakasunod naman ako kay Harrison. Nang makababa siya'y nagtaka ako ng ilahad niya ang kamay niya.

"Kay Christine ko binigay ang pamasahe ko." Sagot ko sa kanya sabay lundag pababa. Bigla naman siyang napatawa.

"Bakit?"

"I was just being a gentleman." Tumatawa pa rin ang mokong.

"Gentleman mo mukha mo." Inirapan ko siya tsaka nagtungo sa mga kaklase ko.

"Uy! To naman nangwa- walk out!"

Lahat kami ay napatitig sa malaking bahay na nasa harap namin. Makikita ang pagkamangha sa mukha ng mga kaklase ko kahit na ang ilan sa kanila ay minsan na rin daw nakapunta dito.

"Langya pasok na tayo! Ang layo layo ng bahay neto nagugutom na ako!" Sigaw ni Ciyoh.

Magdo- doorbell na sana ito ng mapahinto kami sa kararating lang na tricycle. Bumaba rito ang magkakaibigang sina Clyne at Lalaine. Maging ang mga ito'y nagulat ng makita kami.

"Anong ginagawa niyo rito?" Nagtatakang tanong ni Clyne.

"Bawal bumisita? Dali na pasok na tayo! Nakakagutom!" Si Hope.

Nagulat pa ang kanilang kasambahay ng makitang napakarami namin pero pinapasok pa rin naman kami nito.

Mas lalong nakakahanga ang loob ng bahay nila. Wala ng hiya hiya at agad nilang-- I mean naming nilantakan ang mga meriendang nakahanda. Ang mama naman ni Nathalie ay mala anghel dahil bukod sa magandang mukha nito ay napaka bait pa. Napatingin ako kay Rose. Makikitang pinipigilan nito ang kanyang mga luha ng makita niya ito.

Unforgettable MistakeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin